“ATRACTION”
Second day ng class tanging nasabi ko na lang sa sarili ko habang napapa-buntong hiningang naka tayo sa labas ng gate ng school. Napakamot ako ng ulo, ang lalaking yun di man lang ako ginising at di lang yun iniwan pa akong pumasok mag isa. Di man lang nag alarm yung alarm clock nakalimutan kong di ko pa pala napapalitan yung battery.Mag kanda ligaw-ligaw na ko. Mabuti na lang di ganun ka layo ang school. Kaya okay lang kahit lakarin. Nakaka pipikon na talaga. “nako!! sasakalin talaga kitang allen ka” as if namang kaya ko diba? Chill chill at kalma ng sarili na lang pag may time. Ni hindi ko pa nga nagagawang taasan siya ng boses. Nakakatakot kasi siya pag nag sisimula ng tumaas ang kilay niya. Eh pano pa pag nag salubong na? scary talaga. L
“hindi kaba papasok?”
Isang boses mula sa isang lalaking nasa aking likuran. Ang boses niya masasabi mong kahit di mo pa nakikita, sa boses pa lang masasabi mo ng isa siyang magandang lalaki. Agad kong hinanap ang pinanggalingan ng boses.
“eh?” ang katagang siyang tangi ko na lamang na banggit. Agad na lamang ako napa lunok ng sunod-sunod. Muli ko itong tinignan ng mabuti mula ulo hanggang paa. Hindi ko magawang,hindi alisin ang paningin ko sa kanyang mukha.
“ang sabi ko hindi kaba papasok? Nag bell na kasi at malalate ka kung tatayo ka na lang diyan.” Muling tanong nitong patuloy pa rin sa pag kakatitig sa akin.
“eh? Nag bell na?” balik na tanong ko. Paki ramdam ko napa-pahiya ako dahil sa ginagawa ko. di kaya nahahalata niyang masyado ko tinitignan ang mukha niya? Na iimagine ko tuloy kung ano ang itsura ko habang naka nga-ngang nakatingin sa kanya. Kulang na lang tumulo ang laway ko.
“oo, hindi mo ba narinig?” kunot noong tanong niya. Sabay pasok ng dalawang palad sa mag kabilang bulsa ng uniform niya at napangiti.
“nako po!! Malalate nga ako!!!!” Pasigaw na sabi ko habang nag mamadaling tumatakbo papasok ng campus. Ano ba naman tong utak ko. Kay aga-aga tulog na naman. Bigla ako napahinto ng maalala ko ang lalaking nakita at naka-usap ko sa labas. Agad akong lumingon para tignan kung saan ko siya huling nakitang nakatayo, ngunit hindi ko na siya magawang makita dun. Siguro pumasok na rin siya. Di manlang ako naka pag pasalamat sa kanya. Muli ako nag madaling mag lakad nang marinig ko ang pangalawang bell hudyat para mag simula na ang klase.
Nabunutan ako ng tinik ng makita kong wala pang teacher na mag-tuturo para sa unang subject. Agad akong pumasok at umupo sa upuan. Katulad kahapon mas pinili KO pa ring umupo SA likoran kung san mas komportable ako. At di gaano pansinin pag may discussion. Agad akong napangiti ng makita ko si aron na nakangiti. Habang tinuturo ang bakanteng upuan sa tabi niya. Kinapa ko ang panyo sa bulsa. Para sana punasan ang pawis sa pisngi ko ng di ko na makapa na kanikanina lang e hawak ko pa.
Agad akong napahinto sa pag hanap ng panyo ng tawagin na ako ng aking beki bebe friend... ahhhhh L kay sarap lang sa pakiramdam kung may ganitong ka pogi ang tatawag sakin para tumabi sa kanya. Malas ko lang pareho kaming lalaki din ang gusto. What a disaster feeling... so ouch yah know.L Nag simula uli ako mag lakad paupo sa upuan. Na ikinagulat ko ng bigla niyang hawakan ang kanang braso ko.
“may bago na namang lipat daw ngayon sa school tulad mo. And well ang rumor pareho daw me dating ang mga otoku. Yern nga lang more ang saying na mas fafabells daw yung kasabayan mong transferee kahapon. Sayang lang di ko siya nakita. Pero mamaya sisilayan ko sila both and judge kung sino ang mas bet... diba? Diba? J am i so bright? “. Kinikilig na wika nito. Kung ganun pala hindi niya nakita si allen kahapon. Dahilan para ika ngiti ko.syempre no comment ako dahil involve ang mamang allen. Baka pag nag salita ako di ko pa mapigilan ang bibig ko. Masabihan Ko pa ng hindi maganda dahil sa pag iwan niya sakin ngayong umaga. Mahirap na mukhang sigurado akong magiging tagahanga rin niya tong baklang to pag nakita siya. Bilang tugon agad na lamang akong ngumiti.
“may bago na naman lipat, at ang usap usapan e gwapo rin daw. Kung palagi Lang Sana gwapo ang mga treansferee SA school na to edi maganda. Para ganahan naman ako pumasok.” Seryosong wika ni tina kay addy. habang nakatingin sa salamin at naglalagay ng lip gloss sa labi. Highschool pa lang kung maka pag ayos sagad na. pano pa kaya pag nasa college na?
“talaga? Di nga? Pano mo nalaman?” kinikilig na tanong ni addy kay tina. Na halatang di mapakali sa kina uupuan hanggat hindi nakikita ang lalaking sinasabi nito.
“narinig ko lang ng dumaan ako sa guidance sa dami ba namang feelingera dito sa school na to sino ba naman ang di agad makakaalam.” Muling wika ni tina na wala pa ring pakialam. Infairness nakikita ko sa mukha niyang wala siyang pakialam sa bagong transferee. Anyare teh?!!
“wa pakels ang peg? No comment?” gulat na tanong ni addy kay tina.
Na agad namang tinaas ng kilay ni Tina na halatang di nagustohan ang sinabi ni Addy. Agad namang natahimik si addy.
“hahaha nakakatawa naman yang mukha mo addy... bish!!!!!! natakot ba kita? Syempre wa ako paki kasi para sakin si allen na ang pinaka poging lalaking nakita ko sa buong buhay ko. stick to one na ako. Sayo na yung bago kung gusto mo.” Kinikilig ang bruha habang nag kukwento tungkol kay allen. Kaya naman pala. Di hamak na mas gusto niya talaga ang mamang allen.
Speaking of allen, ano kaya ang ginagawa ng lalaking yun? Naiisip man lang kaya niya kung naka pasok ba ako? O kahit man lang sana tignan ako dito para masigurong nakarating ba ako ng maayos. Sana ma konsensiya siya sa pag-iwan sa akin. Di man lang ako ginising. Alam naman niyang hindi ko pa gaanong alam ang daan pasikot-sikot. Halos nakailang kanto din ako bago ko makita ang school. Napakahirap ng masyadong slow ang utak. Di naman ako ganun ka bobo. Pero napaka bagal maka pick up. L
BINABASA MO ANG
Fall for You.
Teen Fiction"First romance, first love, is something so special to all of us, both emotionally and physically, that it touches our lives and enriches us forever."