Hi ako nga pala si Kit Summer Danielle Domingo. Ako po ay isang babaeng lalake kung pumorma at lalake ang mga barkada. Panlalake ang nilalaro pero sabi nila maganda ako kaso kulang sa tangkad. May banda po kami at ang drummer po ng banda namin ay si babe ako po ang vocalista ng banda. Sikat po sa university ang banda namin kaya pinagkakaguluhan kami ng mga istudyante lalo na si best. Bestfriend ko po siya since birth, Babe po ang tawagan namin para wala daw makaligaw saakin at makalapit sakanyang babae. Hate na hate niya pala ang mga babae lalo na yung papansin at may mga makeup sa mukha. Nagagalit nga yan pag nakashorts ako or kahit konting makeup lang ehhh. Over protective siya sakin little sister niya na daw kasi ako. Kaya lang, masaklap dahil nainlove ako sa bestfriend ko. Kung anong pangalan niya?
Dane Carvin Martin
ang bestfriend slash pangarap ko.
simulan na natin ang kwento......
---------
krigggggggggggg!
ang pinaka ayaw kong tunog sa umaga. Aminin mo ayaw mo din ng tumutunog at storbong alarm clock diba?
so kelangan ko nang bumangon kahit ayaw pang magising ng diwa ko.
ginawa kona ang mga dapat gawin pag umaga. Naligo, nagbihis ng uniform, nagsuklay, kumain at syempre umalis na. 4thyear na ako pati ang bestfriend ko. Syempre
oh? baby ang aga mo ata? tanong sakin ng daddy ko.
kelangan dad eh. Ayaw ko pa nga sanang bumangon eh. Sige dad. Bye! at humalik na ako sakanya.
ikaw talaga. You're like your mom, magkaugali talaga kayo. Bye baby keepsafe! tumakbo na ako at nagwave nalang ng kamay patalikod.
kinuha kona sa garahe ang skateboard ko. Regalo to sakin ni babe nung nakaraang birthday ko. Pareho kami actually. Para partner daw yung nakalagay na pangalan sa skateboard ko Dane at sakanya naman ay Kit. Kinikilig tuloy ako. (blush)
Sakto namang pagkalabas ko sa gate namin nakita kona ang bestfriend ko ganto kasi kami ehhh. Lagi akong sinusundo tapos ikikiss yung noo ko kapag nagkikita kami. (kyahhhhhhhh)
Kala ko late ka na naman eh at ako na naman gigising sayo. pagbibiro niyang sabi sakin tapos nag smirk siya. Ang pogi talaga ng bestfriend ko. Sabay lapit niya sakin at halik sa noo. kaya kinilig na naman ako.
halikana babe, akina yang bag mo. at kinuha niya na nga yung bag ko, siya na ang nagbitbit.
kung iisipin niyo para kaming magkarelasyon no? pero hindi ehhhh, un nga din iniisip ko. XD
Hintayin mo pala ako mamaya babe may practise ako ng basketball. sabi ko sakanya, basketball ako tapos siya soccer. Odiba lalakeng lalake ang dating ko? pero mahaba parin ang buhok ko no! literal na mahaba ang hair ko.
Ah? sige babe sa bandroom nalang kita hintayin. Sabi lang niya.
after 15mins. Nandito na kami sa university.
Sige na babe pasok kana. Hatid na muna kita bago ako pasok. At hinatid niya nga ako sa room.
Pagkapasok ko naman sinalubong ako ng bestfriend kong babae na si Ambee Sy. Gangster siya pero maganda siya kaso masungit lang kasi sakin lang hindi masungit yan eh. Labs naman ang tawagan namin kasi daw sweet daw siya. Masiadong tiwala sa sarili niya.
Oh? kamusta labs? sabi niya sakin at nakipag apir
Okey lang. You? tanong ko sakanya at umupo ko na sa upuan ko.
Okey lang naman. Napalaban na naman ako nung weekends. Sabi niya at umupo na.
Alam ko. Lagi naman Sagot ko at nagtawanan kami.