I

42 1 0
                                    






George's Pov

Madami nang taon ang lumipas.hindi ko na nakakausap si kath.tuwing ichachat ko siya.hindi niya sineseen...nagiiscroll ako ngayon sa timeline niya...may pinost siya...
picture!may kasama siyang lalaki..yung caption niya...

Di ko akalain na magkikita tayo dito.
-D

ayan yung caption niya sa picture nila....Yung picture nila nung lalaki ang pinakahuling post niya siguro nakaka limang buwan pa lang siya dun nung nagpost siya..e ano na ngayon 3 and half years na siyang wala....kamusta na kaya yun!ano na kayang itsura niya...gustong gusto ko na siya makita....

naaalala niya pa kaya ako?SANA.

"kuya george!paabot ng tubig..nakatulala ka na naman!" Nagulat ako sa sabi ni Ry

"Ayy..oh!" pilit ngiting sabi ko sakanya...

"Hahaha..kanina pa kita tinatawag..tulala ka!" natatawang sabi niya pa.

"Be..hindi na ba talaga kayo nagchachat ng ate kath mo?" tanong ko...

"Hindi na nga....lagi mo tinatanong sakin yan..hehe..may gusto ka ba dun?" nagulat ako sa tanong niya kaya sumimangot ako...

di ko na siya pinansin...natapos kaming kumain dalawa..wala si ryna sa lola na niya siya nakatira...ayaw ni ry dun kaya nagpaiwan dito...inayos ko na ang pinagkainan namin...nagligpit na ako....natulog nalang ako...kaming dalawa lang ni ry dito e...walang magawa.

-

paggising ko..gabi na!nakita ko naman si ry na nakikipagVC hindi ko makita kung sino...

napatingin siya sakin at kita ko ang gulat sa mga mata niya..iniiwas niya ang phone niya at nagsalita...

"Nanjan ba si tita?" tanong niya sa kausap niya..baka pinsan niya yun

"Huh?" dinig kong sabi ng kausap niya

"Nanjan ba si tita sabi ko!" ulit niya

"Anong tita?" sabe nung kausap niya medyo familliar yung boses..

"Halaaa!namatay tuloy..ang hina siguro ng signal!" kamot ulong sabi ni ry..

"Sino yun be?" tanong ko

"A-ahh...W-wala..pinsan ko!" sabe ni ry bat parang kinakabahan to..baliw di naman kita kakainin!

Naisipan ko nalang maligo dahil gabi na...san kaya nagpunta yung magasawa..nagdate na naman siguro..hehe....

Habang naliligo ako di ko na naman mapigilan isipin si kath...ano kayang nangyayari sakanya ngayon....paano ko kaya ulit siya maaasar!bakit hindi ko kase tinanong kung kelan balik niya e!hayyy...natapos akong maligo....

nakapagbihis na ako..maya maya lang e...tumunog ang phone ko...

"hello....pre....o sige sige..ako nang bahala....." tumawag si pareng rj...hindi daw sila makakauwi...kaya kumain na kami ni ry ng gabihan....

"Ry.kain na!" sabe ko

habang kumakain kami....

"Hindi mo ba namimiss ate kath mo?" tanong ko

"Siyempre namimiss ko yun..ikaw?" tanong niya

hindi ko naman sinagot...speechless..hindi ko alam isasagot ko...



A/N: HOPE YOU LIKE IT.LABLAB!MWAHHH.

A.D.M. IIWhere stories live. Discover now