Chapter 2 - Bea's Embarrasing Moment!!!

305 9 0
                                    

             Nakatingin pa rin si Bea kay Vergara nang lumapit si Derrick sa kanya.

            “Ui!” ang pagulat ni Derrick kay Bea habang nakangiti. “Akala ko ba, ayaw mong pumasok dito?”

            “Ah! Kasi…” parang lutang si Bea na hindi nga alam kung ano ang ginagawa niya sa lugar na iyon.

            “Ah! Kasi… ano eh!”

            “Huh? Ano?” Pati si Derrick ay naguguluhan na rin.

            “Ah! Ayun…” finally at naalala na rin ni Bea ang dahilan kung bakit siya nasa gym. “Kasi, pinilit ako ni Joyce na pumunta dito para sa boyfriend niya.”

            “Talaga? Himala, ah!”

            “Anong himala yung pinagsasabi mo ngayon?”

            “Himala at naging close kayo ng Joyce na iyon, basta mag-ingat ka lang sa Lexi niya, ah!”

            “Sinong Lexi?”

            “Yung best-friend ni Joyce, basta kung magkasama silang dalawa, baka ano pa ang mangyari sa iyo dun. Kaya kung pwede medyo dumistansya ka muna kay Joyce.” ang babala ni Derrick kay Bea na hanggang ngayon ay hindi maintindihan ang mga sinasabi ni Derrick. “Basta making ka na lang, ah!”

            “Sige… ikaw bahala.”

            “So, may oras ka pa ba? Pwede na kita i-tour, maaga namin natapos ang practice namin eh!”

            “O sige. Ikaw bahala.”

            “O sige… tara na!”

            At iti-nour na ni Derrick si Bea simula sa labas, papunta sa bawat flour ng campus hanggang sa fifth floor kung saan ito ang kanila naging huling destination. Kahit papaano ay naging masaya si Bea nang dahil sa pangjo-joke nito sa kanya. Iba talaga kung may sense of humor ang isang tao. Kaya ka niya pasayahin na hindi ka masyadong ume-effort.

            “Ito na… ang fifth floor,” ang sabi ni Derrick kay Bea.

            “O, ano na dito?” ang pagtatakang tanong ni Bea kay Derrick. Halos kasi nakasarado ang lahat ng room at walang katao-tao. Ni sa kabilang side, walang bintana, it’s just wall only, pero may pintuan ah!

            “Ito lang!” ang maikling sagot ni Derrick.

            “Ano’ng meron dito? Wala naman eh! Pwede na idemolish itong floor na ito sa kawalan ng uses.”

            “Dyan sa side na iyan, yung walang bintana at may dadalawang pintuan lang, theater yan, kaso under construction, eh!”

            “Tara! Pasukin natin yung theater.”

            “Huwag! Bawal! At saka nakalock din iyan, walang masyadong tao dito kung napapansin mo, nang dahil nakafocus pa ang mga trabahador sa pagrerenovate ng ibang parts ng school. At isa pa, theater lang  yung nandidito at yung iba, room na ginagamit lang ng mga college kaya walang masyadong tao dito. Pwede ka dito kung gusto mong mapag-isa.”

            Napatahimik si Bea.   

            “Pero hindi mo naman gagawin yun di ba? Hindi ka na nag-iisa dito. Nandito na ako.” Ang dugtong ni Derrick.

            Napangiti si Bea. “Thank you, ah!” ang pagpapasalamat ni Bea kay Derrick. “Ikaw lang ang unang kumausap sa akin sa school, ang unang pumansin sa akin. Kung hindi tayo naging magkatabi ng upuan siguro, hindi mo ako papansinin no?”

            “Hindi, ah!” ang pagtatangol ni Derrick sa sarili. “May plano na ako na pansinin ka kahit sa ibang upuan ka pa mapadpad. Kasi alam ko masyado kang tahimik, parang emo ka ata eh!

            “Ano kamo? Emo?”

            “Oo, emo ka!”

            “Huy! Hindi ako ganung klaseng tao ah!”

            “Weh! Emo ka na kasi! Emo! Emo!”

            “Ah! Talaga lang ah!” HInampas ng librong hawak-hawak ni Bea si Derrick at napaiwas si Derrick dito.

            “O! Hindi mo magawa no!” ang pang-aasar ni Derrick kay Bea. “Habulin mo muna ako.”

            “Talaga!” ang maikling sagot ni Bea na atat na atat nang hampasin si Derrick ng libro.

            At naghabulan na nga sila pababa ng building. Hindi talaga mahabol-habol ni Bea si Derrick. Palibhasa kasi varsity eh! Pagdating nila sa labas, dumestino ang mahaba at hindi nila matapos na habul-habulan nang may nakabangga si Bea. Hindi niya alam kung sino.

            “Sorry…” ang tanging nasambit niya sa nabanggaan niya. Hindi niya alam na may dala itong pagkain kaya pagtingin niya sa sahig ay natapon nga ito.

“Naku! Sorry talaga!” ang nasambit ulit ni Bea.

Halos wala lang sinagot ang nabanggaan niya, ewan pa nga niya kung tao pa ba iyon o sadyang hindi lang makapagsalita. At dahil sa tarantang-taranta na rin siya, nagawa niyang umupo at pinampupulot ang mga pagkain ang at inilagay sa isang styro na lalagyanan ng pagkain.

            “Sorry talaga, sorry.”

            “Sa tingin mo ba, makakain ko pa ba yan?” ang naging reklamo ng nakabangga sa kanya.

Nang mga time na iyon ay alam na ni Bea na lalaki ang nakabangga niya. Parang kinakabahan na siya, hindi niya kasi nasubukan na lingunan ang nabanggaan niya at TAMA NGA! Hindi na talaga niya makakain ang pagkain na nasa sahig na tapos hindi niya matanggap kung bakit pa niya pinulot iyon. Unting-unti niya binaling ang kanyang paningin sa taas at laking gulat na lang siya na… na ang nakabangga niya ay walang iba kundi si… Angelo Vergara!!!!!

            Napatigil siya. Napatitig na rin sa mukha ni Angelo na sa sobrang napaka-angelic face ay gusto mo nang bumili ng poster niya ay ilagay sa kisame ng kwarto mo! Hindi na rin siya makapagreact nun, ewan pa niya kung magsosorry siya ulit o tatakbo na lang. Wala talaga siyang magawa kundi tumungaga sa harapan ni Angelo. As in yun lang!!!

            Buti at dumating si Derrick at nagulat rin siya sa nangyari kay Bea.

            “Bea, Bea!!!” at nang dahil doon ay bumalik sa dating pag-iisip si Bea. Napatayo ito. “Bea, ano ang nangyari?” ang tanong ni Derrick kay Bea.

            “Sorry! Sorry! Talaga!” at ibinigay ni Bea ang styro kay Angelo at napatakbo na parang bata. Sinundan nalang siya ng tingin ni Angelo habang akmang susundan sana ito ni Derrick nang napatigil ito saglit at kinausap si Angelo.

            “Tol, kung ano man ang nagawa ni Bea, pagpasensiyahan mo na, ah! New student lang iyon!” ang pagdedespensa ni Derrick para kay Bea. “Sige, tol! Kita-kits sa practice bukas!” at tumakbo na ring papalayo si Derrick at hinabol si Bea.

            Walang imik lang si Angelo. Ngunit maya-maya ay napangiti na lang ito bigla-bigla ng napatingin siya sa styro na hawak niya. Naalala niya kasi ang ginawa ni Bea dito. Bigla siyang tumawa habang ilalagay na niya sa trash can ang styro.

            “Pasalamat ka at napatawa mo ako….” Ang nasambit ni Angelo habang itinapon ang styro sa basurahan at naglakad na papalayo sa lugar na iyon na may ngiti sa labi. <3

No Ordinary LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon