chapter: one

72 5 10
                                    

Jared Silvestre's Point of View.

"Pre? Tama na work"
Pangungulit sa akin ni Dave.. pinsan ko. Eventually, pinsan ko siya on my father's side.

" No pre. Ayoko" sagot ko over the phone.
Ina aya niya kasi akong mag inom kasama ang mga tropa.
Kaso uma ayaw ako kasi may mga paper works pa ako.

Di pa pu pwede.

Kailangan munang ma tapos ko tong paper works para di ako ma tambakan ng trabaho bukas.

" Pre naman? Wala kang awa sa tropa mo? Grabe ka, ilang beses mo na kami tinanggihan ah?" Pang ngungunsensyang sabi ni Dave.

Tingnan mo tong tukmol na to? Ko konsensyahin pa ako.
Tsk.

"Sige na pre. Ngayon lang to. Promise, di na muna kita kukulitin bukas at sa mga susunod na araw" sabi niya.

Panindigan niya yan. Kung hindi. Baka manapak na ako.

Inayos ko na yung mga natitirang paper works ko.
Sige, pag bibigyan ko na muna si Dave tutal sabi niya namang di niya ako guguluhin sa mga susunod na araw.

Pero alam ko ginu good time lang ako nito eh. Kasi sa susunod nanaman na mag aaya yan. Kinabukasan yan.

Sabi ko na susunod na ako sa kanila. At salamat sa diyos dahil tinigilan niya na ako.

Napa tingin ako sa wall paper ng cell phone ko..

Siya...
Siya na ex ko.
Si Cath.

Brings back the memories..
Nung kami pa..

Nung nakita nga ni Dave kung sino wall paper ko. Akala niya bago.

Nag mature na kasi si Cath ngayon. Simula nung nag break kami.
Di ko na siya nakita.

Kahit sa dati naming tag puan, wala siya.
Ang kapal ko naman ano?
Kung andon siya sa tag puan namin, ang kapal kong mag pakita sa kanya.

Hinanap ko ang Facebook niya. And dun ko nakuha ang wall paper ko ngayon.

Ibang iba na ang itsura niya ngayon kumpara noon.

Mahaba na ang buhok niya.
May highlights na rin ito at medyo curly na.

Sinubukan kong i-add siya sa Facebook.. kaso nahiya ako.
Nakaka hiya yung ginawa ko sa kanya kako sa sarili ko.

Kailangan kong mag bago para sa kanya. Para kung sakaling mag kita na kami muli. May maipag mamalaki na ako sa kanya.

Para di na siya mag dalawang isip pa kung babalikan niya na ba ako o hindi.

For the past years...
Hinintay ko siya.

Simula nung nag hiwalay kami. Naging miserable ang buhay ko.

Bumalik ako sa pag bi bisyo.
Bumalik ako sa pagiging tarantado.
Nambabae ako.

Maraming naka one night stand.

Pero na tigil ko yon nang makita ko si mama. Umiiyak ng dahil sakin.
Kilala niya si Cathy dahil nga sa pinakilala ko siya sa kanila ni papa.

Si Cathy ang pangalawa sa babaeng naipakilala ko sa mga magulang ko.

Ganon ako kung seryoso ako sa babae.

Pero nang dahil sa ka gag#h@n ko. Nawala siya sakin...
Iniwan niya ako..

Nag drive na ako papunta sa bar nila Dave.

At na abutan ko ang tropa na nag kaka tuwaan.

Yung iba nga sa kanila, bagsak na.

"Oy pinsan! Ang tagal mong dumating"
Pag tawag sakin ni Dave.
Gag0 talaga to.

Pag may amats na yan,
Ganyan niyan ako tawagin.

As usual, nagka inuman. Nag ka tuwaan.

Nag paalam akong iihi lang ako.

Medyo may amats na rin ako pero di pa iyon dahilan para di ko kayaning mag lakad.

Nang maka tapos akong umuhi.
Parang nawala yung amats ko..

Parang binibiro lang ako ng tadhana..
May babae.
Di kalayuan sa may kina uupuan namin ng tropa.

May kasama itong babae na umiiyak at parang inaalo ito.

Napa kurap kurap pa ako ng mga mata ko. Kinusot ko pa nga mga ito para maka sigurado.

Kamukha kasi ni Cath and babaeng iyon.

Di nga lang ako sigurado dahil sa naka side view ito.

Nag patuloy lang ako sa pag lalakad papunta sa tropa at inisip na baka hallucination ko lang iyon gawa na ng naka inom ako ng alak.

Napa tingin ulit ako sa wall paper ko.
Shit. Siya ba talaga iyon?

Tumingin ulit ako sa babaeng uma alo sa babaeng kasama niya pero sa pwesto kong ito..
Wala. Di ko makita.

Natakpan kasi ang mukha niya ng buhok niya.
Napa pikit nalang ako ng mga mata ko.

Is that even her?
Sa pagkaka tanda ko di naman siya umiinom o nag pupunta sa bar kasi ayaw niya sa usok ng sigarilyo. Ayaw niya ng alcohol at isa pa. Ayaw niya rin ng maingay.

Is that really her??











Cath Melendez' Point of View

Bigla atang uminit yung paligid?
Lalo na yung exposed na balikat ko.

Tiningnan ko sa peripheral vision ko kung merong naka tingin sakin.
Diba? Ganun naman? Pag uminit ng walang dahilan, may naka tingin raw sayo.

Don't blame me kung bakit naniniwala ako dun.
Kadalasan kasi totoo yon.

"Minahal ko pa kasi siya! Bwisit siya!"
Hinayaan ko lang na umiyak si May sa akin.

Nag break kasi sila ng boyfriend niya. Tapos inaya niya akong pumunta sa bar para uminom.

Hindi dapat ako pupunta rito kaso di ko naman pu pwedeng hayaan itong si May na mag isa dito.

Lalo na at alam ko na iiyak at tutungga ang isang to.

Baka ma bastos pa ng di oras to. Hindi ko naman ma aatim yon.

Inalo ko lang ng inalo si May.

Bigla akong nag ka goose bumps.
Nak ng shete! Bakit parang may naka tingin sakin?

Feel ko yon eh!

"Grabe siya.. pag papalit na nga lang niya ako, sa hipon pa! Di ba siya kuntento sa ka sexy han ko para pumatol siya sa hipon?"

Ok? Yan! Yan tayo kay May!
Totoo nga naman, mas maganda si May sa babaeng ipinalit sa kanya nung boyfriend niya. Pero naku. Tong si May. Mapanglait siya mga ateng!

Hinimas ko lang ang likod niya.

Shete. Mala isang drum kung umiyak tong si May.
Jusko.

"Hindi ko talaga yon tanggap"
She broke our hug.

Kumuha siya ng tissue at pinunasan ang mukha niya.
Alam kong may amats na tong si May pero todo inom parin siya.

Sige? Siya na heart broken

Wala akong magagawa. Ganito siya sa tuwing heart broken siya.

Narinig ko namang nag tatawanan yung mga lalaki sa table na di kalayuan sa amin ni May.

May nakita akong lalaki.
Naka tingin siya sakin.

Di ako pu pwedeng mag kamali...

Si JARED SILVESTERE yan!
Pa simple kong tinakpan ang mukha ko gamit ang buhok ko.

Ilang segundo pa ay binaling na niya ang atensyon niya sa mga ka grupo niya.

Hindi niya ako pu pwedeng makita.

Ex ko ang tukmol na iyan at ayokong nakikita siya.

Ew!!!!

( Updated: 6-13-17)

taming my exWhere stories live. Discover now