The Bucketlist

22 0 0
                                    


ORIGINAL STORY OF MARSMELLEOH

COPYRIGHT © 2017 BY MARSMELLEOH💕

Reproduction or usage of this work in whole or in part in any form by any electronic,mechanical,or other means,now known or hereinafter invented,is forbidden without the permission from the author.

Prologue

"Love and Death are two uninvited guests.When they will come,nobody knows.

But both do the same work.One takes heart and the other one takes its beats."

************

"Your daughter's dying..."

Nawalan ako ng lakas at tila paulit-ulit akong sinasaksak sa mga salitang binitiwan ng doctor sa mga magulang ko.

I'm dying...

Tanging hikbi lang ang maririnig sa apat na sulok ng kwartong kinalalagyan ko.Kahit ang pera di ako kayang isalba.

Bakit ngayon pa?Bakit ako pa?

Ang daming tanong sa utak ko na di ko naman kayang sagutin.Unti-unti kong naramdaman ang pagtulo ng luha ko pababa sa aking pisngi.

"Mommy...Daddy..."Mahinang pagtawag ko sakanila.Hindi ko kayang iwan ang mga magulang ko.

Tumigil sa pag-iyak si Mommy at tinignan ako.

"A-Allison..A-Anak.."Uutal-utal niyang sambit.Lumapit siya saakin at hinawakan ang aking kamay."M-May masakit b-ba sayo?Tell me."

Napangiti na lang ako kahit sa kaloob-looban ko'y nasasaktan akong makita siyang ganito.

"Wala po..."I hugged her."Huwag po kayong umiyak Mom,sige ka!Papanget ka nyan!"Pagpapagaan ko ng atmosphere pero mukhang nagkamali ako,mas lumakas pa ang paghikbi niya kesa kanina.

"A-anak..bakit ikaw pa?M-marami namang iba dyang masasama diba?Ba't di na lang sila yung kinuha ni God?"Tanong ni Mommy na puno ng hinanakit.

"May purpose po siguro si God,Mommy.Tska hiram lang naman po ang buhay diba?We don't know kung kelan tayo kukunin sa taas kaya wag na po kayong umiyak.Mas malulungkot ako niyan."Pagpapagaan ko ng loob niya.

Humiwalay naman siya mula sa pagkakayakap saakin at tumingin kay Dad.

"May tatlong buwan ka na lang daw sabi ng doctor.."Ramdam ko sa boses ni Dad ang labis na kalungkutan.Syempre,sino bang matutuwa kapag may taning na sa buhay yung anak mo diba?"..diba may bucket list ka?Gusto mo bang tapusin natin 'yon?"

Tumango at ngumiti na lang ako ng pagkatamis-tamis.Kalahati pa lang ang nagagawa ko out of 100.Tatapusin ko yun bago ako mawala,lalo na yung huling kahilingan ko..

I want to meet BTS pero mukhang mahihirapan ako...

_________________________
Thanks sa mga magbabasa nito kahit medyo korni.Sana po magustuhan niyo.

I'll update soon.

Vote and Comment.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 12, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The BucketlistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon