chapter 22

7.3K 199 95
                                    

Sa buong duration ng photo shot ay tila nagenjoy ng husto ang magama mukhang mas naging close sila sa isat-isa.

Ako naman pinilit kong kumilos ng normal kahit ramdam ko ang tensiyon sa pagitan namin ni Damon.

Pagkatapos ng photo shot ay nauna na itong umalis may pupuntahan daw sya yun ang sabi nya kay Michelle.

Pagkatapos ng trabaho ko ay umuwi na rin kami ng anak ko sa bahay ni Damon.

Hindi namin sya inabotan sa bahay, hinintay ko sya dahil gusto kong magkausap kami at ayusin kung anoman ang problema sa pagitan namin.

Inabot na ako ng hating gabi sa paghihintay sa kanya hanggang sa nakatulog na ako sa sofa.

Naramdaman ko ang pagangat ng katawan ko habang natutulog kaya pilit kong iminulat ang aking mata.

At tila isang panaginip ang napakagwapo nyang mukha ang namulatan ko.

"Damon..." Tila nanaginip na sabi ko.

"Go back to sleep Angel." Malambing na sabi nya.

Muli kong ipinikit ang aking mga mata.

Ng ibinaba nya ako sa kama muli ay pilit kong idinilat ang aking mga mata. Mukha nya pa rin ang aking nasilayan habang puno ng pagmamahal na naka tunghay sa akin.

" Damon.... May problema ba tayo.?"

Pilit kong tanong sa kanya sa gitna ng inaantok kong diwa.

Hinalikan nya ako sa noo at sa lips.

"I just want you yo trust me on this Angel.... everything will be alright, just trust me. I love you.... go back to sleep my Angel."

Pagising ko kinabukasan ay wala na si Damon sa tabi ko, pero naiwan ang kanyang amoy sa kama kaya alan kong katabi ko syang natulog.

Hinanap ko sya, Kailangan naming magkausap. Pero nakaalis na raw ito sabi ng isa sa mga katulong.

Pagkatapos kong ihatid sa school si Michelle ay dumiretso na ako sa opisina. Agad kong hinanap si Damon pero wala sya. Buong maghapin syang hindi nagpakita, subalit iniwan nya naman na hindi magkandatuto ang lahat ng empleyado dahil sa dami ng reports na hinihingi nya at kasama na ako doon.

Nakikipag communicate sya sa mga department head at sa akin gamit lamang ang email.

Bandang hapon ay nag text sya sa akin na sya na raw ang sususndo kay Michelle, at dahil na rin sa dami ng ipinapagawa nya ay ipinagpasalamat  ko yun.

Mag aalas dyes na ng gabi ng makauwi ako tulog na si Michelle at kaaalis lang daw ni Damon, hinintay lang daw talaga nitong makatulog ang anak bago ito umalis sabi ng katulong.

Malakas ang kutob ko na iniiwasan nya ako, kaya hindi ko na sya hinintay natulog na ako.

Bandang alas tres ng madaling araw ng walang tigil sa pagring ang celfone ko kaya napilitan akong sagutin iyon.

"Hello..." Sabi ko sa inaantok na tinig, ni hindi ko na pinagkabalahang tingnan ang caller ID.

"Maam magandang gabi po, si Justin po ito ang head ng security ni Mr. Griffin." Pagpapakilala ng kausap ko.

"Okey..." sabi ko.

"Maam si Sir Veluz po kasi lasing na lasing na pero hindi pa po namin sya mapilit umuwi nakakatawag pansin na po sya sa mga naririto sa bar, baka po may makakilala sa kanya."

Bigla akong napa bangon dahil sa sinabi ng kausap ko.

"Nasaan kayo.?" Tanong ko habang kumukuha ako ng maisusot na damit sa closet.

"Nasa Thalia po."

"okey I'm coming... wag nyo na syang paalisin jan."

"Yes maam."

