Hi Mahal,Ang tagal na rin pala no?
Matagal-tagal na rin noong huli tayong nagkita at nag-usap. Kaya matagal na rin noong huli kong narinig ang mga salitang "mahal kita" mula sayo.
Dalawang salita. Dalawang salita lang yun. Pero bakit sa twing naririnig ko yon mula sayo, para akong tanga na bigla-bigla nalang matatameme habang nakatingin lang sayo at sinasabi sa sarili na...
Ang swerte swerte ko.
Ang swerte ko sa babaeng ito dahil mahal niya ko. Swerte ako kasi dumating siya sa buhay ko, sa buhay ko na puno ng sakit at pait. Na sa kabila ng lahat ng pinagdaanan ko, meron pa rin palang darating na magpapabago ng lahat ng yon.
At ikaw yon, Mahal.
Ikaw ang nagturo saakin kung paano magmahal at magtiwalang muli. Ikaw ang nagturo saakin na maging matapang at maging handa sa hinaharap. At ikaw din ang nagturo saakin na mahalin ang sarili ko.
Kaya mahal, may tanong ako.
Naaalala mo pa ba yung araw na tinanong kita kung pwede ba kong manligaw sayo? Naalala mo?
Naaalala mo pa ba yon?
Baka hindi na no? Baka hindi na nga. Katulad nalamang ng paglimot mo saakin.
Sa atin.
Sa nakaraan natin...
Mahal, walang araw na hindi kita naiisip. Walang araw na hindi ko hinihiling sa Maykapal na sana...sana tayo parin hanggang ngayon. Na sana hindi ka nalang nang-iwan noon. Na sana hindi ka nalang bumitaw at sinubukan mo pang lumaban.
Akala ko sapat na dahilan na, na mahal mo ko para di mo ko iwan pero nagkamali ako. Nagkamali nanaman ako. Akala ko kasi, lahat tama pagdating sayo. Akala ko kapag mahal mo ang isang tao, hindi mo siya iiwan.
Pero bat ikaw? Bakit ikaw iniwan mo ko? Bakit?
Mahal, sabihin mo nga...
Saan ba ko nagkulang? Sa pagpapaalala ba sayo kung gaano ka kaganda? Kung gaano ko kagusto ang mga ngiti at tawa mo?
Mahal, dahil ba talaga don?
Sabihin mo naman mahal oh, kasi mababaliw na ko. Mababaliw na ko sa kakaisip kung bakit.
Kung bakit sa kabila ng lahat ng ginawa ko para sayo iniwan mo parin ako. Gabi-gabi, palagi akong binabalikan ng mga ala-ala natin.
Lalo na nung araw na iniwan mo ko...
Sa kung paano mo binitawan ang mga salitang hindi ko naman talaga inaasahan mula sayo.
"Ayoko na...."
"Hindi ko na kaya..."
"Maghiwalay na tayo...."
Mahal, ang sakit. Sobrang sakit.
Hindi ko magawang makapagsalita noon dahil natakot ako na baka kapag binuka ko ang bibig ko, luluha ako. Kaya naman yumuko nalang ako.
Yumuko ako para hindi ko makita ang mukha mo. Para hindi ako maiyak sa harapan mo. Kasi ang sakit makita na parang okay lang sayo yon.
Na okay lang na mawala na ko sa buhay mo.
Mahal, isa pang tanong ha?
Saan ba ko nagkamali?
Gusto kong sagutin ang sarili kong tanong at sabihing nagkamali ako sa pagmamahal sayo pero hindi ko magawa. Hindi ko magawa kasi alam ko na sa lahat ng pagkakamali ko sa buhay ko...
Ikaw lang ang tama. Ikaw lang ang tamang nangyari sa buhay ko. Sayo lang ako sigurado.
Sayang tayo no?
Kaya Mahal, kung sakali mang mabasa mo 'to. Tandaan mo na nandito lang ako. Maghihintay para sayo...na kung sakali mang gusto mong bumalik...
Tatanggapin pa rin kita. Mahal kita eh.
Mahal...
Miss na kita.
BINABASA MO ANG
Mensahe
PoetryIba't ibang mensahe para kay ex; Mga kwentong pag-ibig. Trik-C 2017 ©