4

7 0 0
                                    

"Jin." Tawag ko sa lalaking katabi ko sa sofa sa bahay namin. Hindi na ako pumunta kanila Manang Dina dahil hindi ko kaya. Hihingi na lang ako ng tawad bukas.

"Hmm?" Lingon niya sa akin, nakaakbay siya sa akin habang pinaglalaruan ang buhok ko at ako naman nakahiling lamang sa kanya.

"Pag may nangyaring masama kay Les, hindi ko mapapatawad sarili ko." Utal kong sabi kasi parang may nakabara sa lalamunan ko.

Nanlaki ang mata ko nang may pinunasan si Jin sa aking pisnge. "Shh, stop crying, Gorgeous." Naiyak nanaman pala ako. "Shh, wala kang kinalaman sa nangyari." Patahan niya muli sa akin, kinulong niya ako sa kanyang bisig.

Nagpataas baba ang balikat ko habang nagsasalita. "No, it's my fault. Bago mangyari yun, nagkaroon kami ng alitan tungkol sa..." sasabihin ko ba? "Sa ibang bagay." Hagulgol ko.

'Mas maiging wag ko na lang sabihin.'

"Stop crying, everything will be alright." Ani nanaman niya, humiwalay siya sa pagkakaakap sa akin. Napatitig nanaman ako sa kanyang mga mata. Those eyes can melt me in no time. "Pangako kung may mangyari mang masama, hindi ako mawawala sa tabi mo." Dagdag pa niya na sa aking mga mata parin nakatingin.

Ang puso kong nananahimik ay bigla bigla na lang nabuhay dahil sa paglapit ng kanyang mukha sa akin.

'Ito na ba yung moment na hahalikan nya ako? Ito na ba yung moment na pinapangarap ko dating naniniwala pa ako sa mga fairy tales? Ito na ba yung Prince Charming na hinihintay ko?'

Napapikit na lamang ako nang makita ko malapit na madapo ang kanyang labi sa akin. Ramdam ko na ang kanyang hini--. Napatalon kami sa gulat nang may tumatawag sa cellphone niya. Agad naman kami lumayo sa isa't isa.

'What the hallway is that?!' Sermon ko sa sarili. 'Why did you act that way, Jastyne?!' Hindi ko mapigilan mamula dahil sa kahihiyan.

"Alright, I'll be there." Napalingon naman ako kay Jin na ngayon binababa na ang tawag. "Jas." Hindi siya makatingin sa akin marahil nahihiya rin ito. Mabilis parin tibok ng puso ko, hindi ata makagetover. Ehh di naman natuloy ang kiss. Tsk. "Uhmm, I need to go now. Something came up." Hindi talaga siya makatingin sa akin.

"Okay, take care." I said. Tumayo naman na siya at sinundan ko ito upang maihatid sa labas. Naiinis ako sa puso ko ayaw kumalma.

"Bye Jas, see you tomorrow." Dito na sya tumingin sa akin at ngumiti. Napangiti at tumango naman ako. "Eat dinner and sleep early okay?" Tumango ako, bago pa sya umalis pinat niya nanaman ang ulo ko. Nang makita ko siya umalis na agad naman ako pumasok at sinarado ang pinto para makapunta na sa kwarto ko. Nanghihina parin ako sa nangyari kanina.

Nagring naman phone ko dahil tamad ako tignan kung sino ang caller ngayon sinagot ko na lamang.

"I heard the news, Jm."Biglang bumilis tibok ng puso ko, si Xarius ito. "Is she okay now?" Marahil si Les ang tinutukoy niya, magkakabata kasi kami.

Hindi ko nanaman napigilan humikbi. "I don't know, Xar." Salita ko habang nahikbi.

Narinig ko naman siyang napabuntong hininga. "Hey, Jm stop crying. Hindi bagay sayo." Hindi ko na lamang sya sinagot at binaba ko na lamang ang tawag.

Agad ako dumapa sa unan ko at umiyak ng umiyak doon. "Kasalanan mo ito Jastyne ehh!" Paninisi ko sa aking sarili.

Panigurado magtataka sila Tita Lyla bakit di manlang ako tumawag sa kanila. Sa kakaiyak ko di ko namalayan nakatulog na pala ako. Nagising na lamang ako na may humahaplos sa aking mukha. Ang sarap sa pakiramdam, unti unti kong binuksan ang aking mga mata at agad din naman ito napalitan ng pagkagulat.

T - ApplicationWhere stories live. Discover now