Dahil sa pagmamadali ay pinatungan ko na lamang ng t-shirt ni Damon ang suot kong mamipis na nighties.

Pinaharorot ko ang sasakyan ko papunta sa lugar na sinasabi ng bodyguard ni Damon.

Pagdating ko doon ay may nagkakagulo na sa labas mg bar, mga taga media na pilit pinipigilan ng mga guard at bodyguard ni Damon na makapasok sa loob ng bar.

Nakipagsiksikan ako sa kanila, pilit kong itinatago ang mukha ko para hindi nila ako mapansin, ng makita ako ni Justin ay agad nya akong inalalayan papasok sa loob, ng malapait na ako sa loob ay noon lang ako napansin ng mga media, lalo silang nagkagulo pagkakita sa akin, pero agad dun silang hinarang ng mga guard.

"Nasaan sya.?"Tanong ko.

"Dito po maam."

Iginiya ako ni Justin sa isang bahagi ng bar kung saan may isang lalaki na nakayukayok na sa mesa dahil sa sobrang kalasingan, agad ko itong nilapitan.

Inagaw ko ang baso ng alak na katatapos lang salinan ng bartender.

"Fuck! give it back to me Justin." Sigaw nito na hindi man lang tumitingin sa taong umagaw ng baso nya.

"Umuwi na tayo." Mariing sabi ko sa kanya.

Bigla syang lumingon.

"Angel what are you doing here.?"

The way he talk hindi mo mahahalatang lasing na sya, but i know better.

"Sinusundo ka.... umuwi na tayo." Hinawakan ko sya sa braso at inalalayang makatayo.

"Nagsumbong sayo ang mga gago kong bodyguard ano.?"

"Na dapat kanina pa nila ginawa."

Nahirapan syang bumalanse sa pagkakatayo kaya niyakap ko na sya sa beywang.

"Ops sorry about that, medyo naparami lang ang inom ko"

"Ang sabihin mo lasing ka na."

Bigla nya aking niyakap ng mahigpit.

"I'm Sorry my angel..." Madamdaming sabi nya.

"Maam dito na po tayo dumaan sa backdoor para makaiwas sa media." Sabi ni Justin.

"No... sa main door tayo dadaan gusto kong makita nila at makilala ang ina ng anak ko. Ang bababaing pinakamamahal ko." Sabi ni Damon sabay hakbang papunta sa maindoor.

Nakapolopot sa leeg ko ang isang braso nya habang nakayakap namam sa beywang nya ang isang braso ko, kaya naman pareho kaming sumusuray suray.

"Damon ano ba this is not the right place for that. Sumunid na lang tayo kay justin."

"No.." Pagmamatigas nya.

"Sir please para kay maam Veronica, hindi po makakabuti sa kanya kung makikita sya ng mga media sa kasulukuyang ayos nya ngayon." Tila nahihiyang sabi nito na hindi makatingin sa akin ng deretso.

Magkasabay kaming napayuko ni Damon para tinganan ang hitsura ko.

"Fuck!..." Bigla nya akong niyakap para itago ang katawan ko, halos umabot lang sa itaas ng gitnang hita ko ang suot kong t-shirt ni Damon. At halatang halata na wala akong suot na bra dahil parehong manipis ang nighties at t-sirt nya na suot ko.

Bigla syang umikot at naglakad papunta sa pintong sinasabi ni Justin, habang yakap yakap ako.

"Wala sa inyong titingin kung ayaw nyong pagdudukutin ko yang mata nyo." Pagbabanta nya sa mga bodyguard nya na nakaalalay sa amin. Kaya naman wala man lang naglakas loob na tumingin sa akin kahit isa.

Pagkalabas namin sa backdoor ng bar ay may nakaabang ng sasakyan na syang sinakyan namin pauwi sa mansiyon ni Damon.

I FALL IN LOVE WITH THE DEVILTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon