Xander's Pov!
"Bawiin mo sabi yung mga sinabi mo sa kanila kahapon eh!" grabe ang babaeng to. Ang ingay! Nauna pa siyang dumating sakin ngayon at ang sinalubong niya sakin ay ang pagpupumilit sakin na bawiin ko daw ang mga pinagsasabi ko kahapon. NO WAY! Baka gusto niyang bumagsak ang kompanya kung bakit? Saka ko na lang ipapaliwanag.
"Bakit ba? Huwag mo ng pagpilitan dahil hindi ko na yun babawiin pa dahil hindi na pwede."
"Bakit? Bakit? Ng dahil sayo hindi ako pinapansin ni dad?" hindi siya pinapansin? Mana talaga sa kanya ang babaeng to. Hindi nakakaintindi.
"Hanggang ngayon?"
"Hindi. Bati na kami."
"Yun naman pala eh."
"Ano ba! Bawiin mo sabi eh!"
"No way! Magtrabaho ka na."
Tinalikuram ko na siya at umupo na. Bakit ba kasi kailangan pang bawiin eh!
"Hindi mo ako naiintindihan-..."
Natigilan siya at sabay kaming napatingin sa pinto ng may kumatok. Yung head ng security personnel.
"Come in."
"Nagkakagulo na sa labas ang mga reporter sir. Magpapatawag na ba kami ng mga pulis?" napapikit ako. Dagdag pa to sa problema ko. Inaasahan ko ng mangyayari to.
"No. Ako ng bahala."
"Yes sir."
Sumunod na rin ako pagkalabas niya para kausapin sila. Nakita ko na kaagad sila paglabas ko pa lang elevator.
Binuksan ng guard ang pinto at pumunta naman ang iba sa harapan ko para hindi sila makalapit sakin.
"Good Morning everyone. I have a meeting as of the moment and someone called me that you we're here kaya bumaba ako dito and I know the reason why. Like what I have said yesterday handa akong tumugon sa mga katanungan niyo but I have important matters to do but I promised na kapag maluwag na ang schedule ko ako mismo ang tatawag sa mga network managers niyo para sa interview. Para mainwala kayo pakibigay na lang ang mga contact number niyo sa mga tao ko. I hope you understand." Isa.isa silang nagbigay ng mga calling card sa guard na nagpresenta at hinintay ko muna silang makaalis.
Binigay na sakin ang mga contact numbers nila at tiningnan ang relo ko.
"Mr. Buenodicto." napakunot ako ng makita ko ang kakalabas pa lang na lalaki sa itim na kotse.
Ano na naman ang ginagawa nito dito?
"Mr. Chalinger. What are you doing here?"
"I want to talk with Lory."
"I'm sorry but we're planning about our wedding. Actually she's waiting for me with our wedding planner so if you want to talk with her please call my secretary first."
"Just a minute." tumunog ang phone ko kaya tiningnan ko ito.
Isang mensahe mula kay mommy.
'Kakarating lang ng lolo mo and he want to meet Lory tonight. Sa bahay na kayo magdinner.' ngayon pa talaga?
"I'm really sorry Mr. Chalinger but I really need to go back."
Iniwan ko na siya at wala siyang magagawa kundi umalis na lang dahil binilinan ko ang guard na huwag siyang papasukin.
**********
"Jenny pakitago na lang muna nito." kinuha niya naman ang iniabot ko sa kanya.
"Bakit ang dami naman yatang calling card nito sir."
nagkibit-balikat na lang ako.

BINABASA MO ANG
The Billionaire's Fake Idiot Fiance
RomanceI'm not an ordinary man kaya mula bata hindi ko naranasan ang magkaroon ng ordinaryong buhay at mas lalo itong gumulo when I met this girl na unang babaeng naglakas ng loob na kalabanin ako. Yes, she is strong but she's not clever in short tanga siy...