Kabanata 4

5 0 0
                                    

Kinabukasan, nagising ako agad ng 4:30 A.M. Ang ganda ng panaginip ko kasi minamanyak ko daw si Kris--este nilalandi pala. Hahaha. Crush ko na ata siya? Makamandag din pala ang matulis na baba ng Angry Bird na 'yun.

Bumangon ako agad at naligo. Nagbihis din ako ng simpleng outfit ulit (leggings and oversized peach shirt) at nag-make up ng kauntian.

Syempre kahit katulong ako kailangan fresh!

As expected, wala pang gising sa mga alaga ko. Chineck ko ang schedule nila sa tablet at nakitang day off nila ngayon. Hmm... ano kayang ginagawa nila kapag day off? Lumalabas kaya sila? Siguro hindi dahil pagkakaguluhan sila ng fans.

Dahil maaga pa, nagpasya muna akong maglinis. Baka kasi may magreklamo sa mga señorito ko kapag hindi spotless ang bahay.

Sinimulan ko linisin ang mga bintana at salamin dahil nanlilimahid na ang mga ito.

Pagkatapos noon, diniligan ko ang maliliit na plants sa may veranda. Malapit na kasi mamatay eh. Parang love life ko.

Then, nagsalang na naman ako ng labahin sa laundry room. Putek, hindi ata nauubos ang labahin dito eh. Amoy pawis pa at amoy yagba.

5:30 A.M. na nung natapos ako kaya nagsimula na ako magluto ng breakfast. Today, chicken teriyaki at sunny-side up ang nasa menu. Nagsaing na din ako ng isang katerbang bigas at baka makulangan pa ang mga patay-gutom na ito.

I ate my own breakfast after that and had my morning coffee. Mmm, sarap! Pwede na mag-asawa.

Hay, ang lungkot naman dito kapag ako lang mag-isa. Sana magising na ang mga señorito ko nang may kasama naman ako. Kahit si Kris lang. Nyahaha.

Nagpasya akong manuod muna ng TV sa living room dahil wala pang bumabangon sa kanila. Morning news ang palabas. Kahit hirap pa ako sa pag-intindi ng Korean, pinagtiyagaan ko na din.

Half past 6 A.M. nang magising na ang mga members. Ang early bird for today ay si Kai na nakahubad pa nang magpakita.

Napamura ako sa utak ko nang makita ko siya. Dios mio, Kim Jongin. Nag-breakfast na ako hindi ko na kailangan ng abs mo.

"Goodmorning, noona," inaantok niyang bati sa akin.

"Goodmorning, Kai. Mag-breakfast ka na."

"Ne."

Naglakad siya ng parang zombie papunta sa kusina. Sunod naman na bumangon ay si Luhan, Sehun, Baekhyun, at Chanyeol. Hindi nagtagal ay nagpakita na rin ang the rest of EXO.

As usual, si Kris na naman ang nahuli sa pagbangon. I sighed and went to his room.

Pagkapasok ko ng kwarto nila, aba! Bold star ba 'to o nagmomodel? Eh katiting na tela lang' yung boxers na suot niya at malapit nang lumabas 'yung ano.

Pero in fairness ha, yummy si koya. May abs din. At ang puti puti niya. Dinaig ang kutis ko, bwisit.

Nilapitan ko ang kama niya.

"Kris, bangon na."

"Nnn..."

Heto na naman tayo.

"Almusal na. Ayaw mo bang bumangon ng maaga para madami ka magawa sa day off mo?"

"Nnn..."

"Kris. Bangon na!" I said sternly.

"Five more minutes," ungol niya.

"Anong five minutes? Eh kanina pa malamig ang ulam. Tumayo ka na diyan."

Gigil mo si acquoe.

'Di ko alam kung asawa ba ang peg ko o nanay eh.

"Halika dito, tabihan mo muna ako," ungol ni Kris habang nakapikit pa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 13, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Aking Mga Señorito (EXO) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon