Prologue

3 2 0
                                    

Sabi nila "Live your life to the fullest" because "You only live once"


Masarap nga namang isipin na magagawa mo lahat ng gusto but in reality napaka-impossible.

I've been checking my schedule for the day. Mula ata nang matuto akong tumingin ng oras natutunan ko na ring budgetin ang oras ko. Starting from the time I wake up till I go to sleep lahat naka-schedule. Kung anong oras kakain o kahit ang pagbanyo naka-schedule. Napupuri ako sa galing kong mag manage ng oras. Nasusunod ko kung ano man ang nailagay ko sa schedule. I just want everything to go according to plan. Sanay na ako. Talent ko na ata iyon.

But lately I'm having this thought. Hindi ba ako nabobored sa buhay ko? Parang gulong. Paikot-ikot lang. Kung ano ang nangyari kahapon ganoon din ang mangyayari ngayon. Gigising sa umaga, kakain tapos magtatrabaho. Pagakuwi naman kakain, maghihilamos saka matutulog. Wala man lang kakaibang nangyari sa buhay ko.

Now I've realize nakakapagod na din pala ang buhay ko. Sabi nga walang thrill. I want to get away with this kind of life. Gusto ko namang maiba ang buhay ko. I want change!

At yun nga ang makukuha ko. Parang noodles na instant. Instant din ang pagbabago. Ni hindi man lang ako nainform. Walang schedule. Hindi nakaplano. Basta na lang akong ginulat.


"Anong cyst Doc? Paanong nagkaroon ako noon?" "Your lifestyle may be one factor but as I see it. Maaaring hereditary ang case mo. Since nasa history ng family mo ang..."

"Wait!" I cut him out before she say that dreadful word . Ayoko. Hindi pwede. You mean to say meron na ko nun doc?"

"I'm still not sure about it. We have to run some test before we conclude. "

"Doc kelan ko malalaman ang result?"

"Weeks or months we still have to check it. Don't worry to much."

"Eh doc. Hindi pa naman natin sure di'ba?"

she nodded.

"Pwedeng negative ung result.."

"Yes." she was looking at my medical record My ultrasound to be specific.

"How can I lower the risk of having that..err..disease."

"Well..." she stop for a bit

. Mukhang naghehesitate pa si doc. Nakatitig lang ako sa kanya assuring her na open ako sa kahit anong solution.

"Pregnancy."

" Pregnancy?" nabingi ata ako.baka Pharmacy naman ang ibig sabihin ni Doc dun. Malapit naman yun sa pregnancy. Parehas nagtatapos sa "cy".Pero base sa expression niya mukhang tama ang narinig ko.

"Yes. Studies shows that pregnancy can lower the risk of getting ovarian and breast cancer...."

Nahihirapan ata akong huminga. Nagkakamali lang ata ako ng rinig. Hindi pa kasi ako nakakapaglinis ng tenga mula. Baka dahil doon.

"...naiipit kasi yung cyst habang lumalaki yung baby..."

Hindi ko na masundan ang sinasabi ni doc. Ano daw ang maiipit? At sinong iipit? "...and it will eventually get out of your body."

"huh?"

"Is'nt it amazing?" sabi ni doc ng may ngiti sa labi. Parang tuwang-tuwa siya sa sinabi when in fact kabaliwan para sa akin iyon?

"You're joking right?" I'm very sure my face turned paper white.

"You very well know that the word "joke" can't be found in our dictionary."


Teka lang oy! Sabi ko change hindi ko sinabi na gusto kong mabuntis. Ito na ba yun?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 01, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Right Time For LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon