Too late.

402 25 20
                                    

Dala ng stress kaya ko naisulat ito. Hahaha. Dito ko binuhos lahat kaya sana mapatawad niyo ako kung hindi ganoon kaganda. XD

******

"Kim." rinig kong tawag sa akin ng isang pamilyar na boses. Lumingon ako upang kumpirmahin kung siya nga ba iyon. At tama nga ako. Siya nga at wala ng iba. 

"Oh, Cyril." bati ko at naglakad papalapit sa pwesto niya.

"Tapos na class niyo?" tanong niya. "Upo ka muna." pi-nat niya ang space sa tabi niya. Naka-upo kasi siya sa bench sa may likod ng building ng school. Dito kasi sa lugar na ito ang tambayan ng ilang estudyante. Bukod kasi sa maganda ang paligid ay perfect din ito para sa mga taong gustong makitang lumubog ang araw.

"Anong meron?" usisa ko sa kanya. Umupo ako sa tabi niya at pagkayari'y nilapag ang aking bag sa damuhan.

"Hindi mo pa naman sinasagot tanong ko eh." 

"Ano ba?" matawa-tawa kong sabi. Paano ba naman. Naka-nguso na siya niyan. Ang cute lang tingnan.

"Ang sabi ko ko kanina eh kung tapos na po ba ang klase niyo. Tsk." 

"Grabe,.Cyril! Kaya nga ako umupo na diba? Ibig sabihin, tapos na."

"Hindi mo naman sinabi. Malay ko bang ganoon pala yon." nakasimangot na siya kaya naman napangiti ako. Gustong-gusto ko talaga siyang nakikitang ganito. Feeling ko kasi, panalo ako.

"Actions speak louder than words, Cy." 

"Tsss." Umiling na lang siya. Maya-maya pa, namayani ang katahimikan sa pagitan namin. Tanging ang tunog lamang ng mga dahong nakikipag-sayawan sa hangin ang nananaig sa aming mga tenga.

"Ano ngang meron?" tanong kong muli sa kanya.

"May gusto lang akong sabihin sayo." 

Bahagya akong nakaramdam ng kaba. Kakaibang kaba na parang hinihigpitan ang dibdib ko. Kabang ayokong maramdaman. Lalo na sa harap niya mismo. Napakapit na lamang ako sa ID lace na nakasabit sa aking leeg.

"Ano naman yon? Wag lang pera ah! Alam mo namang wala na ako niyan. Naipambayad ko na doon sa librong in-order ko." nakuha ko pang magbiro sa kabila ng tensyong nararamdaman ko.

"Seryoso na ako." tumingin siya sa akin ng diretso. Kitang-kita ko tuloy ang pagka-brown ng mata niya na lalong gumaganda ngayong natatamaan ito ng sinag ng araw. Those eyes. 

"Hindi bagay sayo ang mag-seryoso. Hahaha." sabi ko at saka umiwas ng tingin.

"Oo alam kong hindi bagay sa gwapo kong mukha ang mag-seryoso dahil lalo akong gugwapo pero--- OW!" nagpangiwi siya sabay hawak sa kanang braso.

"Ayan ka na naman sa kayabangan mo! Hmp." sabi ko matapos ko siyang hampasin. Aba, kung hindi ko gagawin 'yon, matutuloy-tuloy na ang kayabangan ng taong to.

Ewan ko rin ba kung bakit ko naging tropa tong si Cyril eh saksakan naman ng yabang. Lalo na nung first year pa lang kami. Ultimo tatak ng brief pinagyayabang. Kesyo branded daw ito at binili pa sa ibang bansa, mga ganoon ba. Buti na lang talaga hindi ko siya classmate, kundi baka maupakan ko na siya ng di oras.

Minsan nga sa sobrang inis ko, itinago ko yung eyeglasses niya doon sa locker ko mismo. Muntik pa nga siyang manapak ng classmate niya dahil akala niya, yun ang nagtago. Nung mage-end lang ng school year niya nalaman na hindi pala siya ang nagtago. Sinauli ko yun at inilagay sa pinakamaliit na bulsa ng bag niya noong minsang nakisabay siyang kumain sa amin ng mga kaklase ko.

Hindi naman kami katulad ng iba na mdalas mag-away. Mag-asaran, OO. Pero sanayan lang din yan. Hanggang sa naging okay na kami sa isa't-isa. Nakasanayan ko na yung kayabangan niya. Mabuti nga ngayong fourth year na kami ay nabawasan na ito kahit papaano. Pinagsabihan ko kasi. Matino namang kausap kaya hindi na ako nahirapan.

Too late.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon