Chapter 1

23 0 0
                                    

Chapter 1

Chat

Pinaupo na kami nang principal kasama nang aming mga kaklase. Ang mga students na nanggaling sa aming school ay nasa bandang likuran habang ang mga taga westville naman ay nasa harapan.

Umupo kami ni Ryan sa may pinakadulong bahagi dahil yun nalang ang bakante. Si Ryan sa may bintana habang ako ay napapagitnaan nila ni Shane.

"Hey!" bungad ni Shane pagkaupo ko.

"Hey" I smiled at him sabay tingin sa harapan. Puro likod lang din ng mga kaklase kong lalaki ang nakikita ko.

"You're supposed to be on the middle with our girls"  turo nya dun sa mga kaklase kong babae na nasa harapan nang mga kaklase kong lalaki.

I pouted at him.

"Yeah supposed to be. But I'm kinda late."
Nilingon ko siya. Tinaasan niya ako nang kilay sabay taas ng sulok ng kanyang labi.

Nilingon nya iyong katabi ko kaya napatingin din ako kay Ryan na tutok na tutok sa nagsasalita sa harap.

Nang ibinalik ko yung tingin ko kay Shane, nakatingin na ito sa akin ng nakangisi.

"You're late with Samaniego. Makes me wonder hmmm." he chuckled.

Nanlaki yung mata ko dahil baka marinig ni Ryan yung sinabi ni Shane.

"Shut up, Shane!" sigaw ko kaya lang  medyo napalakas ang boses ko kaya napahinto yung nagsasalita sa harap.

Shit.

"What's the commotion is all about?"
Tanong nung speaker sa harap.

Nilingon ako ng mga kaklase ko. Ang iba nakangisi ang iba naman tiningnan ako ng masama.

Nagkaroon ng katahimikan kaya halos madinig ko na yung kabog ng puso ko.

"Nothing Miss. I accidentally stepped on Aria's foot kaya siya biglang napasigaw. Sorry."

Nabigla ako ng seryosong nagsalita si Ryan. Nakarinig ako ng mga nanunukso at ang yung ibang masasama ang tingin kanina ay nakangisi na.

Tumango yung Speaker at nagpatuloy sa kanyang sinasabi kanina.

Mahinang sumipol si Shane at nailing. Hindi na din nya ako nilingon kaya nakinig na rin ako sa nagsalita sa harap.

Matapos ang unang speaker ay binigyan kami ng 30 minutes break. Pinili ko nalang manatili sa computer lab dahil may nabili na din naman akong pagkain kanina sa canteen.

"Aria! Tara na sa labas!" sigaw ni Hilary habang nakaamba sa nakabukas na pintoan.

"Ikaw nalang nakabili na ako kanina."

"Utot mo!" sabay sarado ulitsa pinto at lumapit sa akin.

"Mabango." I rolled my eyes at her.

"Sus ang sabihin mo ayaw mo lang lumabas kasi nasa hallway ang mga taga Westville."

Umupo sya sa tabi ko sabay hablot sa shoulder bag ko na nasa kandungan ko lang. Isa isa nyang inilabas yung mga binili kong pagkain kanina.

"Eh ano naman?"

Hinabalot ko yung Mr. Chips na akma nyang bubuksan.

"Not that! Yang burger sayo." tiningnan ko siya nang masama. Nagkibit balikat lang sya at kinuha na din yung burger at kinagatan ito ng malaki. What the?

"Nadun kaya sha labash yung she Brexshe mo." she said.

Nanlaki yung mata ko at inilibot yung mata ko sa silid baka may nakarinig.

Hello AutumnWhere stories live. Discover now