If Ever You're In My Arms Again

4 0 0
                                    

High school life.

Most exciting na mga taon ng pagiging teenager. Andyan yung mga barkada, parties, JS prom at kung anu-ano pa. Pero sa isang Terrence Sarroza na katulad ko, yun yung point kung saan marami akong kaaway at mga naka enkwentrong frat. Gangster ako kung tawagin nila. Bad boy ika nga. Lahat ng tao sa school takot sa grupo ko, lalo na sakin, mapa-babae man o lalake.

Pero totoo nga yata yung kasabihan na kahit gaano ka pa katigas eh makakahanap ka parin ng katapat. At nakahanap nga ako ng katapat ko, sa katauhan ni Gayle Sarmiento. Oo, tama kayo.. Babae yung naging katapat ko.

Nagsimula yun isang araw nang biglang..............

"Hoy kuya, ayos ah! Bulag ka ba? Nakita mong may pila tapos bigla ka nalang sisingit?!" Napalingon akong bigla at hinanap kung kanino nanggaling yung boses na yun.

Di naman  ako nabigo. Lahat ba naman ng tao sa cafeteria eh nakatingin sa kanya. Seriously, di ba nya ko kilala?

"Ako bang kinakausap mo?" Tanong ko sa kanya habang dahan dahang lumalapit sa kanya. Napansin ko din na lumalabas na yung ibang tao. Malamang dahil sa takot na baka kung anong gawin ko sa babae na to.

"Tanga lang kuya?  Ikaw lang naman yung sumingit di ba? Malamang I am pertaining to you!" Singhal nya sakin.

"Di mo ba ko kilala?!" Tipid na tanong ko sa kanya. Sa totoo lang, nagsisimula ng uminit yung ulo ko sa babaeng to ah. Tawagin ba naman akong tanga!! Tsk.. di nya alam kung anong gulo pinasok nya.

"Bakit? Kailangan ko pa bang kilalanin yung mga taong katulad mo na hindi man nga lang marunong magsuot ng proper uniform!? Paimportante masyado!"

Despite what she had said, I find her amusing. Hindi talaga nya ako kilala.

"Hindi naman. Nakakaawa ka lang kasi wala kang idea kung sino ako..."

"You know, I really don't care kung sino ka kase-----" di na nya natuloy yung sinasabi nya dahil habang papalapit sya sa akin eh natapilok sya.. At ang big deal dun, sumubsob sya sa akin. Dahil unexpected, pati ako na-out of balance kaya ayun, natumba kaming dalawa. At katulad ng mga romantic movies na napapanood natin........we accidentally kissed each other...

From that very moment when she stole my first kiss, alam ko ng iba sya. And there's something about her that makes me think of her more and more. Soon enough I finally admitted to myself that I, Terrence Sarroza had fallen in love with Gayle Sarmiento.

After the cafeteria incident, I tried to bully her para lang may dahilan akong makalapit sa kanya. Pero as expected, talo ako. Di ko alam kung saan pinaglihi yung babaeng yun at ganun nalang nya ko barahin sa lahat ng banat ko.

Nung na-confirm ko na sa sarili ko na mahal ko na sya, though may mga hesitations ako eh nilakasan ko na yung loob ko. I confessed to her and much to my surprise, she confessed too. And I am glad to announce that the feeling is mutual mga tsong!!! Hahaha.

We've become the most popular couple in school. I can say that she made me a better person. She brought out the side that I don't know I have. For a while, nakalimutan kong gangster ako. And that, I think, was the biggest mistake I had ever made.

I asked her out for a date. I'm waiting for her at the usual spot kung saan lagi ko syang hinihintay. I checked my watch. She's thirty minutes late. Kinabahan ako. First time yon eh. Hinanap ko sya sa buong campus. Lalong tumindi yung kaba ko nung nakita kong patakbong papunta sa akin yung mga kabarkada ko.

"Terrence, si Gayle. Hawak ng grupo ni  Mark." Pagkasabi sakin nun eh patakbo na akong umalis. Pinuntahan ko yung  hide out ng grupo ni Mark; yung pinaka mortal kong kaaway.

There I saw Gayle lying on the floor. May tali sya sa kamay. And I saw Mark trying ko kiss her while she was crying and shouting my name.

That scene made me run and punch Mark right on his face. Tumingala si Gayle. Nakatingin sya sakin habang umiiyak. Aalis na dapat kami nung bigla akong pinukpok ng kung anong matigas na bagay sa ulo.

Sinubukan kong tumayo pero may sumipa sakin na naging dahilan para matumba ako. Nakita ko yung isang kasamahan ni Mark na hinatak si Gayle. Pinilit kong tumayo at sinuntok ko yung lalaking sumipa sakin. Nung nagtangka akong habulin si Gayle, humarang si Mark sa dadaanan ko. He pointed his gun to me. Nakita yun ni Gayle. Believe me, that very moment natakot ako. Di dahil sa takot akong mamatay. Takot ako dahil baka hindi ko maprotektahan si Gayle.

Nakita kong kinasa ni Mark yung baril. Wala akong nakikitang hesitation kay Mark nung mga oras na yun. Alam kong sa oras na itutok nya sakin yung baril eh hindi sya magdadalawang isip na iputok yon. Tumingin ako sa kinaroroonan ni Gayle. I saw her crying and she shouted my name. I accepted the fact na yun na yung katapusan ko.

But things did not turn out the way I thought it would be. I saw Gayle punch the guy who was holding her. She ran towards my direction. Niyakap nya ko nung makalapit sya sakin. Sabay nun, narinig ko yung putok ng baril ni Mark.

Naramdaman ko yung paghigpit ng yakap ni Gayle sakin pero di nagtagal yun dahil namalayan ko na lang na unti unti syang bumibitaw sakin. Tiningnan ko sya. Nakita ko yung luhang pumatak sa mata nya. I hugged her. That moment I found out that she was bleeding.

Reality hit me. Sinalo ni Gayle yung bala na dapat eh para sakin. Niyakap ko sya.

"Gayle, wag kang bibitaw! Narinig mo ko?! Dadalhin kita sa ospital. Stay awake for me..!"

Bubuhatin ko na sana sya nung bigla syang nagsalita. Hinaplos nya ako sa mukha.

"Terrence, no need. I know I can't make it. Terrence, I-i didn't r-regret w-what I did. I-i'm happy I had t-the chance to be y-your g-girl...T-thank you for l-loving me b-baby.......I-i l-love you s-so much......" nahihirapan niyang sabi habang umiiyak.

"Gayle no! Don't do this to me!"

"B-baby...d-di ko na k-kaya...one l-last f-favor p-please.......h-hug me...t-tight......"

I immediately hugged her and kissed her. I was crying so hard.

"Y-you are m-my l-life T-terrence Sarroza......I l-love you t-till my l-last b-breath....."

Naramdaman ko yung unti-unting pagbitiw ng kamay nya. Kasabay nun yung pagtulo ng luha nya at pagpikit ng mata. Yung mga sandaling yun, masasabi ko na di ko inakalang makakaramdam ako ng ganito kasakit...

Alam kong wala na yung taong nagbigay ng kahulugan sa buhay ko.

At ngayon, nandito ako sa tapat ng libingan ni Gayle. Di ko maiwasang alalahanin lahat ng mga alaala naming dalawa.

Kung naging matino lang sana ako. Kung inayos ko lang sana yung buhay ko. If ever mabibigyan ako ng pangalawang pagkakataon, itatama ko lahat... babalikan ko yung mga panahon kung saan masaya kaming dalawa...I'll even trade anything just to see her again...

If ever you're in my arms again...............

****************************************************

Thank you for reading my first ever one-shot story. Hope you'll like it guys! :)

---hannahsheene ^-^v

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 12, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

If Ever You're In My Arms AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon