LY'S POV:
Hindi ko na alam kung paano ako nakatulog. Pag-gising ko kinabukasan ay wala na rin si Denden sa kuwarto namin. Tumayo ako, naghilamos at nag-agahan.
"Salamat sa breakfast Jia ha." Ang boardmate ko sa kabilang kuwarto.
"You're welcome. Buti at sobra ang sinangag ko kanina, wala naman si Denden kaya sa 'yo na 'yan sa lahat."
"Ah nandito siya kanina? Sobrang antok ko kagabi, di ko namalayan pag-uwi niya."
"Hindi nga siya umuwi Ly. Maaga lang siya kanina para raw kumuha ng ilang gamit. After clearance daw, uuwi muna siya sa kanila."Parang kinurot ang puso ko. Hindi man lang kami nakapag-usap bago siya umalis. Ano ba nangyayari sa amin?
Matapos kong kumain ay ako na naghugas ng pinggan. Bumalik ako sa room at binalot ako ng lungkot. The more we age ni Den, the more we get matured, mas lalong naging complicated. Namimiss ko ang ang mga ngiti niya. Tinanggap ko naman kung gusto na niya si Myco pero para iwanan ako dito na di nagsasabi, parang may malalim na dahilan.
Naligo ako at nagbihis. Mabigat ang pakiramdam ko. Sinubukan ko siyang tawagan. Kinakabahan ako habang nagriring. Anim na ring bago niya sagutin.
"H-hello…"
"Ly…"
"Ahm…Hi. Sa'n ka?"
"Sa….bahay ng Tita ko sa San Juan. Dito na muna ako mag-stay hanggang magpasukan."
"Aaaah….Uhm….Hindi man lang tayo nagkausap."
"E…ang sarap kasi ng tulog mo."
"Hindi na ba tayo magkikita bago man lang magsara talaga ang klase?"
"Hindi na siguro."
"Den…."Narinig ko ang pagbuntung-hininga niya. "Ly….huwag na muna na tayong mag-usap."
"But why? Baka puwede naman nating pag-usapan. Huwag ganito Den. Ang gulo eh, nasasaktan ako alam mo ba 'yon?"
"Masakit din for me, sa totoo lang pero we need to do this. Mas mahihirapan tayo believe me."
"Pero bakit? Saan mahihirapan? Ano ba 'yang sinasabi mo?"
"Just be happy Ly. Mamimiss kita. Pipilitin ko ring maging masaya."Ayun lang at binaba na niya ang cellphone. Lumipas ang mga araw na naiwan akong naguguluhan. Dineactivate niya lahat ng social media account niya at nagchange na rin siya ng numero. Wala akong alam na address niya kahit 'yung totoo niyang tirahan. Nasanay kasi ako na sa dorm lang ang naging buhay namin.
Hindi rin kami nag-abot sa pagkuha ng mga classcards. Nagahol na ako sa oras para sa commitment ko sa Baguio. I let Denden go. I started to live without her. Maybe she's right, mas mahihirapan kami pareho. But everything is still a puzzle.
----- AFTER A YEAR -----
"Happy graduation anak," sabi ng Mom ko sabay halik sa pisngi ko. I've made it flying colors. Isang taon kong sineryoso ang pag-aaral. Hindi ako nagpaligaw kahit kanino.
Buong taon na si Denden ang nasa isip ko. Nanghihinayang ako sa friendship namin, at the same time, hindi nawala ang sama ng loob. Tinigilan ko na rin ang pangungumusta sa mga common friends namin. Masaya na siguro siya sa buhay niya ngayon.
"Saan niyo ko iti-treat Mother?"
"Nakapagpareserve ako sa Paladin Hotel. Surprise ko anak actually."Pinilit kong maging masaya ng araw na 'to para sa family ko.
"Ano na ba ang plano mo hija?" My dad asked me.
"Papahinga po muna Dy then I'll give it a try sa company muna ni Tito for my training."
"Oh that's good. Pero anak, try mo ding mag-enjoy ha? Napansin kasi namin ng Mommy mo na mula ng malipat ka dito sa Baguio ay parang nawala ang anak naming masayahin. I mean, you never fail to give us pride pero you're still young. Enjoy life kid."
"Oh well…baka sa company ni Tito ay makakuha ako ng bagong set of friends."
"Uuwi pala dito ang anak ng Ninong mong si Ynnah. Mamasyal kayo bago man lang siya ikasal."
"Wow! Ikasal? Parang twenty three pa lang siya ah."
"Minamadali na ng Ninong mo dahil mukhang patay na patay sa ex-bf niya sa Hongkong. Baka raw mabingwit pa muli."
"Meaning hindi gusto ni Ynnah ang mapapangasawa niya? Is this all for business Dad?"
"Kind'a."
"Naku Dy! Huwag na huwag mo gagawin 'yan sa akin ah! Dibale ng old maid, huwag lang masettle sa taong hindi ko gusto."
"Of course I wo'n tdo that!"
"Kawawa naman si Ynnah."
BINABASA MO ANG
Asa Lang sa Yo Dati, Eh Ngayon? ( Completed Gxg )
FanficA-sa L-ang sa Y-o D-ati E-h N-gayon? An Alyden Fanfic Story. Love kept unsaid. Highest Ranking: No.1 in #Denden Sept. 2018