A/N: Another one shot story. Biglang pumasok sa isip ko to habang nasa biyahe ako papuntang Manila e. Hahahaha!! Follow nyo ko sa twitter: @yeollipopberry tas mention nyo na lang ako para mafollowback ko kayo. <3 Thank you & Enjoy. :*
--
"Oh aalis na! Aalis na!"
"Manong, manong! Pwede pa po bang sumakay?"
"Pwede pa kaso nakatayo kana iho. Puno na ang mga upuan"
"Ayos lang po. Sasakay po ako"
"Osiya. Pumasok kana at aalis na"
Agad-agad akong umakyat para hindi na maiwan dahil ayokong mag-hintay pa ng tatlumpu't minuto para sa susunod na bus at tsaka....
Pagkaakyat ko ay nakita ko agad siya habang nakasaksak sa tenga nya ang earphone nya. 9 months ko na siyang nakakasabay dito at sa loob ng ilang buwan na yun hindi na siya nawawala sa isip ko. Kababaw man siguro sa iba pero parang nainlove na ko sa kanya.
Naglakad ako at doon ako tumayo sa malapit sa kanya. Maganda siya, maputi, singkit ang mga mata, may dimple sa magkabilang pisngi at may katabaan ang pisngi na lalong nakapag-paganda sa kanya. Hindi lang naman yun ang nakapag-pahulog ng loob ko sa kanya, isa na ang mabuting ugali at pakikitungo nya sa kapwa.
"Lola, dito na po kayo maupo. Ako na lang po ang tatayo" Napalingon ako sa nagsalita at nakita ko siyang nakikipag-usap sa isang matanda na mukhang nasa 70 na ang edad
"Naku iha. Huwag na, ayos na ako sa ganito. Wag mo na kong intindihin, maupo kana lamang dyan"
"Sige na po lola, umupo na po kayo. Please? Ayos lang po talaga sa'kin"
"Osiya. Salamat iha. Kaawaan ka ng Diyos"
"Wala pong anuman" Sagot niya ng may matamis na ngiti. Yan, isa yan sa katangiang nagustuhan ko sa kanya.
Nagulat ako nang bigla siyang napalingon sa'kin. Bumilis bigla tibok ng puso ko lalo na nung ngumiti siya sa'kin. Ngumiti ako at umiwas agad ng tingin dahil feeling ko na nag-init ang mukha ko. Ano ba namang kabaklaan to! Sh*t! Narinig ko siyang napahagikgik ng mahina kaya napalingon ako, nag-tama na naman ang paningin namin. Pero siya na ang unang umiwas at sinaksak na lang uli ang earphone nya.
Ako nga pala si Jin Rivera, 4th year highschool. NGSB kaya hindi ko alam ang gagawin para mapalapit sa kanya. Siya? Hindi ko pa alam ang name nya. Pero alam kong sa katabi ng school namin siya nag-aaral at 4th year din sya dahil napansin ko sa mga dala niyang libro at sa suot niyang uniform.
Nauuna siyang bumaba sa'kin dahil sa isang kanto pa ako bumababa. Ewan ko ba kung nagkakataon lang to o sadyang pinag-lalapit kami ng tadhana. Maya-maya ay bumaba na sya, tiningnan ko siya hanggang sa malayo na siya sa paningin ko.
**
Pagkatapos ng klase ay nag-ayos na agad ako ng gamit. "Oy pre, nag-mamadali ka ata?"
"Maiiwan na ko ng bus e."
"Maaga pa naman a? Maya na yan, Dota muna tayo."
"Nexttime na lang. Sige, una na ko"
"Gusto mo lang sya makita e. Hahaha!"
BINABASA MO ANG
Bus Love Story (One Shot)
Teen Fiction[ONE SHOT] Pag-ibig na nag simula sa pag-sakay ng Bus? Sa iba imposible pero para sa kanya ay walang imposible pag dating sa pag-ibig. Sumama sa paglalakbay ng kanilang buhay pag-ibig na nagsimula sa isang bus!