Dear First Love

68 3 3
  • Dedicated kay Nyctophilia__
                                    

Yiee! nakakainspire lng yung mga one shots na tagos sa puso :), Para to sa mga na </3..mga na one-sided at na friend zone :)

AN

-------------------------------------------------------------------------

Gaano na nga ba katagal? Lampas 3 years na din.Andami ng nangyari.Maggagraduation na, ang bilis ng panahon parang kahapon lang nung minahal kita.

Bago ko iwan ang pagiging highschool....gusto kong sulatan ka.

.

.

.

My Very First love

Dear First Love

Alam mo ba na first time akong gagawa ng letter para sa isang lalaki? Hindi ko nga ineeexpect na susulatan kita eh.Hindi kasi ako to, ung klase ng tao na nilalabas ung feelings niya, kapag nagmahal kasi ako tinatago ko lang kasi ayokong umasa, ayokong umiyak, takot akong masaktan.

Kahit andame daming nagsasabing Matapang daw ako.....tingin ko hindi eh kasi ung totoo mahina ako. Takot akong sumugal kasi takot din akong mawalan.

Aaminin ko na nung una kitang nakita nagkacrush na ko sayo ang gwapo mo kasi eh! Hindi naman tayo close pero good friends tayo.

Nagulat ako nung isang beses bigla ka na lang nagtext sakin syempre natuwa ako.Nagreply agad ako. Hindi ko inaasahan na mapapadalas pala ung pagiging magkatext natin. Araw-araw mo kong tinetext.Good Morning,Good afternoon, Good evening saka Good Night walang palya.Naalala ko pa nga na kinantahan kita haha akalain mo yun napakanta mo ko kahit sa text lang.

Hindi tayo masyadong nag-uusap sa personal ang weird nga eh.Pero pag sa text ang sweet mo.Siguro nga nagkamali lang ako ng akala.Umasa kasi ako na baka may gusto ka sakin kaya ka sweet sakin.

Nafall na kasi ako sayo.Hindi ko alam kung kelan nagstart basta tuwing nagtetext ka automatic na yung ngiti ko.Wala pang 1 minuto nirereplayan na agad kita tinatanong kung kumain kna ba?,Kung ano yung ginagawa mo?

Kahit sabihin natin na ako ung may mali kasi ako lang naman ung umasa.Nakakainis ka naman kasi eh!Ambilis mo din kasi magreply sa mga text ko, Nagkikwento ka pa about sa family mo saka sa mga pangarap mo kaya mas umasa ako.

Kapag nagkikita tayo sa personal nagngingitian lang tayo.Iniiwasan mo pa nga ako tuwing lumalapit ako sayo kapag naman nakakausap kita sandali lang. Hindi ko na lang pinapansin yun kasi pagkauwi naman, lagi ka na naman nagtetext. Ayoko din namang itanong sayo kung bakit nahihiya ka sakin kapag sa personal.

Ilang months na lang magbabakasyon na, Nagtext ka sakin na aalis ka na.Nung nabasa ko yun hindi ako makapaniwala.Sinabi mo sakin na sakin mo pa lang sinsabi.Syempre nasaktan ako nun kasi gusto pa kitang makita,makausap.

Hindi ko alam kung ako lang yung nakakafeel na mas naging close pa tayo. Ilang linggo na lang aalis ka na.Nalulungkot ako tuwing maiisip ko na di na kita makikita pero sabi mo sakin magtetext ka pa din naman sakin.

Last day na, Alam kong hindi na kita uli makikita pagkatapos nito. Kahit gusto kong ng sabihin sayo na may gusto ako sayo hindi ko ginawa kasi ayokong masira ung binuo nating friendship.

Tinupad mo naman ung mga sinabi mo na magtetext ka pa din. Natapos ung bakasyon hindi na nga kita nakita.Tapos minsan ka na lang din magtext sakin.

Natuwa ako nung nagtext ka bigla sakin sabi mo may sasabihin ka sa kin. Sabihin na nating umasa ako na kahit konti na baka ung sasabihin mo ay yung matagal ko ng gustong marinig.Kaso nagkamali ako.Ang sakit pala talaga pag mismong sinampal sa pagmumukha mo na hindi ka gusto ng taong gusto mo.

Tinanong ko kung bakit  lagi na lang ganto bakit ung gusto ko hindi nagkakagusto sa kin pero ung mga hindi ko gusto nagkakagusto ? Hindi ba pwedeng magustuhan mo na lang din ako?

Nagtext ka sakin, sinabi mo na may nagugustuhan ka ng girl.Sobrang sakit! kahit ang hirap replyan!  nireplyan pa din kita! At dahil napakatangga ko sinabi kong masaya ko para sayo. Hindi lang dun natapos ung sakit kasi lagi kang nagkkwento tungkol dun sa girl na nagugustuhan mo at ako naman bilang isang KAIBIGAN nagrereply padin kahit tuwing nababasa ko ung mga text mo parang paulit-ulit na may sumasaksak sa puso ko.

Mga ilang months ko ding dinala ung sakit pero sinabi ko sa sarili ko na kailangan ko ng mag move on sayo.After a year hindi ko namalayan na Okay na ulit ako siguro dahil mas tinuon ko yung pansin ko sa mga kaibigan ko.At hindi ako nagakamali kasi tinulungan nila kong kalimutan ka.

Ngayong gagradute na ko.Gusto ko lang magthank you sayo kasi kahit 1 taon lng yun.Dun ko naramdaman sumaya, ngumiti ng walang dahilan, kiligin at masaktan.

Mabasa mo man to o hindi gusto kong lang malaman mo na masaya na ko ngayon para sayo.Hindi ako nagtanim ng galit o inis sayo kasi alam ko na yun lang yung paraan para mapakawalan kita.

Hindi kita makakalimutan

Once yours

Pink Bear

Dear First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon