Chapter 2: Rayot

88 1 0
                                    

Mahimbing na natutulog pa si Green ng mag-alarm ang cellphone nya alam nyang may pupuntahan sila kaya naihanda na nya ang mga gamit nyang mag-isa, pinalayas na naman kasi nya ang nerekomendang PA ni Rem halata daw kasi niya ang pagkaadik sa kanya sa mga titig nito naiilang sya kasi ayaw nya ng babae na nauuna pang magparamdan kesa sa kanya, maganda ito wala naman kasing ibinibigay na hindi maganda ang mga kaibigan niya pero naaasiwa sya na halatang halata ang pagkahibang nito sa kanya. Mag-iisang linggo na ng pauwiin niya ito at ganoon na din katagal na walang gumagawa ng trabaho na hindi na nya dapat ginagawa. Medyo naha-hassle sya pero kinakaya naman nya. Palagi din ang suporta ng RM nila na si Michelle silang anim ang hinahawakan nito at namamanage niya iyon ng mag-isa.

Gusto na nyang bumangon pero pagod pa sya dahil sa sunod- sunod na trabaho na hindi nakontrol ni Michelle. Magpapahinga pa sana sya ng biglang heto na rayot na.

"Pumasok na ako Green kilos na malayo pa pupuntahan natin parating na rin sila Rem kumilos kana." Utos ni Michelle kay Green na dinig naman niya kahit nasa kwarto sya. Gumagalaw ito sa kusina, mas matanda si Michelle sa kanya ng dalawang taon. Ito na ang tumutulong sa kanya simula pa lang niya sa industriya. Malaya itong gumagalaw sa kusina sabay naririnig na rin niya ang iba sa mga kagrupo niya.

"Naku po ito na nga po ang magugulo." Nasabi niya sabay taklob ng unan sa ulo. Malayang nakakapasok ang mga ito sa unit na pinahiram ng Daddy nya habang nirerenovate pa ang bahay niya.

"Pwede bang maiwan na ako or susunod na lang ako." Dagdag pa niya habang tamad pa din tumayo siya.

"Balwarte mo yun Green  baka magkagulo mga chikas dun." sabi ni Kitto na handang handa ang porma.

"Balwarte? Ano 'ko senador."sabi niya ng naghahanda na sya ng susuutin sa byahe.

"hhhmm, bakit hindi malay mo manalo ka." Napapangiting sabi ni Kitto.

"Galing mo masyado." Anas niya.

"Ohh kita mo itong kapatid mo may sasakyan daw syang dala pero may dadaanan pa daw." Sabi ni Michelle pagkatapos makausap si Red.

"Si Rem ba RM dito dadaan o may sasakyan kayo." Pagbibiro ni Ken na tahimik lang kanina habang naglalaro sa cp nya.

"Tigilan ako Ken." Namumulang sabi ni Michelle.

"Ohh andito na kayo asan ang kamahalan." Biglang sabi ni Rem kasama na rin nito si Axyl na kumaway lamang.

"Ang kamahalan po pinunong kawal ay kasalukuyang nagbibihis na." Pagbibiro ni Kitto na binabago pa ang boses. "Ray naman, packing tape ka." Sabay hawak sa ulo na tinamaan ng kung anong ibinato ni Green mula sa kwarto. Tawanan ang lahat.

"Walang kupas kamahalan." Dagdag pa ni Axyl. Nanatawa naman syang mag-isa sa kwarto.

Paglabas na paglabas niya ay kanya - kanya ng bitbit ang mga kasama dahil alam nilang kakain pa sya kasi hindi na naman sya nakakain pagkatapos ng trabaho kagabi. Kahit na nakukulitan na sya sa kilos ng mga ito maasahan naman ang mga ito lalo't alam nilang wala syang ibang kasama. Kahit parating may rayot sa bahay man nya o sa unit na hiram nya sa ama.

Stuck With The Prince'sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon