Reunion
©Baechuism
➖ Seurrene💯• • •
NAKABUSANGOT na tinignan 'ko si Wendy. Kita nyang nagtatrabaho ako dito, eh. Manggugulo pa. Minsan, masarap ding banatan ang babaeng 'yan.
"What do you want?" Masungit na tanong 'ko at napahilot sa sentido 'ko. Masyadong maraming ginagawa dito sa kompanya. May meeting pa ako sa mga investors mamaya.
"Woah, chill." Natatawang sabi nya at umupo pa sa couch ko na nandito sa office ko. Ang kapal talaga ng mukha. Nakataas pa ang paa. "Pumunta ako dito para sabihing may reunion tayong magkakaklase dati." Nakangiting sabi nya sa akin.
Tumaas ang kilay 'ko, "And?"
"Anong and? Sasama ka no! Kaya nga mga kaklase natin, eh. Kasi kasama ka." Nakasimangot na sabi nya.
I rolled my eyes. Tinuon 'ko ulit ang atensyon 'ko sa mga papeles na pinipirmahan 'ko at hindi sya sinagot. Ayokong sumama sa mga ganyan. Busy akong tao at wala akong oras para makipagkita sa mga dati 'kong kaklase. For sure, magpapayabangan lang sila sa mga narating nila sa buhay. Well, kung sa narating lang naman sa buhay ang paguusapan, may ibubuga ako. 23 years old pa lang ako at CEO na ako ng kompanya ng pamilya 'ko. Hindi madali lalo na at isa ang company namin sa pinakamalaking kompanya sa bansa.
Mataas pa ang expectation sa akin ni Dad.Pero sa lovelife? Wala. NGSB pa rin ako hanggang ngayon. Hanggang ngayon, may iniintay pa rin akong isang tao. I guess, hindi na talaga sya babalik. 3 taon na din ang nakakalipas simula ng umalis sya at honestly, unti unti 'ko ng natatanggap na hindi na nya ako babalikan. Masakit. Lalo na at may part pa rin sa akin na umaasang babalik sya. Pero wala na namang mangyayari kung babalik pa sya. Baka nga hindi na nya ako naaalala. And worst, may boyfriend na sya.
"No response? Come on, Seul. Don't be KJ." Umirap pa sya sa akin, "Minsan na nga lang natin makita ang mga kaklase natin dahil busy na tayo sa kanya kanya nating buhay." Sabi nya sa akin.
"Para saan? Ayoko ngang makita sila. Ang papanget nila." Harsh na sabi 'ko. Medyo badtrip ako dahil ininis ako nung kliyente ko kanina. Masyadong demanding amputa.
"Harsh mo!" Natatawang sabi nya sa akin. "Tsaka pumunta ka na. Balita 'ko, umuwi na si Irene galing ibang bansa. Aattend ata sya." Sabi nya sa akin kaya napaangat ako ng tingin sa kanya. Nagulat ako sa sinabi nya.
"Totoo ba 'yan?" Baka mamaya, ginagamit lang ni Wendy ang pangalan ng first love 'ko para umattend ako. Ganyan ang ugali nyan minsan, eh.
"Oo nga." Sabi nya sa akin, "Mukha ba akong nagbibiro?"
"Oo. Mukha kang clown." Sabi 'ko sa kanya.
She rolled her eyes, "Bwisit ka."
"So seryoso nga?"
She nodded, "Yup. Nabalitaan 'ko lang 'yan kay Joy. Dumating na nga daw si Irene. Yung ex girlfriend mo." Sabi nya sa akin kaya naman kumirot ng konti ang puso 'ko. Nasasaktan ako tuwing naaalala 'ko sya. Iniwan nya ako.
"Walang kami, Wendy. Umalis sya bago 'ko sya matanong, diba?" Sabi 'ko at bumuntong hininga. Oo, si Irene ang taong mahal 'ko mula noon hanggang ngayon. But unfortunately, hindi naging kami. Tatanungin 'ko na sana sya noon para maging girlfriend 'ko pero nalaman 'ko na nakaalis ka na pala.
Ang unfair nya lang.
Nangako pa sya sa akin na hindi nya ako iiwan. Pero anong nangyari? Tatlong taon na ang nakakalipas at wala na akong nabalitaan tungkol sa kanya.
Sobra akong nasaktan kaya naman pagkagraduate ko nun, agad 'kong sinubsob ang sarili ko sa pagtatrabaho. Para naman kahit sa ganitong paraan, makalimutan 'ko sya kahit sandali lang.
BINABASA MO ANG
Reunion • seulrene
Short Story"I saw her again after 3 years." Irene x Seulgi. /©Baechuism.