T H I R T Y S E V E N

1.4K 75 23
                                    

Year 2017 (PRESENT) - Part IX (EP. 1)

--
Legend:
Ed - (Edward)
Mm - (Maymay)
M - (Marco)
V - (Vivoree)
T - (Tanner)
C - (Cora)
F - (Fenech)
A - (Aizan)
--

[V]
"Settled na kami dito. Kayo, guys?"

[Ed]
"Okay na. Shall we?"

[Mm]
"Halaaa! Tara naaaa! Excited na ako! "

Nailagay na ang lahat ng bagahe nila sa sasakyan at excited na sila, lalo na si Maymay. Nagsama-sama sila ngayon para magbakasyon. Masaya lang lahat.

Pwes, maliban nalang yung isang aspeto ng buhay ni Maymay - love life. Yun, hindi masaya. Pero napaisip siyang andiyan lang naman si Edward - na sana magbago ang ihip ng hangin at maging patungo sana sakanya.

Pagkatapos ng mga harapan at aminan at naisip ni Edward na pagkakataon na ulit nilang magsama-sama para naman maibalik ang minsang nagulo nilang samahan. At syempre, dahil ito sa pangungulit ni Tanner at Marco na manlibre siya. Holiday weekend break naman kaya lahat sila ay available. At ngayon, sa wakas, kumpleto na sila.

Magkakasama sa isang van ang barkada na pantungo na sa Zambales - Si Maymay, Tanner at Cora, Marco at Vivoree, Si Edward. Kasama rin si Fenech at ang boyfriend niyang si Aizan na ka-close din naman nilang lahat. Matagal narin nilang di nakita ang dalawang ito. Malapit na kasi ang graduation nila Maymay kaya nauna na silang lumuwas para makasama sa lakwatsa.

Aalis na ulit sila Tanner pagkalipas ng ilang araw. Si Marco din, babyahe na pabalik ng Italy pagkatapos ng graduation nila at pwedeng doon na ulit titira. Si Edward, malamang pag sinagot na siya nung nililigawan niya, magiging busy na. At siya, trabaho na ang aasikasuhin niya. Baka nga bumalik pa siya sa probinsiya nila. Kaya sa ngayon, happy happy nalang muna. Graduating tapos babyahe? Sus. Walang pamahiin ang nakapigil sa kanila.

[Ed]
"Hey! Maymay, come infront. They're couples there. You'll be left out. Hahahaha"

[Mm]
"Ehhh! Kahit na! Dito na ako sa likod. Matutulog kasi ako. Hahaha"

[M]
"Maymay, sa harap ka na. Hahahaha Alam ko. Ano. Oo. Yun. Hahaha"

[Mm]
"Sshhhh! Isa! Hoy Marco ah! Manahimik ka nga! Naging kayo lang neto ni Vivoree ah, inaapi mo na ako lagi."

[F]
"Sige na, Ate May. Hahaha Kausapin mo po si Kuya Edward para di siya makatulog sa pagdadrive. Tsaka matutulog din kasi kami talaga lahat dito. Wala nang space para sayo. Hahaha"

[Mm]
"Hayy! Sige na nga! Ikaw bebe, dumagdag ka pa talaga ha? Nagsama nanaman kayo neto ni Marco eh. Sige ganyan!"

Lumabas si Maymay sa van at binuksan ang pintuan sa front seat. Totoo nga naman, ma-o-OP lang siya doon. Pero kasi naman, ang awkward. Alam na kasi ni Marco na mahal pa niya si Edward at lagi nalang siyang inaasar nito. Alam nila pareho na may nililigawan si Edward at may mga naisip na siyang sarili diskarte pero hiling niya na wag lang sana makialam si Marco dahil ayaw niyang mahalata pero sadyang mapagbiro talaga yun.

[M]
"Ehem. Ehem. Hahahaha"

[Mm]
" Hoyyy ano yaaan! Kasi eh. Hirap naman maging single. Naaapi. Hahaha ako nalang di taken satin oh!"

[A]
"Yan si Kuya Edward, single parin naman. Edi Ate, kunyari kayo nalang."

[Mm]
"Ay aba aba!? Bushak! Isa ka pa eh! Kala ko mabait ka parin eh pero nahawa ka na sa kapatid ko. Hahaha"

Back For You (MayWard) - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon