Ang tanging alam ko ay pangitiin ka
Pawiin ang lungkot mong nadarama
Punasan ang luha sa iyong mga mata
At hilumin ang sugat ng puso mong nagdusa
Ang pag-ibig ko sayo’y di ko maipaliwanag
Hindi ko kayang ipinta ni isulat
Kahit sabihin ito’y hindi nakasasapat
Sapagkat sa paraang ito’y napakasalat
Ang pagmamahal ko’y lubhang magulo
Tulad ng lugar na mainit na disyerto
Na bubug ang buhangin at may matatalas na bato
Pero dahil sayo ito ngayo’y isang paraiso
Ang pagmamahal ko sayo’y tulad ng kalawakan
Madilim at nakakatakot puntahan
Lubhang mahiwaga ang bawat kaligiran
Subalit ito nama’y walang katapusan
Ang pagmamahal sayo’y totoo at wagas
Nais kong ito’y pakatandaan mo
Nais kong ito’y pahalagahan mo
Dahil parte kana ng buhay ko mahal ko
Ang pagmamahal sayo’y tulad ng karagatan
Malalim at malawak ngunit napakaraming yaman
May perlas at may sari-saring naninirahan
Kung lalangoy ka dito, tyak ang kagandahan
Mahal ko, mahal ko ingatan mo sarile mo
Ayokong masaktan ka, na may lungkot sa mata mo
At Makita may tumutulong diyang likido
Dahil ang nasa ko’y kaligayahan lamang para sayo
Ihanda mo lamang ang iyong sarile
Ang problema bukas, ay problema sa hinaharap
Ang bukas na lungkot ay ang ngayong ligaya
Pagkat sa dulo ng mga ito hawak ko kamay mo
Kung isang araw ay hindi mo na maintindihan
Ang mga bagay at pangyayari sa ating kapaligiran
Hanapin lang ako at iyong lapita’t titigan
Mababasa mo sa mga mata ko ang iyong pangalan
Mahal na mahal kita, mahal ko
At mamahalin ka ng buong puso ko
At iibigin hanggang may hininga ako
Nakakakilala’t mayroong uwido
Sasamahan ka kahit saan mahal ko
Kahit puti na ang mga buhok ko
Asahan mong nasa tabi mo lang ako
Kahit pa ito ay sa maiinit na impyerno