CHAPTER XII
Nagdaan pa ang dalawang araw at nadischarge na rin si Arbie. Inayos ko na rin ang kanyang papeles at binayaran ang bills sa ospital. Paglabas namin sa ospital ay tinungo na rin naming ang police station at nagfile ng blotter si Arbie. Matagal rin ang pag-uusap ni Arbie at ang tinyente sa police station. Pagkatapos namin ay umuwi na kami sa apartment ko.
“Bro, dito ka nalang muna magstay sa akin. At least, maaalagaan kita” tugon ko sa kanya.
Hindi na rin siya nakipagtalo pa sa akin at minabuting mamahinga na rin sa room ko.
Pinagluto ko siya ng paborito niyang food na carbonara. Gusto ko kasi siyang sorpresahin at kahit papaano maipakita ko naman sa kanya ang pag-alala ko bilang kaibigan.
Oo nga, bilang kaibigan lang pero sana kahit sa ganitong paraan ay maramdaman rin ni Arbie na malalim talaga ang aking nararamdaman sa kanya.
Pagkatapos kong maluto ang carbonara ay tinungo ko ang room niya. Bubuksan ko na sana ang pintuan ngunit narinig ko siyang may kausap sa phone niya.
“Bhe, ok na ako. Andito ako ngayon sa apartment ng best friend ko. Huwag ka nang mag-alala. Ok? I love you.”
Nang narinig ko ang mga katagang binitawan ni Arbie ay sabay ding nabitawan ko ang hinahawakang bowl na may carbonara.
Nagulat ako kasi hindi ko halos maisip na maiinlove na rin si Arbie. Masakit para sa akin ang narinig ko. Parang kinukusot ang aking puso. Hindi ko alam kong ano ang gagawin ko. Ibinigay ko lahat-lahat na makakaya ko pero parang huli na ako.
Nasa ganoon akong sitwasyon ng lumabas na rin si Arbie.
“Bro what happened?” tanong ni Arbie habang nakatingin sa nabasag na bowl.
Hindi na ako nakasalita at sadyang yumuko nalang.
“Wow bro! You surprised me! Ikaw ba ang nagluto nito?” tanong niya.
Nakayuko pa rin ako sumagot na rin
“Oo” maikli at pilit kong sagot sa kanya.
“Are you okay bro?” tanong ulit ni Arbie.
Gusto ko siyang harapin at sapakin. Gusto ko siyang sigawan at suntukin pero hindi ko magawa. Ano ba ang karapatan kong magalit or magselos? Eh diba nga “KAIBIGAN LANG AKO?” sa isip ko lang.
“Ahh… o.. o.. K. lang aaa.. kkkoo.” Sapilitan at putol-putol kong sagot.
Hinarap ko na rin si Arbie at patuloy pa rin siya sa pagtitig sa akin.
“Sorry Arbs, nabitawan ko ang bowl mainit kasi” tugon ko sa kanya.
(Alam niyo. Masakit talaga ang umasang mamahalin ka ng taong hindi ka naman kayang mahalin na mas hihigit pa sa pagiging mag-kaibigan. Pero bakit ganito? Mali ba ang magmahal? Kung mali nga, bakit naman naranasan ko pa ito?)
Niligpit ko ang nabasag na bowl at inalalayan naman ako ni arbie.
“I’m okay Arbs, doon ka na sa kusina. Ako na ang bahala dito. Kumain ka nalang diyan kung gusto mo.” Monotonic na sambit ko kay Arbie.
Nakatitig pa rin si Arbie sa akin at hindi ko na lang siya pinansin.
Maya’t-maya ay nagring ang phone niya.
“Hello bhe?” si Arbie habang tinutungo ang kusina.
Mas lalong pumatak ang mga luha sa aking mata. Bakit ganon? Sa isip ko lang. pinunasan ko muna ang aking mukha para hindi makita ni Arbie ang mangiyak-ngiyak kong mata.
Pumasok muna ako sa cr at naghilamos ng mukha.
Paglabas ko sa CR ay nakita ko namang hinanda ni Arbie ang dalawang bowl na may carbonara.
“Tara bro, kain tayo. Gusto ko ako ang susubo sa iyo ha?” tugon ni Arbie.
“Ha? Huwag na bro. kaya ko naman.” Sagot ko sa kanya.
Hindi na rin ako pinilit ni Arbie at kumain nalang kaming dalawa.
Tahimik kaming kumakain. Parang nakiki-pagramdaman sa bawat kilos.
“Bro, alam mo parang maiinlove na ako” ang tugon ni Arbie habang patuloy pa rin sa pagkakain.
Hindi na ako nagsalita at pinilit ko nalang na ngitian siya kahit masakit.
“Finally, siguro magiging masaya ka na rin at sa wakas may patutunguhan na rin ang mga ginagawa mo.” Mahinahong paliwanag ko sa kanya.
“Oo nga. Ang tanga ko nga eh. Sa kadinami-daming lalaki na dumating sa buhay ko at hinintay ko pang mangyari ito sa akin para lang maramdaman ko na umiibig din pala ako” mahabang tugon ni Arbie habang nakamasid pa rin sa akin.
“I’m happy for you Arbs. Gusto ko siya makilala” sambit ko sa kanya at uminom ng tubig.
“Sige bro, makikilala mo rin siya baling araw. Pero sa ngayon sa iyo muna ang attention ko” sambit ni Arbie habang nililigpit na niya ang kanyang kinakain.
Masaya na rin ako sa kanyang binitawang salita. Kahit ganon lang ay masaya na ako at kahit papaano maranasan ko rin na makakasama ko si Arbie. Ang tanging best friend ko. Ang tanging mahal ko at mamahalin habang buhay kahit wala akong aasahang kapalit. Masakit man pero bahala na…
Naging ganoon an gaming set-up ni Arbie.
For the mean time sa apartment ko pa rin siya nagpapagaling.
Bawat araw na magkasama kami ay nilagyan ko ng kulay at buhay. Ipinadama ko sa kanya ang aking nararamdaman.
Kahit hindi ko alam kong ano ang pupuntahan ng mga ginagawa ko sa kanya pero alam ko na tama ang ginagawa ko dahil dito ay nagiging masaya ako.
BINABASA MO ANG
Lucky I'm Inlove With My Bestfriend (boyxboy/yaoi/m2m)
Teen FictionIntroduction: Akala mo ba ayoko sa'yo? Well, nasasaktan din ako dahil hindi pwedeng maging tayo! Tangina mahal kita, ano ba?