Chapter 4: Someone New

4K 44 12
                                    



Bago pa man ako makapasok sa first period class ko, ipinatawag na ako ni Mrs. Cortez sa office niya. Siya ang guidance counselor sa school namin. Matagal na kaming magkakilala dahil madalas ay siya ang nag-aasikaso sa akin sa mga contests at seminars dahil kadalasan ay ako ang candidate ng school. Pagpasok ko ng opisina niya ay may kasama siyang lalaki na kasing-edad ko lang, at mukhang bagong lipat lang sa school dahil hindi siya pamilyar sa akin. Kaunti lang naman ang estudyante dito at paniguradong hindi siya taga-rito.

"Good morning, Mrs. Cortez," bati ko pagkapasok ko sa opisina niya. Umupo na ako sa upuan na nasa tabi ng lalaking nasa opisina rin.

"Benice, buti naman at nakapunta ka agad. Pasensya na sa abala, hija."

"Okay lang po, nakapagsabi rin naman po ako sa teacher ko."

"Ako na ang bahala sa'yo, okay? Anyway, gusto ko sanang ipakilala sa'yo si Dylan," sabi niya sabay turo sa lalaking nasa tabi ko. "Kababalik lang ng pamilya niya galing sa Canada, at dito na siya magpapatuloy ng pag-aaral."

Nilingon ko si Dylan at nginitian. Ngumiti rin naman siya at nagkamay. "Nice to meet you, Dylan. I'm Benice Chua."

"Dylan Gonzaga."

"At dahil first day niya, gusto ko sana na ikaw na muna ang bahala sa kaniya. I-tour mo siya at i-orient sa student life rito. Ayos lang ba 'yun?"

"Wala pong problema, Mrs. Cortez."

"Thank you, Benice. I'll excuse you from your classes for the day."

"Thank you, Ma'am." 

Nagpaalam na kami kay Mrs. Cortez at lumabas na sa opisina niya. Tatanungin ko sana siya kung ano ang mga una niyang gustong makita, pero nagkataon din naman na sabay kaming nagsalita.

"So, may mga gusto ka bang makita?"

"Anu-ano ba ang makikita dito?"

Nagkatawanan kami pagkatapos noon, at nag-desisyon na lang ako na ituro muna sa kaniya ang lahat ng offices na maari niyang puntahan kung may kailangan siya.

"So, kanina, nanggaling na tayo sa Guidance Office, si Mrs. Lea Cortez ang nag-oopisina doon. Dito naman sa Admission Office, I believe nanggaling ka na rin dito?"

"Ah, oo noong nag-enroll ako."

"Good. Si Mrs. Angelu Gomez naman ang nag-oopisina diyan. Siya ang head diyan. Kasama rin niya si Ms. Thea Lopez, Mrs. Evangeline Cruz, at si Mr. Leo Gonzales."

Habang naglilibot kami sa school at tinuturo ko sa kaniya ang mga buildings at offices, nakita ko sa talagang nagfo-focus siya at nakikinig nang mabuti. Kung pwede lang siguro siyang bigyan ng papel at ballpen ay paniguradong ililista niya pa ang mga sinasabi ko. Matangos rin ang ilong niya, matangkad, mapula ang labi. Ang ganda ng mata at ng ngiti. 

Benice! Ano ka ba! Ito-tour mo lang si Dylan. At isa pa, ayaw mo nang masaktan, 'di ba? Hindi na dapat ako nag-eentertain ng mga ganitong thoughts. Hindi ko na gustong magmahal pa dahil mas gusto ko munang mahalin ang sarili ko. Hindi ko na kayang buksan pa ang puso ko para sa iba dahil mas gusto ko na mahalin muna ng buo ang sarili ko para tuluyan na akong gumaling sa sakit na binigay sa akin ni Patrick. Hindi ko na dapat isipin pa ang mga ganoong bagay.


Noong matapos na kaming maglibot sa school ay dumeretso na kami sa parking lot kung saan ko ipinarada ang kotse ko.

"See you in school, Dylan," pagpapaalam ko sa kaniya. Binuksan ko na ang pinto ng kotse at sasakay na sana ako pero natigil ako noong tinawag ni Dylan ang pangalan ko.

"Um, Benice?" sabi niya na nahihiya pa at napapakamot sa ulo.

"Oh, bakit?"

"Ano.. um... salamat. Sa... sa pagsama sa akin ngayon." Hindi pa rin siya makatingin at namumula na.

"Wala lang 'yun, ano ba. Wag ka ngang mahiya sa akin. Masaya ako na makatulong." Pagkasabi ko noon, iniangat na niya ang tingin niya at nginitian ako. Tanga na lang ako kung ipagkakaila ko pa na noong makita ko ang ngiti niyang iyon ay lumakas ang tibok ng puso ko. 

Mukhang ako naman ang namumula sa pagkakataon na ito.

Afraid to FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon