One - Audition

140 2 8
                                    

Haaaay. Ang gwapo niya talaga! Bakit ba kasi ang dami kong kaagaw sa'yo Jb? Dati rati konti lang fans mo nung model ka pa lang pero ngayong artista ka na, sobrang dami na ng fans mo. Bigtime ka na kasi eh! Kailan ka kaya mapapasakin? :">

Okay, eto na naman ako. Nagde-daydream sa harap ng tv habang pinapanood si Jb Ledesma. Siya na talaga ang forever celebrity crush ko. Gwapo, charming, maputi, maganda mata. Lahat na nasa kanya! Para siyang anghel na bumaba sa lupa. Sino ba namang hindi magpapantasya sa kanya diba? Buti na lang wala pa siyang girlfriend! Hinihintay niya siguro akong dumating sa buhay niya. Hihihi.

Naghanda na ko ng gamit ko at pumunta sa school namin para sa audition ng bagong music video ng Gracenote. Nag-dressup talaga ako para mapansin ako ng producers. Kailangang itodo ko na 'to! Malay natin diba, ito ang maging big break ko.

Pagdating sa venue, pumila na lahat ng mag-o-audition. Mga isang oras din akong naghintay tapos nung turn ko na, kinakabahan akong pumasok sa set. Tatlo yung judges para sa audition. Yung director, producer, pati.. hindi ko kilala yung isa. Basta tatlo sila.

"Pangalan?" Sabi sakin nung director.

"Good morning po. Anna Santos po." Nahihiya kong sagot.

"Let's start. Show us your talent." Naiinip na sinabi nung director.

"Kumakanta ka ba?" Tanong nung producer.

"Medyo po."

"Sumasayaw?" Tanong niya ulit.

"Konti lang po."

"Go!" Sigaw nung director.

Buti na lang pinaghandaan ko 'to! Hindi na ko nag-aksaya pa ng oras, pinakitaan ko na sila ng talent na hinahanap nila. Nag song and dance number ako sa harap nila. Mukha namang natuwa sila kasi nakangiti sila habang ginagawa ko yun. Maya-maya, pinatigil na ako.

"I like you." Sabi sakin nung isang judge na hindi ko kilala.

"Thank you po." Sabi ko sabay ngiti.

"Pakitawag nga si Jb. I-screen test na natin 'to." Tama ba yung narinig ko? Jb? As in si Jb Ledesma??

Nagulat na lang ako nang biglang pumasok sa set si Jb. Nanlaki talaga yung mga mata ko nung nakita ko siya. O-M-G. Jb Ledesma in flesh! First time ko siyang makita ng malapitan. Sobrang natulala ako sa kanya.

"Pinapatawag niyo raw po ako?" Sabi ni Jb.

"Yes Jb. Lumapit ka sa kanya." Tinuro ako nung director.

"Okay, direk." Sumunod si Jb. Sa ilang saglit, katabi ko na siya. Shucks. Grabe na talaga 'to! Nakakaloka na, sobra! I'm just inches away from Jb Ledesma. Hindi ko yata 'to kakayanin. Nginitian niya ako. Omg!!!

"Okay ka lang, Anna?" Sabi sakin nung director.

"O-opo. M-medyo kinakabahan lang po." Nauutal kong sinabi.

"Wag kang kabahan! You did well a while ago!" Sabi ni other judge.

So ayun, nagsimula na yung screen test naming dalawa. Pinag-act kami ng ilang scenes tapos pinasayaw na rin ng sabay. Nakakaloka talaga! Sana nagawa ko ng matino. Nanginginig kasi yung mga tuhod ko nung mga panahong yun. Ikaw ba naman, makasama mo si Jb Ledesma sa isang kwarto, hindi ka ba matutuliro nun?!

"Okay Anna, that's enough. Pasok ka na. You'll be Jb's leading lady in this new music video." Sabi ni direk.

ANSAVEH NI KUYA?! Omgeeeeeeeeeee. Hindi ko 'to kinakaya guys! Hihimatayin na yata ako sa tuwa. Abot tenga yung ngiti ko!

"T-t-thank you po!!!" Sabi ko sa kanila. Grabe, hindi ako makapaniwalang makakatambal ko si Jb Ledesma sa isang music video! Kung nananaginip man ako, sana hindi na ko magising. Nakakaloka talaga!

"Kakausapin ka muna ni Sir G sa labas." Sabi ulit nung director. Yun pala pangalan nung isang judge, Sir G. Sabay kaming lumabas ni Sir G tapos si Jb naman, naiwan pa sa loob.

"Ako nga pala ang manager ng Gracenote." Ah so yun pala papel niya dito!

"Pleased to meet you po, sir." Magalang kong sinabi sa kanya.

"Maganda ang audition mo, iha. Sigurado akong ikaw ang perfect girl para sa music video na 'to! So, are you ready to meet the band?"

"Sige po!" Pinuntahan namin yung Gracenote sa isang room. Ang bait nila! Very accommodating.

Pagkatapos nun, umuwi na ako samin. Sayang nga eh, hindi ko na ulit nakita si Jb. Pero sobrang excited na ako sa shooting namin! Start na raw next week. Weeeeeeee! Jb Ledesma, I'm coming for you :">

Summer Fling [ON HOLD]Where stories live. Discover now