Prologue

50 3 2
                                    

--PROLOGUE--

 ***~~***~~***~~***~~***~~

May kinaiinisan ba kayo? Yung laging nangungulit sa inyo? Tapos anytime pwede ka na sumabog sa galit ng dahil sa kanya. Naku, ako rin meron niyan. Naranasan ko na yan eh. 

Ano yung karaniwang sinasabi niyo sa taong kinaiinisan niyo? Ako, sinasabi ko ay katulad ng "tumigil ka nga!", "pwede ba tigilan mo na ko!", "Ano ba! Nakakainis ka na!" or "hoy! tumigil ka na nga!". Tama ako diba? Eh pano kapag english? "Shut Up!" ang aking sinasabi.

May isang tao. Yung taong lagi akong inaasar, iniinis, kinukulit na imbis na mag-enjoy ako, may panira ng moment. Wala na siyang ginawa kundi manira ng moment ng iba. Minsan susulpot siya sa tabi o sa likod ko na hindi ko alam kung saan nanggaling.

Ito yung taong possessive na sa ugali palang maiinis ka na. Kahit hindi mo mapigilang tumahimik nalang, kakalabanin mo siya at mapapahamak ka. The worst, ipapahamak ka niya. Ng mas malala pa sa ginawa mo. Araw-araw may world war III. 

Dito naging miserable ang buhay ko eh. Imbis na makapag-concentrate ako, may nang-iistorbo saken. Yung tipong nawalan na ako ng ganang magconcentrate ng dahil sa kanya. 

Pero may isang bagay lang ako na gusto kong malaman. Bakit ba niya ako iniinis? May something ba na gusto niyang sabihin sakin? Or may nagawa ba akong masama kaya iyon ang ganti niya saken? Yun yung mga tanong na naiisip ko. Minsan may mga times na hindi siya nangungulit. Yung tipong 'tao side'.

Well, isa lang naman ang taong nangungulit saken. He's a gangster. Gangster? Huh! wala yang sinabi sa other attitude ko. Kahit ganun siya ay mabait at masunurin naman siya saken. Ako lang naman ang isang babaeng masipag at matiyagang mag-aral. Ang babaeng may boyish attitude at maraming mga pangarap sa buhay.

Sa isang iglap, unti-unting naglaho ito. Buti hindi natuluyan. Dahil lang naman ito sa isang tao. Sa isang taong laging pinapainit ang ulo ko at kumukulo ang dugo ko sa tuwing makikita ko siya.

Ngunit dumating ang araw na may kakaiba akong nararamdaman. At nakikita ko rin na medyo nagbago ang mga kilos niya. Samahan niyo naman ako sa pagtuklas ng dahilan ng isang tao dito sa school na pinapasukan ko. Mgkakaroon ba kami ng feelings para sa isa't isa? Enjoy!

Sincerely yours,

Jewel Monica Elston

--MetalAngels--

Shut Up! [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon