Una Para Kay Jose

6 0 0
                                    


Alam kong di mo mababasa to. Kahit isa sa mga mahahalagang Jose sa buhay ko ay hindi makakapagtapon ng kanyang atensyon para sa liham na ito.

Sa dinami dami ng mga taong kapangalan mo, ikaw ang sinusulatan ko. Oo ikaw, ikaw na ginusto ko unang beses pa laman na mahagip ka ng paningin ko. 

Tanda ko pa noon. Iyon ay ang araw bago sumapit ang aking kaarawan. Araw ng pagtatapos ng palakasan na di ko ganoon kagusto pagkat wala akong kahilig-hilig sa isports. Normal lang naman ang takbo ng araw ko noon. Gaya ng dati ay kasa kasama ko ang mga kaibigan kong babae. Naglalaro, nakikipagkwentuhan, masaya.

Di kita kilala. Noong nakaraang taon ay malapit lamang ang mga silid-aralang pinapasukan natin at hindi naman kalayuan ang pila natin tuwing umaga ng lunes para sa pang-umagang seremonya. Ngunit hindi kita nakilalala.

Nasa kalagitnaan kami ng aming larong tagisan ng mga nalalamang bagay tungkol sa isang kategorya nang ikaw ay nagsalita. Katabi lang naman namin ang pila mo at pare pareho lamang tayong nasa dulo.

Ikaw ay nagliliwanag noon para sa akin. Alam kong hindi naman tama. Bata pa ako. Hindi talaga tama ngunit di ko na lamang sasabihin upang hindi maging mali. Ninais kitang makilala. Ninais kong tanungin ka ng napakaraming bagay. Nais kong malaman kung bakit kagaya ko ay di rin kita gasinong nakikitang naglalaro at nagpapakaliksi.

Noon pa lang alam kong di ko hilig ang mga tipikal na kinagugustuhan ng mga batang babae. Siguro ito ay sapagkat di ko layaw ang paliksihan ng lakas. Siguro ito ay dahil mas hilig ko ang maliliksi ang utak. Siguro ay dahil takot ako sa mga marurunong sa bola pagkat baka gaya ng bolang nilalaro nila ay paglaruan din nila ako.

Gusto kita. Ngunit bibig ko ay naumid. Mga tanong na ninais na masagutan ay di nabigkas. 

Ako ay batang lubos na matanong sa klase pagkat nais kong masigurong makukuha ang impormasyong kailangan ko. Nais ko ding magkaroon ng pakiramdam ng natutugon.

Ngunit hindi kita natanong. Kahit man lang pangalan mo ay nawaglit sa isip na alamin. 

Nalaman kong pangalan mo ay tulad ng paborito ko noong pangulo pagkat siya ay kay gwapo at wikang binibigkas ko ay ginawa niyang wika ng Pilipino.

Isa lamang ang nalaman kong ngalan mo kaya naman ang iba pa ay hinanap ko sa listahan ng mga kabilang sa klase mo.

Kasama ka pala ng kaibigan kong lagi kong binibisita sa klase ko.

Noon ay walang naghinala na ikaw na ang gusto ko at hindi na ang batang nagngangalang Micko.

Labis ang aking kaligayahan sa tuwing tayo ay magkakatagpo. Wala mang salita sa pagitan natin ay sapat na para mabuo ang araw ko.

Ang pagdalaw at pag-antay sa kaibigang kaklase mo ay lalo pang dumalas. Kung ang guro ay may ipag uutos na kailangan pang tawirin ang daang malapit sa kwarto ninyo ay agad akong nagboboluntaryo upang mukha mo ay masilayan ko.

At iyon ang unang taong nagkagusto ako sa iyo.


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 16, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Leaving LettersWhere stories live. Discover now