Trisha's PoVMakalipas ang isang linggo nang mangyari iyon....
Tumunog yung Alarm....
Nagulat kami kasi Nakita namin ni jehna si Kuya Vincent,Kuya Dennis at Mama rina.
Hawak nila yung Music box....
"Teka? Bakit hawak niyo yan kuya?" Tanong ko.
"Kasi hindi kami sanay na Walang nangungulit sa amin kayong dalawa ni jehna!"
"Talaga Kuya dennis?" Nakangiti kong sabi pero nakita ko si Kuya vincent na nakatalikod at mukhang nahihiya.
"Uhm Trisha, Gusto sanang humingi ng tawad sayo si kuya vincent."
At humarap si kuya at lumuhod sa harap ko at hawak ang pisnge ko.
"Trisha Pasensya na kung nasampal kita nung nakaraan Ayoko lang naman na lumaki kang bastos at walang galang sa nakakatanda sayo eh pasensya na!sana mapatawad mo ako!Ito na yung music box niyo!" At Naluha ako sa tuwa sa sinabi niya
"Kuya Pinapatawad na kita!" Sabi ko.
At niyakap ko siya
"Uy!! Bati na sila!" Sinabi ni mama rina.
"Eh kayo ni jehna? Mama rina?Oh jehna?Bati na kayo?"
Malungkot ang mukha ni jehna at biglang....
"OO! BATI NA KAMI!YEY!PINAPATAWAD NA RIN KITA MAMA RINA!!"
At Masaya kami dahil napatawad na namin lahat ni jehna
"Uy Trisha! May pasok ka diba! Pumasok ka na!" Sabi ni Kuya dennis.
"AYY OO NGA PALA!!SALAMAT SA PAG PAPAALALA KUYA DENNIS!"
At nag asikaso na ako pumasok ako ng masaya
"Uyy! Anong ngiti yan?Ang saya saya mo ah!" Sambit ni jehna
"Syempre masaya jehna!"
"Sige alis na ako paalam!!"
"Sige mag ingat ka!"
At tunakbo na ang Karwahe patungong paaralan....
Pag pasok ko aumalubong agad si Zyra sa akin.
"UY ANG SAYA MO AH!!" Nagulat ako kasi bigla siyang sumulpot.
"Uy! Ano ka ba! Nagulat ako sayo! Hahaha!"
Teka anong kaguluhan yun?
"Zyra Tingnan mo may kaguluhan dun!"
"Ishang!Si Charles yun ah!"
"Huh? Anong nangyari kay charles?"
Tanong ko.
"Hay nako charles! Hindi mo ba inisip na maraming Mangongopya sa sagot mo!" Nakita kong sinisermunan siya ni Endynmion at Oo Kalat na kalat na yung sagot niya sa pagsusulit....
"Sorry Kuya! Hindi ko naisip yun eh!" Pag papasensya niya kay endynmion.
"Anong Nangyari endynmion?" Tanong ko.
"Yan! Yan ang dahilan Trisha!" Tinuro niya yung sagot sa pagsusulit ni charles
"CHARLES?! BAKIT MO IPINAGKALAT ANG SAGOT MO SA PAG SUSULIT!" Tanong ko sa kanya.
"Di ko naman inisip yun basta ang alam ko Walang mali!walang mali sa ginawa ko!"
"Di mo inisip na Maraming makakaalam ng Sagot mo at pwede itong kopyahin!" Sigaw pa ni Endynmion.
"TIGIL! Sige dahil sa ginawa mo charles Magbuhat ka ng Balde ng tubig at punuin mo yung drum doon!"
Sambit ng Principal namin.
"Pero...." sabat ni charles.
"Walang pero pero Gawin na ngayon!" Masungit na sabi ng Principal.
At ginawa ni charles yun.
At habang naglalakad ako....
May humatak sa Braso ko
Si mark.
"Uy Trisha!"
"Mark? Pwede bang Lumayo muna tayo sa isa't isa? Ayoko lang kasi maulit yung nangyari nung nakaraang miyerkules yung ginawa sa akin ni lavinia at ericka!" At kumalas ako sa pagkakahawak niya pero hinawakan niya ulit ang braso ko.
At nakita yun ni charles at ibinaba niya ang hawak niyang balde.
"Uy! Anong ginagawa mo kay trisha ah!"
Galit na mukha ni charles
"Hinawakan ko lang ang braso ni trisha at gusto ko siya makausap!" Galit na sabi ni mark.
"AYOKONG LUMALAPIT KA SA KANYA!" Galit na galit na sabi ni Charles.
"Teka?! Bakit ba? Ano bang problema mo?!" Tanong ni mark at galit na galit siya nun.
"Problema ko? Ikaw!" At sinapak siya ni charles sa dibdib
At Nagsapakan na sila
"Pakiusap Huwag na kayong mag away!!" Umiiyak kong sabi.
