"Mansion nyo 'to?!"
Napasigaw ako sa pag kamangha.
Parang gusto kong maiyak sa nakikita ko sa aking harapan.
Pagod kami sa mahabang byahe tapos ang bubulaga sa'to ay isang napaka gandang Mansion na nakikita mo lang sa mga telenovela."Yup. Sa amin ito."
Sagot naman ni Jaythan sakin.
Hindi ko alam kung nakanganga ba ako basta ang alam ko hindi ko na maipikit ang mga mata ko."Uy, okey kalang?"
Tanong naman sakin ni Zac saka ako tinapik sa balikat ko.
Tumango lang ako kahit na gusto ng sumabog ng dibdib ko sa nakikita ko sa aking harapan."As-in i-itong Mansion na 'to? Buong buo? Sa inyo talaga?"
Muli kong tanong sa kanila.
"Oo nga."
Inis naman na sagot ni Bryon sakin saka naunang lumakad papunta sa mansion.
ako naman ay parang napako ang mga paa at gusto ko nalang tumayo sa kung saan man ako ngayon."Jagiya~ tara na."
Sabi naman ni Jaythan sakin saka ako hinatak.
Habang nag lalakad kami may napansin akong grupo ng mga babae na patakbong lumapit kay Zac na nasa harapan namin."Zac, hobby san ka ba nag punta? Huh? Hindi ka na nag paparamdam"
Sabi nung isa sa kanya saka niyapos ang kanyang mukha.
Nanlaki naman ang mga mata ni Zac na agad napa atras at tumingin sa amin ni Jaythan.
Napa yakap naman ni Jaythan sakin para hindi ako matamaan ng mga babae na nakapalibot kay Zac."P*ta! Namatay ba ko? Sino ba kayo?"
Tanong ni Zac sa kanila.
Isa isang nag si luhudan ang mga babae sa harapan nya.
Ang iba ay halos yumakap sa kanyang mga binti ang iba ay pilit na hinahatak ang damit nya."Tang*na di ko kayo kilala lumayo kayo!"
Sigaw ni Zac sa kanila saka sya tumakbo sa loob ng mansion.
Hahabulin pa sana sya ng mga babae kung hindi lang ito pinigilan ng mga guards.Hindi naman kami pinansin ng mga babae na dumaan lang sa harapan namin.
Hindi na ako magugulat, nakilala ko si Zac ng ganito.Pag pasok namin ay halos mababali na ang leeg ko at ayaw ng pumikit ng mga mata ko sa nakikita ko.
Tatlo na kaagad ng mansion nila ang nakita ko."Jagi. Jagiya~naririnig mo ba ko?"
Napatingin ako kay Jaythan.
Hindi ko manlang napansin na nag sasalita pala sya sa tabi ko."Huh?"
Nasabi ko nalang.
Napapikit nalang sya saka sya napahawak sa kanyang batok at ngumiti sa akin."Wala po. Sabi ko ihahatid kita sa kwarto mo."
Sabi nya sa akin.
Saka nya ako muling hinila dahil halos hindi na ako maka hakbang kakatingin sa paligid.
Umakyat kami ng hagdan at hindi ko na malayang nabangga ko si Bryon.
BINABASA MO ANG
Beauty and The seven Beast || Complete ✓
Romance#B7B Mag alaga ng pitong anak ng mag asawang mayaman. Yan ang magiging trabaho ni Riley sa pag pasok nya sa buhay ng pamilyang Ryder. Pero ang akala nyang normal na pag aalaga ay hindi pala gaya ng pag aalaga ng mga batang sampung taon ang gulang, k...