Pagkagising ko . Nagtrip nalang ako . Nagpunta ako ng mall mag-isa. E sa gusto ko gumala eh. Ilang taon na ba nung huli ko ginawa toh? 5 years ago. Nung hindi pa kame ni Andrew. Kaya nga dito kame nagkita sa mall eh. My tinitignan kasi ako na damit. E bibilin ko sana un para sa kuya ko. Birthday gift ko sa kanya. Nasa SALE kasi tapos isang stock nalang bawat size. Aba pagkuha ko kinukuha din nya. Sya daw nauna. Gigil na gigil ako. Hinaltak ko nga. Ayun. Tawang tawa sya sa reaction ko. At dun n nga nagsimula ang lahat. Ayoko ng idetalye noh nakikitsismis lang kayo eh. :P
"Saan kaya masarap kumain? Alam ko na. Maitry nga sa Karate Kid. Masarap daw dun sabi ng pinsan ko ." O diba. mukha akong sira. Kausap ko po ang sarili ko .
Umorder nalang ako ng Katsudon Fried Tempura Maki kasi di ko naman kilala ung mga pagkain nila. Mukha kasing masarap eh. hehehe. Nakakita ako ng bakanteng upuan. Dun sa kita ung labas. Nakakalahati ko na ung kinakain ko ng mapalingon ako sa gilid ko . Ung dun sa labas. Meron palang katapat na restaurant ito. At parang tulad din ng pwesto ko . Kita din ung nasa loob. Pagtingin ko dun sa nakaupo sa loob , biglang parang may sumundot na kung ano sa akin.
"Si Andrew ba un?" Tanong ko sa sarili ko. Pakiramdam ko nanginginig ang boses ko kung isasaad ko un. "No, it's not him." Hindi, sya un. Sabi ng puso ko. Dahil kilalang kilala ng puso ko si Andrew. Lalo akong kinabahan nung makita ko ung kasama nyang babae. Si Hannah. Ex-girlfriend ni Andrew. Para makasiguro tinawagan ko ang number niya.
Kring.. Kring.. Kring.. Kring.. Nakaapat na ring bago sinagot. Laking gulat ko ng dumukot din ng cellphone ang lalaki .
"Hello Belle?" Sabi ng nasa kabilang linya.
"Ahmm.. Andrew. Nasaan ka ngayon?" Garalgal na boses ko sa pagtatanong.
"Hmm.. nasa resto ako. May kausap na client."
"Ah.. ano ang kulay ng suot mo?" Gusto ko pa din manigurado.
"Ha? ano ba yang tinatanong mo. Bakit nasan ka ba? Nasa labas ka ba? Saan ka?"
BINABASA MO ANG
You said it's Forever (One-Shot)
RomanceForever means eternity? or forever means a lie?