Malalim na ang gabi,
subalit sarili ay hindi mapakali.
Pabaling-baling sa higaan - sumasabay sa bawat ikot nitong kamay ng orasan.
Isipang hindi dalawin ng antok, eto at ikaw ang laman.
Oo, mahal, ikaw nanaman.Isang linggo...
isang linggo, mo na akong hindi kinikibo.
Walang tawag ni text, kahit simpleng hi man lang o hello.
Kaya't eto nanaman ako,
nababaliw sa kung ano nanamang mali ang nagawa ko.
O hindi nagawa upang makuha ang interes mo.
Eto nanaman ba tayo?
Naghihintayan kung sino ang sino?
Sabagay para naman akong bago ng bago sayo.
Eh palagi naman tayong ganito.Hindi naman ito 'yung unang beses na ginawa mo akong tanga at gago.
Hindi ko nga alam sa sarili ko kung paano ko natitiis ang isang tulad mo.
Hindi ko na alam, kung bakit pa ako nag-aaksaya ng panahon sa 'yo.
Bakit pa ako nag-aaksaya ng oras para isipin ka,
Balikan 'yung mga ala-ala nating masaya.
'Yung mga one of the books na eksena.
Pangyayari na masasabi kong...
Ako ay mahal mong talaga,
at nagkakaganito ako dahil mahal kita.
Nakakakaasar, kingina!
Pero, oo, mahal kasi kita.Pero ngayon, mahal mo pa ba?
O ako na lang etong umaasa na meron pa?
Sagutin mo naman oh...
Sabihin mong kumapit pa rin ako.
Umasa pa rin ako sa mga pangako mo.
Sa mga halik at yakap mo,
dahil mahal, unti-unti na akong natutulos.
Nanghihina - unti-unti nang nauupos..
Pasensya ko'y madali ng maubos,
sawang-sawa na akong maging second choice!
Ayoko na ng ganito...
'Yung kakausapin mo lang dahil bored ka o wala kang magawa.
Mahal naman, kung nakikipagtaguan ka, please lang magparamdam ka na.
Sige, ako na ang talo at laging taya.
Oo, ako na...
'Wag mo lang sasabihing may iba ka na.
Kaya ka nawawala...
BINABASA MO ANG
Munting Tinig (Mga Tula At Alingawngaw)
PoetrySalita Agam-agam Konsensya Damdamin Katha ...sa pluma ko't tinta.