Love at First Sight (Short story)

115 2 2
                                    

Love. Pag-ibig. 

We believe that Love is the deepest emotion a human can have. It can grow stronger or fade little by little as time goes by.

Well, madaling sabihin ang salitang 'Inlove ako.' Pero pano naman ang mga salitang Love at first sight?

Sabi nila, posible daw ang love at first sight. Pero pano mo naman masasabing mahal mo na ang isang tao kung unang pagkikita nyo palang? Diba? Yan lagi ang idinadahilan ko sa mga kaibigan ko kapag sinasabi nilang sila ay na-love at first sight sa mga kung sinu-sinong lalakeng nakikita nila. Lagi naman nila akong inaaway at pinagtatanggol ang mga sarili nila. 

"Totoo ang love at first sight, Coleen. Promise."

Ewan ko ba. Di ko talaga maintindihan ang love at first sight. 

Hanggang sa dumating ang pasukan. Last year na namin bilang high school student.

"Uy girls. Come. Come." nagkumpulan kaming magkakaibigan. "May newcomer daw. Gwapo! Nakaka-inlove!!"

Sabay-sabay silang tumili.

"Ay oo! Nakita ko na yun. Kakapasok ko palang ng school, sya agad ang una kong nakita. Ang gwapooo talaga! Yiii!" dagdag pa ng isa kong kaibigan.

Alam kong sasambitin nila ang pinakapaborito nilang linya kaya sinabat ko na sila. "Teka teka, wag nyong sabihing-"

"Love at first sight!! Waah!" sabay-sabay nilang sinabi. Tumatalon-talon pa sila dito sa lobby, nakakahiya. Tch.

Tinarayan ko sila. Hay nako, what's new? "Kakikita palang, love na agad? Tss."

Agad akong inakbayan ng isa sa mga kaibigan ko. "Hay nako Coleen, kahit kelan talaga ikaw. Syempre that's the beauty of love. Ang pangit naman kung love at last sight diba? Ano yun?" at nagtawanan sila.

"Hay ewan ko sainyo." 

"Haha. Nako, hayaan nalang nga natin yan si Coleen. Meron na kasi yan eh. Yung Toto nya. Yihee!" inasar na nila ako.

Pinagkakaisahan nanaman ako ng mga 'to. Pasok na nga ako ng classroom! "Hay. Ewan ko talaga sainyo. Bahala nga kayo."

Nasa may pintuan na ako ng classroom namin nang nagkagulo nanaman ang mga kaibigan ko. "Uy! Si newcomer!"

Di ko man intensyon ang lumingon para makilala kung sino ang sinasabi nilang new comer ay ganun pa rin ang nagawa ko, napalingon ako. Hindi ko alam pero nang makita ko sya, nagkaroon ng mga paru-paro sa tiyan ko, bigla akong kinabahan, at di ko na maalis ang mga mata ko sakanya. Nawala lang ang mga sintomas na yun nang siniko ako ng kaibigan ko. "Oh My Gosh! Coleen, ikaw ba yan? Oh My! Na-love at first sight ang Coleen natin kay new comer!!"

Sintomas..ang mga sintomas na naramdaman ko kanina na syang naramdaman ko kay Toto. Nako, di pwede 'to.

"Oh My! Coleen!! Meron ka ng na-love at first sight!"

"Tss. Hindi no."

Maghapon kong itinatanggi ang mga sinasabi nila. Pero kahit ano mang tanggi ang gawin at sabihin ko, alam nila at alam ko sa sarili ko ang totoo.

Lumipas ang ilang araw at nalaman ko na ang pangalan nya, Justin. Marami na rin akong nalaman sakanya bukod sa pangalan nya. Meron narin akong picture nya sa phone ko. Napuno na nga ang memory ng cellphone ko sa pictures at videos nya, pati rin ang likod ng mga notebooks ko napuno na ng pangalan nya. At sa tulong ng mga kaibigan ko, nakilala na rin ako ni Justin. Di ka ba naman makilala ng tao sa pinaggagawa ng mga kaibigan mo..

Love at First Sight (Short story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon