Chapter 9: First Day of Work

30 3 0
                                    

Sa kalagitnaan ng event napansin niyang suminyas si Green sa kanya kailangan nito ng tuwalya. Naku san ko kaya yun hahanapin. Ahh. Naalala nya ang panyo nya sa bag, inihagis niya ito kay Green nasalo naman ito ng binata. Nagtilian ang mga babae. Para nagpunas lang tilian agad. Maya maya gumagalaw na ulit ito sa itaas energy kung energy ang anim na lalaki sa itaas. Napapangiwi naman sya sa mga babaing papakamatay sa pagtili.

"Bakit ang OA teh." Baling niya sa naghihiyawang mga babae. Natatawa naman si Michelle sa kilos nya.

"Miss Michelle bakit nga pala walang kasamang PA ang mga artistang iyan." Nagtatakang tanong niya kay Michelle na nag - aabalang mag check ng schedule ni Green para ibigay sa kanya. Di man lang ito nalilito sa ginagawa.

"Pag ganito kasing maliit na event lang pahinga mga PA. Hindi naman kasi ganong kailangan ang presensya nila saka ganoon lang din ang gusto ng nga iyan. Simpleng mga damit lang naman kasi ang suot nila pwera kung may schedule sila on the next day yun prefer nila may kasama. Ngayon make up artist lang kasama namin saka yung event coordinator." Mahabang sagot nito. "Pero sa case ni Green kailangan nya ng PA sa tabi nya. Parang mauubusan ng raket yan parang mawawalan ng pera." Natatawang banggit nito.

"Ganon naku mahihirapan pala ako dyan ng slight." Sagot naman nya.

"Naku nabanggit nga pala ni Kitto hindi ka sanay sa Manila. Wala ka din matutuluyan hahanapan ka muna namin ng bahay. Pero Green offered his other room sa unit nya. Yun eh kung ok sayo." Sabi nito habang tuloy pa rin sa ginagawa mayamaya iniabot nito ang notes ni Green. Naku dami agad after tommorow work work agad. Napakasipag naman nitong taong ito.

"Ano tatanggapin mo ba mas ok kesa humanap ka pa ng bahay magbabayad ka pa saka sa dami ng schedule at trabahong tinanggap ni Green baka hindi ka na magkanda ugaga." Nakangiti ito habang nakatingin sa itaas.

"Ahhm ok lang ba yun kay sir Green." Nag - aalalangang sabi niya.

"He offered that." Nakangiti pa din ito. "Alam mo yung mga naunang PA nya nakatira talaga yun kasama niya kasi asa yang taong yan gusto nyan maayos na lahat bago pa sya magsimulang magsabi." Sabay tingin sa kanya.
"Wag kang mag - alala harmless yan." Pagkasabi noon ay nag - umpisa na nitong igiya ang mga tauahan sa baba na malapit ng matapos ang event kaya hinawi ng mga ito ang mga tao sya naman ay sumunod kay Michelle.

Pagkatapos ng nakakapagod na event ay diretso sa unit ang grupo nagpahinga ng konti at signing naman ang inatupag.

Pagkatapos ay bumiyahe na sila. Naku - curious sya sa ugali ng boss niya. Tulog ang lahat magkatabi sina Michelle at Rem pansin naman niyang mahimbing na natutulog sina Ken at Kitto, katabi niya  si Green na makafolds pa ang mata. Wala roon sina Red at Axyl kasi deritso daw ang mga ito sa Tagaytay kasi may photoshoot kinabukasan.

Bago sila umalis narinig nyang pinagsabihan ni Green ang kapatid na mag - iingat at tawagan sya. Napangiti sya sa side na iyon ng boss niya kahit lagi lang itong tahimik.

Nais din niyang matulog ipinikit niya ang mata at nag - umpisang mahimbing. Matagal - tagal ang biyahe nila nagising syang nakasandal sa balikat niya si Green may pakiramdam siyang matagal na itong nakasandal sa kanya ramdam niya ang bigat nito mukhang pagod na pagod ito. Hayaan na lamang muna niya iyon bahala na ang mga araw na dadaan kung ano ang ugaling meron ang boss niya. Naku - curious sa dating nito ehh. Naidlip na lang muna ulit siya.

Stuck With The Prince'sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon