"Belle, hayaan mo ako magpaliwanag.." Putol ko sa sasabihin nya. "O tama ba? ganon ba sasabihin mo? Sus e ilang beses ko ng napanood sa mga movie yan e"
"Belle. Sorry." Sabi nya ng nakayuko.
Ouch naman! Ano daaaaw?? Sorry? Bakit? Tumayo ako . nilapitan ko sya.
"Sorry for what? sa pakikipagkita kay Hannah? Wala lang naman un diba? Nagkaron lang siguro kayo ng closure kaya di na muna tayo nagdate. E wala naman na sayo si Hannah diba?" Pero nakayuko pa din si Andrew. Garalgal na ung boses ko talaga. Halos hindi ko na nga marinig ung sinasabi ko eh. Pero alam ko rinig nya un.
"Ano Andrew ? Tama naman ako diba?" Ayaw nya kasi magsalita. Nanghihina na ung tuhod ko . Napaluhod na ako . Ang lamig. Nanginginig ata ako .
"Sorry Belle. You don't deserve this. I'm so sorry. Bukas ko na sana sabihin sayo ang lahat eh. Kaso eto nga naunahan mo ako . Sorry. I just realized na hindi pa pala nawawala ung pagmamahal ko ke Hannah. "
"You just realized??? Kelan ? last week lang? Wow ang bilis naman nun Andrew! 5 years tayo tapos sa isang iglap ganon na? Ha? So pano na? Pano na?" Napahagulhol na ako. Wala akong pakialam kung sino pa makarinig. Alam kong nariring ako nila mama.
"Matagal na. Wala pa man sya sa akin. Un bang gumising ako isang araw. Naalala ko sya. Nagbalik ang lahat. Tapos nalaman ko na babalik sya . Kinontak ko sya. At un na. Mahal pa din pala nya ako kahit ilang years na ang lumipas." Pakiramdam ko ang haba haba ng paliwanag nya.
"So paano ako? etsyapwera agad agad? un na un? Dahil mahal nyo ang isa't isa bahala na ako? Diba sabi mo papakasalan mo ako. Tara. Kahit bukas na. Kahit civil lang. Kahit silver rings lang na nasa Unisilver or Silverworks. Pwede na un. Drei, Pakasalan mo na ako. Ayoko. HIndi ko kaya. Masakit. Bakit mo nagawa sa akin ito? After all those years? Ayoko Andrew. Please. please. " Wala na akong makita sa paligid ko. Ang labo na paningin ko eh. Sa luha siguro. Yakap yakap ko sya ng sinsabi ko yan.
"Sorry Belle. I'm letting you go. You're free now. You don't deserve me. You deserve someone better. Makakita ka din ng mas higit pa sa akin. Maniwala ka. Salamat Belle. Thanks for all the memories. I'll never forget that once in my life, I have someone like you. You're pretty. You're smart. You will be happy someday. Goodbye Belle. Goodbye." Inalis nya ang mga braso ko na nakayakap sa kanya.
That's it. Sobrang bilis ng pangyayare. Naisip ko tuloy sana noon pa pumayag na ako pakasal sa knya. Sana noon pa. Di ko sya ganon na medyo binabalewala. Sana noon pa hindi ako pasaway. Kaso wala na eh. wala na.. eto na ako .. naiwan ng basta basta. Hindi ko na alam kung ano pa mangyayare sa akin. Sabi Time will heal the wounds. Kelan kaya? Sana bumilis na. Sana bukas na. Ayoko magising ng maiisip toh. Ayaw ko matulog. Totoo ba toh? Baka biro lang? Andrew, wala ka na ba talaga sa akin? Pano na ako? Ano un? parang kumatok lang sya ng limang taon sa buhay ko ? Tapos after non the end na?
=====THE END====
BINABASA MO ANG
You said it's Forever (One-Shot)
RomanceForever means eternity? or forever means a lie?