Break Up Tips

11 0 0
                                    


GUSTO mo bang i-junk ang iyong GF or BF, pero parati itong naipo-postpone dahil sa isang bagay: as in ayaw mo siyang masaktan!

Lalo't alam mong mahal na mahal ka niya at kung lalayuan mo siya, tiyak mong mawawasak siya. Pero hindi mo na siya mahal at balak mong makipaghiwalay na.

Paano mo ito magagawa na hindi siya makararamdam ng emotional pain?

You can't! Ganoon iyon kasimple.

Pares ito ng pagtatanong na "paano ka maliligo na hindi mababasa? O paano mo hihiwain ang mansanas nang hindi masisira ang balat?

Kung hihintayin mo ang panahon na hindi siya masasaktan sa paghihiwalay ninyo, mabuti pang pakasalan mo na siya dahil ang panahong hinihintay mo ay hindi darating.

Kapag sinasabi mo sa karelasyon mo na maghihiwalay na kayo ng landas, masasaktan siya.

Pero ito ang tandaan mo, mas masasaktan sila kung papaniwalain pa sila ng isang buwan, ng isang taon o mag-commit sa kanya na hindi mo siya hihiwalayin out of guilt.

Eventually, ipagtatapat mo rin sa kanya na sorry, I have to tell you now...noon ko pa gustong makipag-break sa iyo."

Lalo siyang masasaktan dahil pananatilihin mo ang inyong relasyon na hindi ka naman fully emotionally present at hindi committed sa kanya.

Na pinapaasa mo lang siya at hindi mo maibibigay ang complete commitment na kailangan niya.

Maaaring magulat ka sa sasabihin ko sa iyo.

Hindi ka nakikipag-break sa karelasyon mo upang iwasang masaktan siya.

Nananatili ka sa inyong relasyon upang maiwasang sabihin sa sarili mo na hindi ka 'bad'.

Hindi mo matanggap na mabuhay na may pabigat sa iyong konsensiya.

Kahit lumalabas na pinoprotektahan mo ang partner mo sa paghihirap at sakit ng damdamin, sa katunayan ay sarili mo ang iyong pinoprotektahan.

Isa kang nilalang na gustong makatiyak at panatilihin na hindi ikaw ang pagmumulan ng hirap ng kalooban ng ibang tao.

Sa katotohanan, ang kilos mo ay para lang sa iyong kapakanan.

Ayaw mong lumabas na hindi ka mabuti––pero ang ginagawa mo ay hindi mabuti.

Palayain mo ang nobya o nobyo mo ngayon.

Sa pagpapalaya sa kanya, makakatagpo pa siya ng iba na talagang magmamahal sa kanya at tatanggapin siya kung sino siya.

Huwag kang maghintay ng isang araw pa.

Ang gagawin mo ay makabubuti sa partner mo.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 15, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Break up TipsWhere stories live. Discover now