CHAKAHAN 1

3.3K 59 1
                                    


PANIMULA

Paulit-ulit na sinasabi sa akin ng guro ko sa literature na ang tao kung bakit nabubuhay sa mundo ay may misyon syang gagawin at dapat tapusin. Dagdag nya pa ay may nagsasabi rin na tao muna bago ang misyon, at may nagsasabi rin na nauna ang misyon para gawin iyon ng tao. Mayroon ding naniniwala na ang tao mismo ang sentro ng mundo at sya ang gumagawa ng kapalaran nito.

Sabi pa ng teacher ko, apat lang na pilosopiya ang syang gumagana sa mundo. A battle of marxism, essentialist versus existensialist versus humanist. At sa apat na iyon ay mas lamang ang marxism dahil halos araw-araw ay nakakasalamuha natin iyon, kahit saan man tayo magpunta, at kung sino man ang makaharap natin.

Minsan tinatanong ko sa sarili ko na kung bakit kaya ako naging ganito? Bakit may pangit at magaganda sa mundo? Kung bakit may mga mayayaman at mahihirap? Sabi nila nagbibigay raw ng balanse iyon sa mundo pero parang hindi naman dahil mas nagbibigay pa nga iyon ng gulo, nagdudulot ng pangungutya at ng kasamaan sa kapwa. A social conflict creates a barrier between the two world.

Isa pa na elemento o gulo na bumabalot sa buhay ng tao sa mundo ay ang pagiging racist ng ibang tao. Yung tipong pili lang ang kanilang pinapaboran, yung tipong mamahalin at tatanggapin ka nila base sa kanilang standard.

Racism na syang nagiging dahilan kung bakit merong komplikadong takbo ang mundo. Pula sa dilaw, itim sa puti. Paniniwala sa paniniwala, pagsasagupaan ng dalawang hindi pantay na sistema. Pagsasagupaan ng dalawang awitin na meron kanya-kanyang tono at kwento. Ang hindi pagkakaintindihan ng dalawang mandirigma, na mauuwi sa madugong pagpalitan ng espada.


THIS STORY IS BASE ON THE EXPERIENCE OF THE AUTHOR. Nilagyan lang ng twist para kavouge!



Chapter 1  

Minsan naaawa nga ako sa sarili ko dahil sa palagi akong tampulan ng tukso. Yung tipong mula sa pag gising ko hanggang sa pagtulog ko ay puro panlalait ang naririnig ko mula sa mga mapang matang mga tao.

Yung feeling na hindi na nga ako kagandahan, hindi rin maganda ang takbo ng buhay ko. Yeah,nakakaumay na plot sa isang kwento di ba? Pero binabasa mo parin, hahaha. Sige continue ko na ang pag monologue ko, so hayun na nga, di na nga kagandan ang mukha, pati pa ang buhay pinagkaitan ng tadhana, at plus mo pa ang pangalan ko na halos kasumpa-sumpa. Kung may choice lang ako ay nagpa binyag ako ulit para mabago ang pangalan ko na tampulan ng tukso.

"Victorina Kampupot nandito na ba sa klase o nang hoholdap pa?"

"Victorina pakisuyo naman, pakibigay to sa dean ng department of Liberal Arts"

"Victorina, pakilinis naman dito sa room, ang kalat ehh"

'Di ba ang bantot ng name ko? Victorina Kampupot! Panget na nga ang mukha, panget din pati ang pangalan!

"Ganyan talaga... wala ka nang magagawa, dahil ang itsura mo ay pang low level, kumbaga hindi pang sala, pang kusina lang!" Turan ng kaklase kong babae noon sa akin.

Dahil sa sinabi nila sa akin ay akala nila bababa na ang self confident ko, mawawalan na ako ng tiwala sa sarili ko, at higit sa lahat parang namatayan na ako ng pag-asang gaganda ang buhay ko? it's a big NO. Huwag na huwag nila akong ismolin dahil palaban ako at pinaglihi ako sa sabong at wala sa vocabulary ko ang salitang sumuko. Instead, ginagamit ko ang mga panlalait nila sa akin para palakasin ang sarili ko. Ika nga nila, ang ating kahinaan ay maari nating gamitin para maging lumakas tayo sa paglaban sa hamon ng buhay.

Meron nga akong kasabihan ehh, Panget man ako sa kanilang paningin, eh di wag silang tumingin sa akin. Pero kahit panget ako ay bawing-bawi naman sa katalinuhan.

Mahirap Kapag Chaka (Under Revision)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang