Tagamasid:
Bakit ika’y tanga?
Alam mo na, ba’t nagbubulag-bulagan pa?
Dumilat at ng iyong makita.
Paligid mong makulimlim sa twina.
Sa sala mo wag ng magpatuloy pa.
Lakad mong baluktot ituwid na.
Ako:
Di ako bulag at lalong di ako tanga.
Nakadilat ako at aking nakita.
Paligid kong ito bakit makulimlim nga ba?
Sinubukan kong umalis ngunit di ko nakaya.
Ako’y pagod na at ako’y suko pa.
Puso ko’y anong bigat sa tuwi-tuwina.
Tagapayo:
Bakit ika’y ganyan at parang talunan?
Nalimot mo na ba na ika’y may tanggulan?
Paligid mo’y madilim sapagkat lumayo ka.
Sa ilaw na maningning na nagmumula sa kanya.
Ba’t di ka manalangin at tumawag sa kanya.
At tiyak na ika’y tutulungan nya.
Ako:
Ako’y tumawag, makailangang ulit na nga ba?
At ako nama’y palagiang dinidinig nya.
Ngunit anong gagawin kung paulit-ulit lang.
Ang paglayo at pagsuway sa kanyang maibigan.
Wala na kong mukhang ihaharap pa.
Pagka’t baka sa makalawa talikuran ko rin sya.
Tagahabla:
Hahaha.. tama ika’y walang pag-asa kaya’t manahimik na.
Sabi mo ika’y ligtas, ika’y ligtas nga ba?
Dilim ang sa iyo’y bumabalot,
Putik naman ang sa iyo’y kumukumot.
Gawa mong mabuti ay malilimot.
Sa iyong pagpapagal ika’y nilulumot.
Saksi:
Nakita kita ng ika’y gumising, d nagbasa ni hindi nanalangin.
Inalmusal mo’y pag-iisip ng hindi marapatin.
Binihis mo nama’y ngiting sinungaling.
Nagsuot ng maskara atsaka nagsalamin.
Kinubli ang mantsang sa iyong kasuotan napansin.
Tinakpan mo at binalewa imbes na linisin
Ako:
Oo na.. oo na ako’y marumi at walang kwenta.
Sa tingin mo di ko alam?
Sa tingin mo di ko ramdam?
Sa tingin mo ito’y aking nagugustuhan?
Wala akong sa iyo’y maidadahilan.
Wala akong sa iyo’y maikakatwiran.
Wala na kong alam gawin.
Wala na kong alam sabihin.
Maghihintay nalang na ako’y sagipin.
Panalangin ko wag lang pagtagalin.
Pagkat puso ko’y unti unting napapata.
Baka paglaon wala ng damdamin.
Tagapayo:
Palagian ka nalang bang ganyan.
Na para bang paghihirap ay walang katapusan.
Sino bang matuwid at sino bang walang sala.
Sabihin mo at ng aking madambana.
Simula pa sa simula wala na hindi ba?
Kaya nga si Hesus sa krus ay nagdusa.
Tumawag sa kanya at magpalinis na.
Pagmamahal at pagpapatawad sa iyo’y nakalaan
Lilinisin, dadalisayin at ililigtas ka.
Ang bukas ay siyang may hawak kaya wag itong ipangamba
Lumapit sa kanya at ang ngaun mo’y ibigay na.
At natitiyak kong tatanggapin ka.
Tagahabla:
Huwag kang makinig sa mga sinasabi nya
Pawang kasinungalingan at walang kabuluhan.
Ako:
Manahimik kana.
Ako’y nakinig at ako’y nagmuni.
Ako’y nagdasal at ako’y nagsisi.
Pagmamahal nya ay tunay at sapat.
Tamang wala akong magagawa saking sariling pagsisikap
Pagkat kabanalan ko kay Hesus nagbubuhat.
Puso ko’y pumanatag
Isip ko’y napahinga.
Sigla ko’y nagbalik ng dahil sa kanya.
Di ko hawak ang bukas ngunit ako’y walang kaba
Dahil alam kong ito’y nasa kamay nya.
Salamat po o Diyos ko at ako’y niligtas mo.
Pinatawad dinalisay at minahal ng totoo.