Characters: Symon Arraullo - Xian Aliyah Ledesma
Anthony Sebastian - Visette Garcia
---------------------------------------------------------------------------------------------------------
CHAPTER 1
Kakagraduate pa lang ni Xian sa High School. Nagiisang anak lang si Xian kaya ganon na lang siya ka spoiled sa kanyang magulang. Mabait, maganda, matalino, masipag at higit sa lahat may takot sa Diyos. Halos nasa dalaga na ang lahat ng katangian at wala ng hahanapin pa. Gumraduate ng High School si Xian sa probinsya. Pagdating ng college, nag-aral na siya sa Manila kasama ang Family niya. Kumuha siya ng kursong Architecture sa Far Eastern University (FEU).
First day pa lang niya sa College, hindi na maiwasan nang dalaga ang kabahan lalo na't first time lang niya mag-aral sa Manila. Simula elementary at highschool sa probinsya siya nag-aral, kaya hindi mapigilan ng dalaga na kabahan dahil hindi pa siya ganon ka-familiarize sa Manila.
Sa tapat ng kanilang classroom naghintay muna ang dalaga pansamantala para sa una nilang klase. Maya't maya may isang lalake ang dumating maputi ito, matangkad, gwapo, halos lahat nang mga babae ay napatingin dito isa na don si Xian. Hindi maiwasan ni Xian ang mapatingin sa lalake. Napakaamo ng itsura at tahimik ang lalaking ito.
Hindi maiwasan nang dalaga ang mapaisip. Ang unang pumasok sa isipan nito nung una niyang makita ang lalake "Ay! Sayang, gwapo sana kaso chubby naman. " saba'y ngiti ang dalaga nung sumulyap siya sa lalake.
Maya't maya'y pumasok na sila sa kanilang classroom. Ang unang subject nila is English. Hindi na bago sating mga Pinoy na kapag unang pasok mo pa lang sa school (lalo na kapag freshman), asahan mong tahimik pa lang ang mga ito, pero kapag katagal-tagalan na makikita at makikilala muna agad ang ugali kapag araw-araw muna itong nakakasama.
One by one silang nagpakilala sa harapan. Hindi mapigilan ng dalaga ang mahiya kahit ilang beses na niya ito ginagawa ' hindi pa rin niya ito mapigilan. Sa unang subject nila, may pinagawa agad ang kanilang Professor, ang title ay "Etiquette Introducing Yourself !" by group ito. Hindi mapigilang matuwa nong iba dahil makakagrupo nila yong mga crush nila at hindi lang yon makakashake hands pa nila ito 'sa title pa lang. :)
Limang (5) grupo ang kailangan tas sa bawat grupo sampu (10) ang miyembro.