Sobrang busy ng lahat sa school. Lahat may inaasikaso, lahat aligaga. Pero hindi naman na nakakagulat dahil sa tuwing palapit ang araw ng JS Prom, patindi rin nang patindi ang excitement na nararamdaman mo sa paligid. Kaliwa't kanan ang prom-posals. Punong-puno ng kilig sa school, kaya kahit sa katulad ko na hindi na naniniwala pang makakapagmahal ako muli, ang sarap sa pakiramdam na makita mong masaya ang mga tao sa paligid mo. Sana lang ay hindi nila maranasan kung ano man ang nangyari sa akin. Sana hindi magtapos nang mapait ang love stories na binubuo nila.
Tahimik kong pinapanood ang couple sa tapat ng Science Building nang mag-ring ang cellphone ko. Kinuha ko agad ito at nakitang tumatawag si Kyle sa akin.
"Benice!" Excited at tuwang tuwa niyang tawag sa akin noong sinagot ko na ang tawag niya.
"Oh, Kyle, bakit? May nangyari ba?"
"Girl! Si Luis!" Hindi pa rin nawawala ang excitement at kilig ni Kyle habang kinakausap ako.
"Si Luis? Bakit?" Si Luis De Castro. Mula pa noong first year high school kami ay gustong gusto na siya ni Kyle, hanggang ngayon na fourth year na kami at graduating na ay hindi niya pa rin tinigilan ang paghanga rito, kahit na nalaman niyang may girlfriend ito noon. Kung gaano siya kalungkot noong nalaman niyang taken na si Luis ay siya namang tuwa nito noong nalaman niyang wala na sila. Binatukan ko siya noong tumakbo siya sa akin para sabihing wala na si Luis at Ashley.
"Baliw! Bakit ka matutuwa kung nag-break 'yung dalawa?"
"Duh, Ben? Ibig sabihin 'nun, may pag-asa na ulit ako sa kaniya!" sabi niya at napayakap pa sa akin. Natawa na lang ako dahil sa pagiging hopeless romantic niya, talagang hindi niya isusuko si Luis dahil malakas ang paniniwala niya na sila ang meant to be.
Kaya naman hindi ko rin siya masisisi kung bakit sa tuwing si Luis ang usapan namin ay talaga namang sobra ang kilig niya, kung minsan ay nahahampas pa niya ako.
"So... diba prom na natin sa Sabado?"
"Yes, so anong connection kay Luis? Don't tell me ikaw ang mag-aaya sa kaniya ha!"
"Well, malapit ka na nang kaunti pero mali pa rin!" Sabi niya na natatawa pa at talagang kinikilig.
"Come on, Ky! Ano ba kasi? Nakaka-curious na masiyado 'to ha!"
"Inaya ako sa prom ni Luis!" sabi niya at napasigaw pa ng malakas kaya naman nailayo ko ng kaunti ang cellphone ko sa tainga ko dahil sa pagtili niya.
"Wait, totoo ba?"
"Yes, yes, yes! Oh my God, girl! Kailangan nating magpaganda lalo!" Pinlano namin na kaming dalawa lang ang magkasama sa prom dahil parehas kaming single, pero napakasaya ko ngayon dahil sa wakas, bago pa man kami magkahiwa-hiwalay at mag-college ay magkakaroon na ng katotohanan ang love story na ilang taon nang isinusulat ni Kyle, nang mag-isa.
"Sobrang saya ko para sa'yo, girl! OMG!"
"Ben, wag kang mag-alala, magkakaroon ka din ng date. Okay? Chika ko sa'yo mamaya 'yung detalye! Kasama ko ngayon si Luis, girl. Bye bye!"
"Ano? Teka--" Bago ko pa man matapos ang sasabihin ko ay pinatay na ni Kyle ang tawag. Ang babaeng 'yun talaga, kahit kailan.
Pagkatapos naming mag-usap ni Kyle ay dumeretso na ako sa parking lot at uuwi na sana ako nang may tumawag sa pangalan ko. Si Dylan.
"Uy, Benice!" At noong ngumiti siya ulit ay hindi ko na naman napigilan ang pagkabog ng dibdib ko. Ano ba ang epekto niya sa akin?
"Dylan, hello. May -- uh, may kailangan ka ba?"
"Ilang buwan pa lang ako dito sa school na to, at JS na pala sa Sabado."
"Oo, medyo alanganin ba sa'yo?" pagbibiro ko sa kaniya.
"H-ha? Hindi, ano ka ba," sabi niya at natawa. Napakamot na naman siya sa ulo niya. Nahihiya ba siya sa akin? Namumula na naman siya. "May itatanong sana ako sa'yo?"
"Oh, sure. Paano ba ako makakatulong sa'yo?"
"Benice, pwede mo ba akong samahan sa Sabado? Plano ko kasing gawing pinakamasayang gabi ng buhay ko ang JS Prom, at gusto ko sanang kasama ang pinakamagandang babae na nakilala ko."
Naranasan niyo na ba na sobrang lakas ng kabog ng dibdib niyo? 'Yung ang kulang na lang ay lumabas ito sa dibdib mo mismo. Pakiramdam ko ay umakyat na rin ang lahat ng dugo at init sa mukha ko at alam kong namumula na ako nang matindi. At lalo pa akong sumabog sa lahat ng nararamdaman ko na hindi ko maipaliwanag noong lumuhod siya at naglabas ng isang boquet ng bulaklak.
Sunflowers.
Paano niya nalaman?
"Dylan..."
"Is that a yes, or a no?"
Isa akong tanga at sinungaling kapag sinabi kong hindi ko gusto. At kapag sinabi kong si Patrick pa rin ang inaalala ko dahil sa pagkakataong ito, alam kong hindi ko naramdaman sa kahit na sino ang pakiramdam na ganito.
"Yes, Dylan. Let's have the best night of our lives, together."
BINABASA MO ANG
Afraid to Fall
RomanceAfter being heartbroken by her boyfriend, Benice struggles to move on. She finds herself building walls to protect her own heart from being broken again by loving someone who will definitely just tear her apart, once again. But will she learn to ope...