CHAPTER ONE:

6 0 0
                                    

*AFTER 7 YEARS*

Gumising ako ng 6am para magjogging, work out. Hindi na ako yung tulad ng dati na payat at sakitin. I'm fit and healthy now.

For breakfast, kumain ako ng yogurt with mixed fruits.

Kausap ni mommy, daddy and ate Alliah si tito Toto, tita Elle and ate Inna ngayon via video call.

"Hi everyone!" bati ko kila mommy, daddy at ate.

"Angela, nandyan ka na pala. Tapos ka na mag-work out?" tanong ni dad.

"Yeah. Uhm, maliligo lang po ako." sagot ko.

"Oh, nandito si Tita Elle, Tito Toto and Inna sa video call." sabi ni ate Alliah at pinakita niya ako sa video chat nila.

"Oh hi, Angela!" sabi ni tita.

"Hello po sa inyong lahat!" at binigyan ko sila ng matamis na ngiti.

Medyo bihira nalang din talaga namin makausap sila tito, via video chat. Dahil may work si tito, pati rin si ate Inna. Sinasamahan naman ni tita si Joaquin sa mallshows niya.

"Aba, dalagang-dalaga ka na ah! Pwede na kayo ni Red niyan." sabi naman ni tito.

"Si tito talaga, palabiro." sabi ko.

Bata palang kami, si tito Toto, boto na sa akin for Joaquin.

"Kamusta ka naman, Gel?" tanong ni ate Inna.

"Okay nanan po ako, ate."

"Inna, asan si Red?" tanong ni tita kay ate Inna.

"Nasa kwarto niya. Teka, tatawagin ko." sabi ni ate Inna.

Eto na naman. Dahil nga nagtatampo pa rin siya sa akin, hindi kami madalas mag-usap..

"By the way, nabanggit pala sa amin ng daddy mo na babalik na daw kayo dito. Edi, magkikita na ulit kayo ng bestfriend mo." sabi naman ni tito Toto.

"Ay, opo. Pauwi na po kami dyan. Dyan din po kasi ako magco-college."

At bumalik naman si Ate Inna kasama si Red na mukhang wala sa mood. As usual.

"O, ayan. Kumpleto na pala tayo. Nandyan kayo, nandito kami." sabi ni tito Toto.

"Red, si Angela oh. Hindi ka mo man lang ba siya babatiin?" sabi naman ni tita.

"Uy." maikling sabi niya.

"Ano ka ba naman, Red. Galit ka pa rin ba kay Gel?" tanong naman ni Ate Inna.

Tahimik lang ang lahat.

"Uhm.. Ate, okay lang po. Mag-uusap po kami mamaya ni Red. Diba, Red?" tinitigan ko lang siya.

"Ah, oo. Mamaya pa diba?" sabi niya.

"Yun naman pala eh. Mag-uusap din ang mga bata." sabi ni daddy.

"Hay nako, para makasigurado, iccheck namin ni Inna kung nag usap ba talaga si Red at si Gel." sabi ni ate at um-oo naman si ate Inna.

"Ma, punta lang po ako sa kwarto. Hihintayin ko yung tawag ni Gel. Diba, Gel?" sabi ni Red.

"Ay, opo. Kailangan ko na din pong maligo para makapag-usap na po kami ni Red." sagot ko.

Bumalik naman si Red sa kwarto niya.

"Ah ganon ba, sige anak maligo ka na doon. Mag-uusap lang kami nila tito Toto mo." sabi ni mommy.

"Sige po. Bye, tito and tita! Ate Inna!" at lumabas na ako sa room nila mommy.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 26, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bestiny or Destiny (GIMME 5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon