Chapter 12 The Search Is Over

4 1 0
                                    

Kasama nina Rleo at Vleo ay naglakbay sila patungong Deriwa upang hingin ang payo ng punong helento tungkol sa tinakda.

"Seryoso ka ba talaga lagi, Jichael. Hindi ganiyang ang awra mo kapag kasama mo Allison." Puna ni Rleo.

At dahil wala siya sa huwesyong kausapin ito ay tingin lang sagot niya rito. Mas abala siya sa pag-iisip kung paano matatakasan ang misyon. Gusto niya nang makita ang dalagang ilang gabi ring laman ng panaginip niya.

Salamat sa magulang ng kambal na imbes na isang bundok lang tatawirin nila ay naging apat. Mula sa unang gabi nila ng paglalakbay ay hinila sila ng mga ito papuntang Marto gamit ang hiram na mahika.

"Nabalitaan naming nasa Agela kayo para  maglalakbay sa Deriwa." Panimula ng ama ng kambal.

"Ama naman hindi na namin maaaring ipagpaliban ang misyong ito." Naiinis na sagot ni Vleo na unang nilapitan ng ama nito. Bakas sa mukha nitong hindi ito sang-ayon ang nangyari.

"Vleo anak, sa tagal nyong nawala ni Rleo ay ganiyan pa ang ibubungad mo samin." Natatampong sabi ng ina ng mga ito.

"Celeste, mali naman kasi ang paraang ginawa mo."

"Klet naman! Ginusto mo rin naman nito." Balik-bintang nito sa ama ng dalawa.

"Ina naman. Dapat nagpadala ka man lang ng sulat saming gagawin mo ito. Hindi sana namin binilin kay Nessa na abangan kami sa Deriwa." Gatong ng Rleo ngunit niyakap nito ang ina. "Pero masaya akong makita kayo ni Ama."

"Dito na kayo magpagabi. Ina nyo na ang bahala sa inyo bukas." Akay ang ama nito sa kanila.

Ngunit dahil hindi kabisado ng Ina ng kambal ng mahikang ginamit nito noong hatakin sila ay pumalya ito sa ikalawang subok nito.

"Huwag mo nang isipin ang mga bundok na nadagdag sa tatawirin natin, Jichael. Makarating din tayo roon at makikita mo rin si Allison. Sinigurado naming ligtas siya bago namin sila iwanan." Pukaw ni Vleo sa kanya.

"Huwag mo akong pangunahan. Hangga't hindi nakikita ng sariling mata ko si--"

"Sa amin ka pa nag-alangan. Ano naman ang gagawin namin kay Allison? Baka nga.." Natatawang sabi ng isa sa kambal.

"Rleo!" Awat ni Vleo sa kambal.

Napabuntong hininga na lang siya. Ayaw niya nang gulo. Suko na siya. Hindi na sila magkakasundo ang kambal. Masyado nang magulo ang nakaraan nila.

"Ano ba talagang kinalulungkot mo, Jikey?" Muling usisa ni Rleo gamit ang palayaw niya. Hindi na lang iyon pinansin.

"Marami." Matipid niyang sagot. Kabilang na roon ang nalalapit niyang tadhana.

Natawa na ito nang malakas. "Magkapareho talaga kayo ni Vleo. Di ko alam saan nyo hinuhugot ng lungkot niyo."

"Wag mo kaming tawanan Rleo. Darating rin ang araw na makakadama ka ng lungkot." Mahinang sagot ng kambal nito

"Sana lang hindi ako magaya sa inyo. Ayoko ng ganiyang mukha." Pang-aasar nito.

Hindi na niya maiwasang mapangiti. Naaalala niya kung paano asarin noon ni Rleo si Vleo.

"Bakit kasi ayaw mo pang amining may gusto ka kay Gennie?" Panimula nito nang pumasok ang mga ito sa silid aklatan ng Deriwa.

Mahigit limang buwan na rin silang nag-aaral ng mga mahika at pisikal na pakikipaglaban. Pero sa araw na iyon ang pamamasyal nila sa siyudad. Ngunit nagpaiwan siya.

Simula nang magkwento ang helento tungkol sa tinakda ay hindi na mawala sa isip niya tungkol sa dalaga. Naging abala siya sa pagkilala sa misteryosang tinakda na nakatira sa ibang dimensyon.

Ageless DimensionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon