Trisha's PoV"Bakit ba charles? Ano bang ginagawa ko sayo?" At sinapak niya rin si Charles sa balikat.
At Nagsapakan na silang dalawa.
"Ano bang masama kung lumapit ako kay trisha!?" Tanong ni mark habang nagsasapakan sila.
"Kasi Ayokong May Prinsipe o Lalaking Lumalapit sa kanya!" Galit na galit niyang sabi.
"Eh bakit ba? Kaklase ko naman sya ah!" Galit na sabi ni mark habang nagsusuntukan sila
"MAY GUSTO KA BA KAY TRISHA!?" Malaking Tanong ni Mark.
At hindi na nakapag salita si charles at natigilan siya sa pagsuntok.
....
"OO!" Literal na Nagulat at napanganga ako sa Sinabi ni charles.
"Paano ba yan! Gusto ko na rin siya!" At ngiting pang asar ni mark.
At itinuloy nila ang pagsusuntukan.
"ANO BA TAMA NA!!!!" Sigaw ko.
At dumating ang principal....
"Mark at lalo ka na charles magkita tayo sa opisina at mag usap! Sumama ka trisha!"
Naku!! Ipapatawag pati ako ayaw pa naman ni kuya na pinapatawag ako sa opisina.
Habang nasa opisina....
"Paki tawag si endynmion at ang nakakatandang kapatid na lalaki ni Mark!" Deretsang sabi ng principal.
"Masusunod principal!"
Mga Ilang minuto Dumating si Endynmion at ang Kuya ni mark.
"Ano nanaman bang ginawa mo Charles!" Galit na sabi ni endynmion.
"Alam mo naistorbo mo ako sa pag aaral ko eh!"
"Sorry na kuya kasi si mark eh!"
"Anong ako?ikaw ang nangunguna!" Gslit na sabi ni mark kay charles.
"Tahimik!ano bang Simula ng away niyo!"
"KASI PO SI TRISHA..." Sabay nilang sabi at nagulat ako.
"Pakitawag ang nakakatandang kapatid ni trisha Si Prinsipe dennis t prinsipe vincent!"
Hala patayy! Ipapatawag nila sila kuya
"Anong problema anong problema sa kapatid ko?" Tanong ni kuya vincent
"Walang problema sa kanya pero itong dalawang ito siya ang dinadahilan"
"Bakit anong nangyari bunso?" Tanong ni kuya dennis habang nakahawak sa pisnge ko"
"Ewan ko po May gusto daw sila sa akin eh!"
"Uyyy!!! Natatapakan ko yung buhok ni trisha ang haba grabe!!" Biro ni kuya dennis
"Kuya dennis naman eh!" Habang naiiyak ako.
"Kuya vincent ayoko ng ganito alam mo ba dahil sa kanila Sinabihan pa ako ni lavinia at ericka ng MANG-AAGAW at MALANDI!" Tapos umiyak ako.
"Sino yan!Nakakainis siya ah!" At nasa likod pala si tiya veronica at hinawakan ang likod ni kuya dennis.
"Hayaan mo na dennis sinaway ko naman na yung malditang prinsesa na iyon!" Pag papasensya ni tiya veronica at pumasok si jehna
"Anong problema?" Tanong ni jehna
"Pinag aawayan nila si trisha" sagot ni kuya vincent.
"Uyy haba ng buhok ni trisha!" Biro ni jehna
"Jehna naman eh! Pati ikaw!" Habang nakakunot ang noo ko....
Ang masayang araw.
Napalitan ng kaguluhan sa isip
Sa puso
At sa gawi
Ano ng gagawin ko!!!
At pinarusahan silang dalawa
