Sabi nila, masarap daw magmahal. Masarap daw sa feeling yon lalo na't kung yung taong minamahal mo, ay minamahal ka rin niya pabalik.Parang dinaig mo pa nga daw yung nanalo sa lotto at bingo sa sobrang saya ng mararamdaman mo. Para ka lang daw lumulutang sa alapaap.
Kaya lang, naisip ko...
Paano yung mga hindi minamahal pabalik? Yung mga iniiwan lang? Yung mga binabalewala lang?
Paano naman sila?
Diba ang sakit? Ang hirap para sakanila?
Kaya nga ako....palagi kong sinasabi sa sarili ko na kailanman...Kailanman, hindi ako magpapakabaliw sa pag-ibig na yan. Na kailanman hindi ko isusuko ang sarili ko sa para lang sa iba. Na kailanman hindi ako magpapabihag at magpalatali para lang sa ibang tao.
Matatag kasi ako eh...ang tatag-tatag ko.
Yun ang inakala ko.
Kasi sa sandaling nagtama ang mga mata naming dalawa, alam ko na kaagad e. Alam ko na, na kakainin ko lang lahat ng sinabi ko.
Kasi sa sandaling yon...
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko...
Hindi ko mawari kung dahil ba yon sa kaba o dahil nasa harapan ko na pala ang taong mamahalin ko. Ang taong magpapaniwala saakin na hindi lahat ng nagmamahal ay tanga.
Buong buhay ko, nagpakatatag ako. Naging matapang ako dahil laging pinapaalala ng Papa ko saakin na...
Kahit babae ako, dapat parin akong lumaban. Kailangan ko paring maging matatag at palaban. Na kailangan kong maging handa sa lahat ng pwedeng mangyari.
Kaso, eto na ko e...nahulog sa patibong ng pag-ibig. Kaya naman may tanong ako...
Handa nga ba ko?
Para na siguro akong tanga sa paningin niyo dahil nagawa ko pang itanong yon gayong alam ko naman talaga ang sagot.
Ano ba talaga ang sagot?
Hindi...diba? Hindi pala ako handa.
Paniguradong isa na rin ako sa mga "baliw" sa pag-ibig. Isa na rin ako sa mga taong umaasa, sa mga taong naghahangad at nanlilimos ng pagmamahal.
Nakakatuwa naman din pala ako no?
Ang sabi ko noon...kailanman hindi ako magiging katulad nila. Anong nangyari ngayon?
Heto ako, nagmamahal kahit ang sakit sakit na. Oo naging kami, oo sinabi niya na mahal niya rin ako. Ang saya ko...ang saya saya ko non.
Pero ano na nga bang nangyari sa amin ngayon?
Wala na...
Wala na siya.
Wakas na para sa aming dalawa...
Naaalala ko pa nga noong gabing sinabi niyang, "Itutuloy pa ba natin 'to?" Tinanong niya ko kung kaya ko pa ba, pero ang sinagot ko lang ay...
"Ayaw mo na e...bakit pa natin itutuloy?"
Akala ko sasabihin niyang gusto niya pa. Akala ko ipaglalaban niya pa. Pero hinde...Tumango-tango lang siya at hinayaan ko lang. Hinayaan ko siyang iwan niya ko.
Bakit ko nga ba nagawa yon?
Dahil siguro sa ayokong magmahal ng ako lang. Ayokong ipaglaban ang pag-ibig ko kung alam ko naman na sa dulo...sa dulo ako parin ang talo. Na ako ang kawawa.
Noong gabing yon...
Hindi ko man lang nagawang umiyak. Hindi ko man lang siyang nagawang habulin at sabihing wag niya kong iwan. Bakit?
Dahil tanggap ko na sa aming dalawa, ako yung talo. Ako yung kulelat. Tinanggap ko ng buong puso yon kahit na sa kaloob-looban ko ay para na kong dinudurog.
Kaya lang naalala ko, naalala ko lahat ng masasayang sandali namin. Sa kung paano niya hawakan ang kamay ko at sa kung paano niya halikan ang noo ko. Sa kung paano niya sabihin ang mga 3 salita at walong letrang yon...
I love you...
Napangiti ako habang inaalala yon.
Kasi naalala ko na minahal niya naman din pala ako kahit papaano. Naramdaman ko yon. Naramdaman ko yung pagmamahal na yon at ang saya-saya lang.
Ang saya sayang marinig ng "mahal kita" mula sa taong mahal mo. Pero masaya pa rin ba yon kahit na mas ikaw yung nagmahal?
Bago siya umalis noon...nagsalita ako na siyang kinatigil niya. Hindi siya nakasagot dahil alam niyang totoo ang sinabi ko...
"Minahal mo ko, diba? Pero mas minahal nga lang kita."
Pagkatapos non...
Umalis nalamang siya at hindi na muling lumingon saakin.
Pabalik sa akin.
BINABASA MO ANG
Mensahe
PoetryIba't ibang mensahe para kay ex; Mga kwentong pag-ibig. Trik-C 2017 ©