Chapter 90 Part II

11K 181 12
                                    

Ella and Jeff

“galit padin sayo?” tanung ni Julie sakin. Tumungo-tungo ako.

“Asan ba kasi si Chris?” tanung ni Alex na halatang banas na simula pa kanina.

Umiling-iling ako. Baka nakila brian ‘yun. Di ko naman sya masisisi graduation nila Brian kanina, Malamang nagdadate ung dalawa dahil aalis si Brian papuntang ibang bansa, Matagal din silang hindi magkikita.

Bumuntong-hininga ako pagkatapos ay kinuha ang cellphone ko sa bag. Maayos naman kami kanina, Hindi ko naman alam na nagseselos padin pala si Jeff kay David. For petes sake, matagal na kami ni Jeff. Isang taon na kaming magkarelasyon! Ngaun paba nya ako pagdududahan? Sinabi ko nang sya ang mahal ko. Bakit ba nagseselos padin sya kay David?

Tinext ko si Chris.

San kayo? Nawala kayo bigla.

Hey, Hinahanap kayo.

Ilang minuto pa ang nakakaraan pero hindi padin sya nagrereply. Umismid ako pagkatapos ay tinanaw si Jeff na nakikipagtawanan lang sa iba pa nilang kaibigan kasama ni Lucy. Kinagat ko ang labi ko pagkatapos ay tumayo sa upuan.

“CCR lang ako.” Utas ko.

Tss. Parang wala namang kwenta ang gabing to. Grabe naman si Jeff. Hindi nya manlang inisip ang nararamdaman ko.

Pumasok ako sa CR pagkatapos ay inayos ang buhok ko.

Tumunog ang cellphone ko kaya naman agad ko iyong kinuha sa bag ko. Nakita kong si David ang tumatawag.

“Nagalit sayo? Pasensya kana.” Utas nya.

Ngumite ako. “Ayos lang. Asan kaba ngaun? Sorry ha?Nasuntok ka na naman ni Jeff.” Utas ko. Nadinig ko ang mahina nyang pagtawa.

“Ayos lang. Pauwi na din naman ako. Ingat ka. Gusto mo bang daanan kita dyan para ihatid nalang?” tanung nya.

“Hindi na. Kasama ko naman si Julie at Alex kaya ayos lang. Salamat David. Goodnight.” Utas ko bago ibinaba ang linya.

Bumuntong-hininga ako pagkatapos humawak sa lababo ng makaramdam ng pagkahilo.

“Shit.” Mura ko nang makitang umikot ang paningin ko. Hinipo ko ang noo ko, May sinat ako.

Sunod kong nakita ang pagpasok ni Julie sa CR.

“Ella?” tanung nya pagkatapos ay agad akong dinaluhan,

Nilingon ko sya. “Ayos kalang? Bakit ka nakasalampak dyan?” tanung nya pagkatapos ay tinulungan akong makatayo ng maayos.

Umiling-iling ako. “Wala. Pagod lang siguro ako. Medyo nahilo ako eh.” Utas ko.

Hinipo nya ang noo ko. “May unteng sinat ka, Gusto mo nang umuwi?” tanung nya.

In a Relationship with a DEVIL Book I - Fall InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon