The Curious Brat (Part One)

443 15 9
                                    

     “Kung gusto mo malaman ang mga katanungan mo, pumunta ka dito sa kuwartong ito ng gabi wala dapat makakaalam nito, maski si Shiro” Ito ang huli niyang sinabi saakin bago siya umalis, I doubt him because he’s a vampire but Waaah! Gusto ko talagang malaman yung mga sagot kaso lang baka malaman ni Shiro, pero ayoko magsinungaling sa kaniya pero curious pa rin ako pero baka malaman ni Shiro AHH!! Gusto kong magwala! Hindi ko alam kung anong gagawin ko!

       Hapon na at magtatapos na ang klase, kanina lang itong insidente at nakita ko rin kanina ang “worried side” ni Shiro, ang ipinagtataka ko lang kung bakit siya nag”ganun”, may nangyari ba? Or baka alam niya ang nangyari? Hmm, bahala na si Batman  dederetso naman ako sa Student Council Room baka matanong ko sakaniya kapag maganda yung timing.

     TOTOO BA ‘YON? Sigurado  akong may naramdaman akong ibang klaseng presence na malapit kay Lilia, parang katulad ko? Tch, kung may nangyari sakaniya hindi ko mapapatawad  ang sarili ko. Hindi ko pinapansin ang dinadaanan ko dahil busy ako pagiisip ayan tuloy natapilok or should I say Tinapilok ako. Nadapa ako, wrong timing sila, kung kalian wala akong mood. Pinagtatawanan nila ako ngayon, nasa corridor ako papunta sa Student Council Room, kakatapos lang ng klase kaya dumeretso agad ako dito.

     “Hindi mo kasi tinitignan yung dinadaanan mo” sabay tumawa ulit, obvious na siya yung pumatid sa akin. Hindi ko napansin kung anung gagawin ko dito basta ang nasa isip ko lang ay maging calm dahil baka magalit sa akin si Lilia, tumayo na ako at itong pumatid sa akin ay may balak nanamang pumatid sa akin, tinalunan ko lang paa nito na tinatangkang patidin ako tapos tumingin ako sa kaniya ng masama, tumahimik lahat ng tumatawa at ako naman ay nagpatuloy na sa paglalakad, ng nasa pintuan na ako ng Student Council Room ko nalang naisip yung ginawa ko, Oh No, hindi ko dapat ginawa yun nakalimutan ko na tahimik dapat ako dito sa school. Oh well nevermind that, binuksan ko na ang pintuan at nanduon na ang buong miyembro ng Council, binati ako nila ate Samielle at Jasicha ng ngiti except si Lilia na nakatingin lang sa desk nito habang tinatapik ang kaniyang ballpen ng paulit-ulit parang wala itong pakeelam sa paligid nito.

     Medyo nainis ako dahil hindi man lang niya ako napansin sinarado ko na yung pinto ng malakas at inusod ang upuan ko ng hindi binubuhat para gumawa ng ingay, hindi pa rin ito napapansin ni Lilia, Nakakaasar, tumahimik nalang ako ginawa ko na ang mga requirements para sa Campus week. Malapit na magcampus week dalawang linggo nalang at magkakasiyahan na ang buong eskuwelahan, wala ako sa mood, Una, yung kaninang umagang maramdaman ko sa kuwartong ito at pangalawa itong si Lilia na hindi namamansin, hindi nga rin ata niya alam na nandito ako.

     HINDI AKO MAKAPAGISIP NG IBA Kundi ang sinabi nung bampirang iyon. Aah wait, bago ko muna isipin ‘yon at magpakabaliw dito kakaisip tanungin ko muna si Samielle kung ano ang maipapayo niya.

     “Ahh, Samielle” Tumingin na ako sa kanila at nagulat ako na nandoon na pala si Shiro, hala hindi ko napansin.

     “Bakit?” Ngumiti si Samielle saakin.

     “M-Mamaya ko nalang sabihin sa’yo” nandiyan kasi si Shiro.

     “Osige” Tumingin saakin si Shiro, nakasibangot, gusto niya atang malaman kung ano ang paguusapan namin pero hindi niya masabi dahil nandito sila Jasicha at Samielle, dapat lang na hindi niya malaman nakakahiya kaya ang tatanungin ko kay Samielle.

     Tapos na ang mga works sa Student Council ngayong araw at pinauna ko na sila Shiro at Sebby sa paguwi, syempre pinilit ko sila, ayaw talaga umuwi ni Shiro na hindi ako kasama at sikreto na nakatira kami sa iisang bubong, baka mashock ang buong eskuwelahan.

     “Okay lang ba Lilia na hindi ka nagpahatid sa sundo mo?” Nagaalalang tinanong sa akin ni Samielle, naglalakad kami ngayon pauwi mejo parehas ang route na dadaanan namin pero hindi malapit sa isa’t-isa ang bahay.

My Lover is a Vampire PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon