My cupcake boy..

239 3 0
                                    

Chapter 33

Roselle’s POV

 

Tapos na kaming kumain ng tumayo sya at naglahad ng kamay sa akin.

Nagpunas ako ng bibig. Nagtataka yung mukha ko.

“Can I have a dance with you?”

Ngumiti ako at inabot yung kamy sa kanya.

Tumayo kami. Napapaligiran kami ng mga petals.

Hinwakan nya ako sa bewang. Ako naman sa sa balikat nya. Tapos magkahawak yung isang kamay namin sa ere.

Napangiti ako. Ganun din sya. Tumugtog si kuya na nagvaviolin. Malamyos yung tinutugtog nya, hindi ako gaanong pamilyar sa kanta..

Inilapt nya ako sa kanya. Yung pisngi nya nakadikit na sa gilid ng ulo ko.

Ramdam na ramdam ko yung ngiti nya. Parang automatic na lang din na lumitaw yung ngiti ko.

Ang saya saya ko ngayon.

“Are you happy?” marahang bulong nya sakin.

“Tinatanong pa ba yan?” pabirong tanong ko.

Marahang natawa sya sakin.

“I never thought we’ll be like this. I still can’t believe it’s really happening. Tell me, am I just dreaming?” tanong nya.

Hinarap ko sya. “You think so? Then, if you think it’s just a dream. Will you wake up?”

 

Ngumisi sya. “Nah. I’d rather sleep forever.”

Lumobo na naman yung puso ko. He pinched my cheeks. “I love it when you’re blushing.”

Inalis ko yung kamay nya. “Ah kaya pala palagi mo ko pinapakilig.”

Tumawa sya. “Can you close you  eyes for a second?” pacute na sabi nya sakin.

Kumunot yung noo ko. huminto na kami sa pagsasayaw. May surprise pa sya?

 

“Sige na.” ulit nya.

Pumikit naman ako. naramdaman ko na kumalas sya sakin.

Ano na naman kaya to?

Pamaya maya lang, niyakap nya ako sa leeg. At may naramdaman akong isinuot nyang malamig na bagay sa leeg ko.

Dumilat ako. Nakita ko yung nakangiti nyang mukha.

Yumuko ako. at nakita ko na kwintas pala yung isinuot nya.

It was a whitegold necklace. It has a cupcake pendant. Ngumiti ako. so cute!!

Ngumiti ako sa kanya. “It’s so cute! Thank you!” niyakap ko sya.

Cupcake. Yes. Sa cupcake ko ipinaramdam yung pagkagusto ko sa kanya dati. Sa cupcake nagsimula ang lahat.

Niyakap nya ako ng mahigpit. “Sana ganito na lang tayo palagi. Pwede ba?” tanong nya habang yakap nya ko.

“Of course! Kaya lang mangangawit tayo kasi ang tagal nating nakatayo.” Sagot ko.

Narinig ko yung tawa nya. How I wish to hear it everyday. Parang vitamins ko ata yung tunog ng tawa nya.

Humarap sya sakin. “I don’t know what I will do without you. Parang ikaw na yung oxygen ko.” tumawa sya. “Ang corny ko na. Ikaw lang ang nakakagawa sakin nito.thank you for coming into my life. And thank you for making me happy. Very happy.”

Hindi ko alam kung tatalon ba ako o iiyak sa saya dahil sa sinabi nya.

Ngumiti na lang ako. “Pikit ka din?” pacute na sabi ko rin sa kanya.

Ngumiti sya at hindi nagreklamo. Pumikit sya. Bumitaw ako sa kanya.

Pumunta ako sa table kung nasaan yung cellphone naming dalawa. Inilagay ko doon yung regalo ko.

It was a couple’s cellphone chain. Girl and boy. Nilagay ko sa cellphone nya yung girl. Yung mukha ng girl ay pwede lagyan ng maliit na picture. I put my picture there. May hawak na paper yung babae. May nakasulat na I love K. Sakin naman lalaki at picture din nya yung mukha. May papel din na hawak. I love R naman.

Pinacustomize ko pa yan ha! Cheesy, I know. Wala eh. In love eh. Ganyan talaga. I know cheap lang yung gift ko. Pero it’s the thought that counts right?

Iniabot ko sa kanya yung cellphone nya. Nagtataka yung mukha nya nung iniabot ko yun. Dumilat sya at tinignan yung cellphone nya.

Hinawakan nya yung Cellphone chain. Nakayuko sya, pero nakita ko yung malawak na ngiti nya.

Parang nahiya ako na ewan. Nag angat sya ng tingin. Still wearing his best smile. Ngumiti ako at ipinakita din yung cellphone ko.

Kinuha nya din at pinagtabi yung cellphone namin.

Ang lawak pa din ng ngiti nya. And take note. I can see that he’s blushing! Nyaha! Cute nya!

Nagulat ako ng niyakap nya ako bigla. Ang bilis ng tibok ng puso nya. Nararamdaman ko.

Hinalika nya yung noo ko. “I love you…”

Hinigpitan ko yung yakap ko sa kanya. “I love you Kavs.. my cupcake boy.”

My Sweetest Whatever (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon