Chapter 13: Aklas ang Sakit

36 1 1
                                    

"Langya dude, gustong mag-aklas ng puso ko sa sakit. Para akong binasted ng paulit - ulit." Sabi ni Kitto sa dalawang kasama.

"Masakit ba talaga dude? Dapat kasi pinag-isipan mo bago ka pumorma oh tamo ako di hindi na ako nahopia." Sabi naman ni Ken.

"Ibig mong sabihin gusto mo rin sya? dude naman ayan kayo ngayon biktima ng pag-ibig na... naging alak pa." Tatawa tawa namang sabi ni Axyl.

"Bakit ikaw Axyl wala kang naramdaman?" Tanong naman ni Ken kay Axyl.

"Well maganda si Happy mabait din pero ang aga pa para sabihing gusto mo ang isang tao." Sagot ni Axyl.

"Ai bakit kasi ang aga ko ma inlove ayan tuloy bokya ako." Iiling iling na sabi ni Kitto. Si Ken naman ay patuloy lang sa pagtungga ng alak. Dismayado din pero mas magaling syang mag-pigil ng nararamdaman kesa kay Kitto.

"Tigilan nyo na yang dalawa mga hopia." Tawa pa ding sabi ni Axyl. Sabay namang dating ni Red.

"Ohh anong meron bakit ba sawing sawi ka dyan wala ba kayong trabaho bukas?" Sabi ni Red sa tatlong halatang lasing na.

"Dude pwede mag-aklas lang yung puso ko. Langya barado ni Green ang umuultaw kong pagtingin." Reklamo ni Kit sa kaibigan. Natawa naman ito.

"Alam mo dude Green explain his side to everyone. Dad also feel bad but kahit ganoon wala tayong magagawa puso yun. Kahit ako nga ehh ilalapit ko pa lang yung sarili ko kay Happy biglang sa utol ko na agad."  Sabi ni Red.

"Wag mong sabihing hopia ka din." Kantyaw ni Axyl

Naalala niya biglang ang nangyari dalawang araw ang nakaraan. Namangha sya sa ganda ng ipinakilala ni Kit na dalaga. PA daw ni Green napangiti lang sya ng makita ang ngiti sa labi ng magandang dalaga. Si Red ay lihim na sumusulyap sa babae kahit noong mag-umpisa na ang event nila. Napansin nya ang pagngiti nito sa t'wing masusulyap kay Green ganon din Green dito inisip nyang baka sadyang ganon lamang ito. Tapos noong makita nyang magkahawak ang kamay ng dalawa para syang binuhusan ng malamig na tubig. At wala syang magagawa sa pag-ibig buti hanggang paghanga pa lang sya.

Si Ken ay napaisip ding bigla. Totoong maganda nga talaga ang babaeng ito. Nakatingin lamang sya dito. Naalala din kung gaano ito kalambing at kabait. Kinakabahan syang baka bigla syang malito sa performance kasi hindi sya nakapagpractice kasama ang iba. Tinapik sya sa balikat ni Happy at sinabing... ano ka ba kaya mo yan magagaling kaya kayong lahat. Sabay ang ngiti ng dalaga lumakas ang loob niya at hayun energy bigay todo.

Sa lahat si Kitto ang pinaka apektado. Akala nya yun na ang babaeng nakalaan na para sakanya pero parang ang puso nya gusto talagang mag-aklas. Pero pagkatapos ng gabing ito sinabi nyang magiging maayos ang lahat.

Si Axyl ay nanonood lan sa drama ng tatlong hopia. Natatawa at naiinis na din sya. crush nila si Happy pero affected sila kasi siguro si Green ang dahilan noon.

Ang ikinaiinis pa niya dito sa unit nya nagkagulo ang tatlo pano sya magpapahinga.

Stuck With The Prince'sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon