2

59 5 2
  • Dedicated kay Mariz Cuadra
                                    

2

May event ngayong araw na to. Kahit na masama ang pakiramdam ko pumasok pa din ako. Hindi ko na lang iindahin to. Nakakapanget lang eh. 

Inhale exhale. Kaya ko to.

Nahagip ng mga mata ko si Aldrick. Kasama nya yung girlfriend nya. Ang sweet nila. Di ko mapigilan ang ilagay ang sarili ko sa katauhan ng girlfriend nya. What if kaya kung ako na lang yung naging girlfriend nya? Siguro mas masaya, siguro hindi ganito yung pakiramdam. Bwisit. Eto na naman ang kontrabida kong luha. Tumutulo na naman.

Bakit kasi hindi na lang ako..?

Bago pa nya ko makita nakapagpunas na ko ng luha. Ganun pa din. Hirap pa din ako. Bakit ba kasi ganito? Napaka lang... Hindi naman naging kami ah... Minahal ko lang sya tapos parang ang laki laki na ng nawala sakin kahit di naman naging kami. Masyado lang siguro akong nagexpect. Expectation really hurts.

May humila ng kamay ko. Di ko alam kung sino.

"Aray, teka." sabi ko.

"Ganyan ka ba kamartyr? At gusto mo pa talagang ipakita sakanya na nasasaktan ka?" si poging Alec ang nasa harapan ko ngayon. Kung sya nga yung nasa harapan ko ngayon.Ngayon ko lang napansin na ang gwapo nya kapag nakaayos sireno sya. Ou, hindi kayo nagkakamali. May glitters sa gilid ng mga mata nya. Buhay na buhay yung brown na brown nyang mga mata. Yung mga labi nyang basa, di ko yata naiwasan na kagatin yung labi ko. At syempre, di ko naiwasan na tignan yung malaki nyang katawan. Shet boy, may abs...

"Jodi wag mong kagatin yung labi mo, natetempt ako." seryosong sabi nya ng hindi nakatingin sakin.

"Sorry." namumula kong sabi.

Feeling ko ang lagkit ng pawis ko hahaha. Grabe talaga. Makaalis na nga dito. Nakakalimutan kong broken-hearted ako eh.

"Oh, ibihis mo na yan." sabi ni Alec sakin nung papaalis na ko. 

Tinignan ko lang sya.

"Ngayon yung play natin. Alam naman namin na prepared ka eh."sabi nya.

Wait ah, buffering eh... 

Ngayon daw yung play.

Kung ngayon yun, waaaaaaaaaahhhhhh... Hindi ako nagshave... Hindi ako nagshave...Kita pa naman kaluluwa ko sa isusuot ko.

Waaaaahhhhh... 

Tumalikod ako sakanya at sinilip ko ng pasimple yung armpit ko.

"Wala naman di ba?" natutuwang sabi nya. 

Taas noo akong ngumiti sakanya.

"Wala nga." sabi ko at kinuha ko na yung damit na isusuot ko. Grabe di ko man lang nalabhan. 

Teka pano ba to? 

Nakakahiya. Wala bang ibang tutulong sakin? Kainis naman oh. Bakit ba kasi si Alec lang ang nandito?

Diwata ang gagampanan ko dito. Ako lang naman yung diwatang isinumpa ang isang lalaking mahilig manakit ng damdamin ng mga sirena at para maramdaman nya kung anong feeling ng iniiwan at sinasaktan, ginawa ko syang isang Sireno but in the end marerealize din nyang mali sya at magbabagong buhay na sya. Cliché... play po eh.

Ayoko po talaga ng suot ko... Labas kasi yung tiyan dito, tube at mahabang palda...Basta ganyan haha.

"Dalian mo naman. Unang scene ka." sabi ni Alec.

"teka lang kaya. Ano ba kasing size nitong pinatahi niyo? Mukhang hindi para sakin to ah."

"Pwede bang pumasok? Ako na ang mag-aayos sayo. Baka pagalitan na ko ni Madaam Auri."

Binuksan ko yung pintuan. Tinignan nya ko mula ulo hanggang paa. Nekekeheye.

"Pretty." bulong nya ulit. Awww, ano bang meron sa bulong nya? Feeling ko nakukuryente ako. Nakatingin lang ako sakanya habang inaayos nya yung damit ko. Aww, nakakahiya. Ang gwapo shet. Ngayon ko lang to napansin eh.

Napakagentleman nya habang inaayos nya yung suot ko. 

Wala akong ibang ginawa kundi ang pagmasdan sya. Titigan sya... 

Ang lapit... Hindi ako makahinga... Inaayos nya kasi yung tiara ko. Yung mga damit namin, nanay nya nagtahi. Wala akong alam kung pano ko aayusin ang sarili ko. Basta pinardiblihan nya yung damit ko, at nilagyan ako ng tiara.

"Kahit di ka na magpamake up kay Ate Jen, maganda ka pa rin." sabi nya.

Ano daw? Naiwas ko yung tingin ko sakanya. Pakiramdam ko kapag sya ang nagsasabi tumatagos sa buong katauhan ko.

Almost is Never EnoughTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon