5
Nagising na lang ako na puro mukha ni Aldrick ang nakikita ko. Sorreeehhh, pinrint ko kasi lahat ng pictures nya at idinikit sa ceiling at wall ng kwarto ko. Parang poster ng mga kpop pero ppop lang sya sa paningin ko haha.
Okay... Pinakiramdaman ko yung dibdib ko. Masakit pa ba? Konti na lang. Malaking tulong talaga yung tinuro ni Alec.
Tumayo na ko at inumpisahan ang general pagtanggal ng mga poster sa wall at ceiling ko. Hindi na dapat ang mukhang yun ang nakikita ko.
"Sana naman masaya ka na ngayon. Pinapangako kong hindi na kita magugustuhan kahit kailan. Bagay na bagay kayo ng napili mong girlfriend. Mukhang paa at mukhang hilaw na isda. Kalilimutan na kita! Hindi na kita iisipin! At hinding hindi na kita mamahalin. Titigilan na kita from now on."sabi ko na gigil na gigil sa pagtanggal ng mga pictures nya.
Inisip ko kung paano ko tatanggalin yung mga pictures nya sa ceiling ko. Nakalimutan kong nagkasugat at pasa pa ko para lang makabit ang lahat ng yun tapos ngayon tatanggalin ko lang? Pahirap talaga sa buhay ang mainlove kahit kailan. Hindi na talaga ko paloloko sa mga katulad nya. Kinuha ko yung upuan ko at nilagay sa kama ko. Okay na siguro to. Inayos ko muna baka kasi mahulog ako.
Nung naayos ko na inumpishan ko ng magtanggal. Huling picture na yung inaabot ko ng biglang...
"Waaaaaaahhhhhhhhhh..."
Napapikit na lang ako.
Hinihintay ko yung kablaaaaaagggg... Nasaan na?
"Arrraaaayyyyy."
Pero agad agad kong minulat yung mga mata ko. M-may nagsalita...
Magnanakaw...
"MAGNANAKAW..." sigaw ko. Pero tinakpan nya agad yung bibig ko. Tinitigan ko syang mabuti.
Shet... Anong ginagawa nya dito? Bakit sya nandito?
"Jodi... Anong nangyayari sayo dyan sa loob?"sabi ng Mama ko na kumakatok sa labas ng pintuan.
Nagsign ng quiet si Alec tapos tinanggal na nya yung kamay nya sa bibig ko.
"Ah... Mama, o-okay lang po ako. Nadulas lang po ako kaya napasigaw ako."sigaw ko.
"Sige, pagkatapos mo mag-ayos dyan bumaba ka na at kumain ha."
"Opo."
Narelieve naman ako dun. Akala ko mahuhuli na ko eh. Napapikit na lang ulit ako. Buti na lang sarado yung pintuan.
"Ehemmm... Hindi ka talaga mabigat." bulong ni Alec sakin. Aw... Heto na naman tayo sa bulong nyang mapanindig balahibo. Ewan ko ba kung bakit pero kinikilabutan ako kapag bumubulong sya sakin. Pero feeling ko sineseduce nya ko OMG bwahahahaha.
Nangalumbaba ako sakanya. Ang gwapo nya talaga. Nakatingin lang ako sa mga mata nya. Ang ganda.,nagkikislapan. Biglang nawala yung mga ngiti nya. Tinignan nya lang ako sa mga mata ko. Nakakailang... Iniwas ko yung tingin ko, saka ko lang napansin na nakadagan ako sakanya.
Agad akong tumayo at umiwas ng tingin. Feeling ko namula ako ng sobra. Bakit ba kasi sya nandito? Parang sa pagkakaalam ko...
Napatigil ako sa isiping pinatuloy ko nga sya sa sala. Hindi ko alam na sumunod sya sakin dito. San sya natulog? Sa sahig...? Malamig... Baka sinipon sya...
Tinignan ko sya. Mukha namang okay sya pero namumutla. May sakit ba sya? Hindi ba sya hahanapin sa bahay nila? Lagot ako kay Mama... Kapag nakita nya si Alec dito malamang mag-iisip yun ng kung anu-ano.
"Pasensya ka na ah." sabi ko.
"Wala yun. Medyo mabigat ka lang, tweety bird." natatawang sabi nya.
Namula ko sa sinabi nya. Naalala ko kasi yung araw na nakita nya yung underwear ko. Sobrang nakakahiya talaga. Puro tweety bird pa naman yung gamit ko dito sa kwarto.
"H-hindi tweety bird yung ano..." nahihiyang sabi ko.
"Para kang bata. Fourth year college ka na pero puro tweety bird pa rin yung makikita sa kwarto mo." sabi nya na nakangiti... Ang gwapo nya infairness... Yung dimple, lumalalim.
"Pati picture ni Aldrick pinrint mo na lahat... Eh mas gwapo pa ko sa mukhang to." sabi nya habang tinitignan yung picture ni Aldrick. Kinuha ko nga.
"Tsk."
Okay aaminin ko... Mas gwapo sya pero mas gusto ko pa rin si Aldrick. Naman eh... Eto na naman po tayo...
"Kalimutan mo na sya. Hindi kayo bagay. Isang mahilig sa tweety bird at isang mahilig sa bisugo." sabinya. Lait ba yun? So yung bisugo, yung girl ba yung tinutukoy nya dun? Waaaaaaahhhhh...mahilig si Aldrick sa mga mukhang bisugo? Wahahahhahaa, kaya pala hindi ako ang gusto. Natuwa ako sa sinabi ni Alec kaya naman niyakap ko sya...
Natutuwa lang ako, feeling ko kasi suportado nya ko. Hihihi.
"Wag na si Aldrick, hindi ka nya kayang sabayan. Pangmatured yung level nya." bulong nya sakin pero this time, kinagat nya yung tenga ko.
Napabitaw ako ng yakap sakanya.
"Araaaaayyy. Araaaaayyy ha... Una, parang gusto mong palabasin na hindi kami bagay kasi isip bata ako. Pangalawa, kinagat mo yung tenga ko. Ang sakit..." sabi ko na masama ang tingin sakanya.
"Exactly"
Sabi nya tapos tawa ng tawa.
Ang hinayupak na yun, Grrrrr...
Sa sobrang inis ko sakanya sinampahan ko sya sa likod nya. Niwrestling ko nga... Akala nya ah, tsk...Nagpaturo kaya ako sa kapitbahay namin.
"Ehe ehe ehe ehe...b-bumaba ka nga. Isa, d-da... Ehe ehe..." wahahahha. Alam niyo ba kung bakit ganyan sya magsalita? Kasi pinulupot ko yung braso ko sa leeg nya.
Yes i'm the win---
Akala ko panalo na ko... Akala ko lang pala...
Pero ginamit nya yung lakas nya. Hinawakan nya yung kamay ko tapos inikot nya dahilan para bumagsak ako pero nakaalalay yung kamay nya sa may likod ko. Kaya Pareho kaming bumagsak sa kama. Ang lapit. Pakiramdam ko natanggal yung damit ko...
Konti na lang... Amoy na amoy ko yung hininga nya... Ang bango shetttt...
Akala ko hahalikan nya ko pero umiwas sya ng tingin. Namumula ulit.
no way! Dont tell me...
Shet.
Napatingin ako sa dibdib ko. Wow ah... Magandang almusal... Kahihiyan again? Parang kulang na lang maghubad na ko sa harap nya ngayon para makita na nya lahat hindi yung isa isa pa. >_< Omaygeee...
Buti na lang kumatok si Mama...
"Jodi, may kasama ka ba jan?"
Yung boses ko... Pakiramdam ko hindi ako makapgsalita, pero pinilit ko kasi kailangan.
"W-wala po. Nagpapractice lang." sigaw ko.
"Another tweety bird." sabi nya ng makatayo sya. Nakahiga lang ako. Hindi ako makatayo. Nakatalikod lang sya sakin. Nakita nya yung pisngi ng boobs ko. Shet. Ayoko na. T.T natanggal kasi yung tali ng brazziere ko.
Naiiyak ako.Nakakahiya.>_<
"Sorry." sabi nya.
Inayos ko na yung sarili ko. Mabuti siguro kung umiwas muna ko sakanya. Distansya lang.
Bakit ba kasi sya nandito?
"Nakalimutan mo yata na ako ang boyfriend mo ngayong buong araw." sabi nya. Aaa,,, ou nga pala.Shet...so that's the reason kung bakit sya nandito? Huhuhu. Ayoko na po. Binabawi ko na.
"Dont worry, hindi ko sasabihin na paborito mong underwear si Tweety bird."sabi nya na tumatawa pa.Asssaaaaaaaaaarrrrrr.
BINABASA MO ANG
Almost is Never Enough
RomanceNung dumating ka sa buhay ko, walang wala ako. Masakit yung puso ko. Pero binigyan mo ko ng pag-asa, pag-asang maging masaya muli. Sa mga araw na kasama kita, pakiramdam ko isa akong reyna, hindi ako nag-iisa at palagi akong masaya. Kaya kung nariri...