Kevin's P.O.V.
"Olin!!! HIRO!!!"
Agad na lumipad ako pababa palapit sa kanila nang bumagsak sila bigla sa lupa. Natamaan sila ng electric fire na ibinuga ni Arako. Sinubukan nilang pigilan iyon ngunit sadyang malakas ang masamang dragon. Mababakas ang pagkasunog sa kaliskis ng balat nila Olin at Hiro.
Nang makalapag ako ay nakahinga ako ng maluwag ng makitang humihinga pa sila.
"Olin? Hiro?" muli kong tawag sa kanila nang makalapag na ako sa lupa.
"M-master... a-ayos lang po kami..." nahihirapang sabi ni Olin sa akin.
"Patawad m-master..." umiiyak naman na sabi ni Hiro. Wala akong nakikitang luha sa mga mata niya dahil anyong dragon parin siya ngunit ramdam na ramdam ko ang pighati nito sa boses.
"Ayos lang 'yon. Nagpapasalamat nga ako at tinulungan niyo ako." sabi ko sabay himas ko ng ulunan nilang dalawa. Pumikit sila na mukhang ne-relax sa ginawa ko.
"Bumalik na kayo sa katawan ko." utos ko.
"P-pero, hindi pa po namin natatalo si Arako..." agad na tutol ni Olin. Tipid na nginitian ko lang siya.
"Mukhang alam ko na kung paano siya matatalo. Bumalik na kayo at ako na ang bahala dito." Tumango lang ang mga ito at biglang naglaho sa harapan ko.
"Igaganti ko kayo." Muli akong lumipad pataas sa kinaroroonan ni Arako. Inilabas ko ang battle axe ko habang lumilipad ako at mabilis na pina-ikot iyon sa ere. Lumabas mula rito ang mga illusion dragon na agad na pumulupot kay Arako.
Ang mga illusion dragon ay mga uri ng dragon na tanging ang kalaban ko lang ang makakakita. Ngunit depende lang iyon kung may kapangyarihang dragon ang kalaban o sadyang makapangyarihan. Ang anyo ng illusion dragon ay may mahabang payat na katawan--kahawig nila ang katawan ng hito--at kulay abo ang buo nilang katawan. Ang kanilang mga mata ay tanging berde ang kulay at wala silang mga kamay at paa.
"Ha! Nagpapatawa ka ba? Sa tingin mo matatalo ako ng mga illusion dragon na ito?" nakakalokong sabi ni Arako nang makita ang ginawa ko.
"Maaring mahina sila para sa iyo... ngunit wag mong kalimutan na hindi sila ganun kadaling alisin sa katawan mo oras na pumulupot na sila." Malapad ang ngiting sabi ko. Agad naman nawala ang nakakalokong ngiti niya.
"Anong pinaplano mo?" kunot noong tanong nito.
"Ano sa tingin mo?" mukhang wala siyang maisip na dahilan. Sa unang pagkakataon ay nagawa kong lituhin si Arako at mukhang dito pa lang ay panalo na ako. Lumipad pa ako palapit sa kaniya.
Kailangan kong magawa ito bago pa niya mahulaan ang plano ko,
"May gumugulo kasi sa isipan ko at sa tingin ko ay...nasa katawan mo ang sagot." mabilis na inutusan ko sa isip ang isang illusion dragon na nakapulupot sa leeg ni Arako na kunin ang maliwanag na bagay sa loob niya.
Agad naman iyong naramdaman ni Arako at sinubukan pigilan ang illusion dragon.
"AHHHH! HINDI!!!!" nabalot ng nakakakilabot na sigaw ni Arako ang buong paligid. Agad na napangiti ako.
Talo na si Arako!
Lumipad palapit sa akin ang illusion dragon at niluwa sa kamay ko ang kakaibang bagay na napakaliwanag. Kahit nagliliwanag ito ay hindi siya nakakasilaw. Kahanga hangang bagay.
Nag-angat ako ng tingin sa puwesto ni Arako ngunit wala na siya roon. Inilibot ko ang tingin sa paligid pero hindi ko siya makita. Aksidenteng napatingin ako sa baba at...
BINABASA MO ANG
She's a Living Dead
FantasyKevin Li is one of the top students of Falerio International University--an institution that train students to become a special agent. He is one of the member of Wolf88, a group of top 12 students of FIU. During his last year in the university, he...